```` Galit na galit si Harmony habang nakatingin kay Hubert, meron siyang naalala pero hindi pa klaro ang lahat. Yung nangyaring eksena noong araw na nahuli niya si Jerome. “Totoo ba ang sinasabi ni Kuya Hubert mo?” Seryoso na tanong ng kanyang ina, sunod-sunod naman siyang umiling. “Nagsisinungaling siya mom, meron akong naalala pero hindi pa malinaw para sa akin. Kaya ako nagtatanong para mapag tagpi-tagpi ang lahat. Gusto kong makita ang babae ni Jerome, if siya nga yung nakikita ko sa aking panaginip. Gusto ko lang ng sagot!” Umiiyak na niyang paliwanag, dahil hirap na hirap na siyang pagdugtungin lahat ng kanyang nalalaman. Agad siyang nilapitan ni Caleb para patahanin, hinila niya 'to at niyakap. Dahilan para lalong umiyak si Harmony, napapailing na lamang ang binata dahil sa kaa

