````` Si Jerome naman, hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin siya ng kanyang mga natamong sugat. Kakain na sila sa ng agahan, kaya lumabas na rin siya at sumunod sa iba nitong kasamahan. Agad na lumapit sa kanya si Agatha, meron na naman siyang pasa sa mukha may kalakihan na rin ang kanyang tiyan. “Ano na namang nangyari sa mukha mo?” Tanong niya sa dalaga ngumiti naman si Agatha bago sumagot. “Wala ito wag mo na lang pansinin, kamusta na ang iyong mga sugat binibigyan ka pa rin ba ng gamot?” Pabalik na tanong niya sa binata nag-aalala pa rin ang dalaga para kay Jerome kahit lagi siyang pinagtatabuyan at sinisisi. Hindi na siya sinagot ng binata nauna na itong naglakad sa kanya, napabuntong hininga na lamang si Agatha at hinaplos ang tiyan niya . “Mabubuo din tayo baby, babalikan a

