Hindi na makatulog si Harmony dahil sa mga binitiwang salita ng kaibigan. Habang pinag-iisipan niya ang tunay na pagkatao ng babaeng iyon ay lalong tumitindi ang sakit ng ulo niya. Hindi na kasi kasama ni Jerome yung babae nung lumabas na ito, kaya wala na silang nakuha pa na ibang ebidensya. Pinagmasdan ng mabuti ni Harmony ang binata; siya ay payapang natutulog habang siya ay nanatiling gising. Kumunot ang noo niya ng makitang may red mark sa leeg nito. Hindi niya napigilang ibaba yung damit ni Jerome, na naging dahilan para magising ang binata. Pakiramdam ni Harmony ay lahat ng kanyang dugo umakyat sa mukha niya, dahil sa galit. "Ano itong nasa leeg mo Jerome? Kiss mark ba ito? Sinong may gawa nito? Akala ko ba wala kang babae?" Hindi na mapigilan ng dalaga na mag tanong ng sunod-suno

