Dahil sa nangyari kahapon, mas pinili na lang ni Jerome na umuwi silang mag-asawa. Nagpaliwanag na siya kay Harmony, para kahit papaano ay mabawasan ang paghihinala nito sa kanya. Mukhang kailangan nga muna nilang magpalamig ni Agatha. Mabuti na lang at nakaisip siya ng pwede niyang idinahilan. Nakatitig lang siya kay Harmony, habang mahimbing pa rin na natutulog. Hinaplos niya ang mukha nito, kahit na wala na siyang nararamdaman para sa dalaga. Ayaw niyang nakikita na may kausap itong ibang lalaki lalo na kay Caleb. Kilala niya ang pinsan niyang iyon, lahat gagawin nito makuha lang si Harmony sa kanya. Napatigil siya sa pag haplos sa mukha ni Harmony ng tumunog yung cellphone niya. Kinuha at kanyang tinignan kung sino ang tumatawag. Si Agatha, ang nasa kabilang linya. Agad namang nagmul

