Chapter 7

1346 Words
Dahil sa nalaman ni Jerome ay hindi na niya tinapos ang inaayos niyang documents. Kinuha na niya yung susi ng kanyang kotse, balak niyang sunduin si Harmony para kumain sa labas. Inayos niya ang kanyang sarili, nagpabago siya gamit yung binigay ng dalaga. Tuluyan ng lumabas si Jerome sa kanyang opisina. Kailangan niya muna ituloy ang dinner date nilang hindi natuloy bago siya pumunta kay Agatha. Wala sana siyang problema na ganito kung tuluyan ng nawala sa buhay niya si Harmony. Pagdating niya sa coffee shop ng kanyang asawa, pumasok na siya sa loob maraming mga customer ang kanyang nadatnan. Nagtataka naman si Maricar ng makita niya ang binata, agad siyang lumapit kay Jerome. "Kamusta Jerome?" Nakangiti niyang bati sa binata, kahit na alam may problema sila ng kaibigan niya. Pakikitunguhan pa rin niya ng mabuti ang binata, para kahit papaano ay hindi ito makahalata. "Ito sobrang busy, nasaan si Harmony nandyan ba siya?" Pabalik niyang tanong sa dalaga, tumango naman si Maricar bilang sagot. "Nandyan siya pero may kausap si Caleb." Tukoy niya sa pinsan ni Jerome, nagsalubong naman ang kanyang kilay. Naiinis siya sa pinsan niyang si Caleb dahil inamin ng binata noon sa kanya na may lihim itong pagtingin kay Harmony, tapos malalaman niyang magkausap sila ngayon. "Anong ginagawa niya dito?" Malamig niya na tanong. "Nagpapatulong si Harmony na maghanap ng pwede niyang pagtayuan ng bagong coffee shop." Nakangiti na sagot ni Maricar, siya ang may pakana ng lahat dahil alam niyang patay na patay si Caleb kay Harmony. "Pero pwede ka namang pumasok, aasikasuhin ko muna ang ibang costumer." Paalam ng dalaga sa kanya, madilim ang mukha niyang naglakad papunta sa opisina ng dalaga. Mahina namang natawa si Maricar, dahil sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Jerome. Kumatok muna ang binata sa pinto bago binuksan, napatingin naman silang dalawa nang bumukas yung pintuan. Ngumiti si Harmony ng makita ang kanyang asawa. Tumayo siya para salubungin si Jerome, hindi niya akalain na pupunta dito ang asawa. "Anong ginagawa ni Caleb dito? Diba sinabi ko na sa'yo na ayokong nag-uusap kayo!" Mariin na sabi ni Jerome sa kanya. "May problema ba Jerome? Nag-uusap lang kami tungkol sa negosyo." May halong pang-aasar na tanong ni Caleb sa kanyang pinsan. "Wala akong tiwala sayo Caleb!" Malamig niyang sagot tumingin siya kay Harmony, "Tara kumain tayo sa labas." Aya niya sa dalaga. "Pwede bang mamaya na Dhie? Nakita mo naman siguro nag-uusap pa kami ni Caleb." Uminit ang tenga ni Jerome, matalim siyang tumingin sa pinsan niya. "Bumalik ka na lang sa ibang araw, total wala ka namang ibang ginagawa!" Nagkibit balikat naman si Caleb, magsasalita pa sana ang dalaga pero hindi natuloy dahil hinila na siya palabas ng opisina niya. "Dhie, bakit ba galit na galit ka kay Caleb, nakakahiya sa kanya busy siya ngayon pero pumunta pa rin dito." Protesta ni Harmony sa kanyang asawa, hindi niya nagustuhan ang inasal nito. "Ano ba Harmony, pinuntahan kita dito para sunduin. Pero mukhang mas gusto mo pang kasama yung lalaki na yun!" Sigaw sa kanya ni Jerome, nagulat si Harmony dahil ito ang unang pagkakataon na tinaasan siya ng boses. Maging ang binata ay nagulat, hahawakan niya sana si Harmony pero umatras ito. "Importante yung pinag-uusapan namin Jerome, kung hindi ka makaintindi mas mabuti pang umalis ka na!" Mahinahon niyang sabi, sa inaasta ng binata ngayon parang siya pa yung may maling ginagawa sa kanilang dalawa. Lalong uminit ang ulo ni Jerome dahil sa sinabi ng dalaga. Hinawakan niya ng mahigpit yung braso ni Harmony, napadaing naman ang dalaga dahil nasasaktan siya. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa mata ni Harmony. "May relasyon ba kayong dalawa? Huwag mo akong niloloko Harmony!" Mariin niyang tanong, tinulak siya ng dalaga dahilan para mabitawan niya ito. Napahawak si Harmony sa kanya braso, seryoso siyang tumingin kay Jerome hindi na talaga niya kilala ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon. "Ako pa ngayon ang pinag-iisipan mo ng ganyan? Alam mong ikaw lang ang mahal ko pero ganyan kang mag-isip! Trabaho ang ginagawa ko Jerome, hindi lumalandi! Kung sino man sa atin ang may ginagawa dito, ikaw yun akala mo hindi ko napapansin yang panlalamig at lagi kang hindi umuuwi!!" Hindi na mapigilang sabihin ng dalaga, naiinis na siya dahil binabaliktad na ni Jerome ang sitwasyon. "Ah so pinaghihinalaan mong may iba akong babae, ganun ba? Ibang klase ka Harmony, halos hindi na ako natutulog para lang maayos yung problema sa kumpanya! Tapos malalaman kong pinaghihinalaan mo ako ngayon? Isa lang ang hinihiling ko sayo, layuan mo si Caleb pero hindi mo kayang gawin! Nilalandi mo ba ang pinsan ko!?" Muling sigaw sa kanya ni Jerome, nagpantig ang tenga ng dalaga dahil sa sinabi nito. Walang pagaalinlangan na sinampal niya ang kanyang asawa. "Buong buhay ko Jerome sayo ako nakatingin! Nakita mo namang wala kaming ginagawa na masama ni Caleb, pero yang utak mo sobrang kitid! Kung talagang wala kang babae, sino si Margarette?!" Nagulat si Jerome sa naging tanong ng asawa. Hindi siya makapagsalita, naghihintay naman ng sagot si Harmony. Seryoso siyang nakatingin kay Jerome, kitang-kita ng dalawa niyang mata ang pagkagulat nito kanina. "Hindi ka makapagsalita? Siya ba ang bago mong kinahuhumalingan? Kaya ba iba na ang pakikitungo mo sa akin? Dahil ba sa kanya? Ano pa bang kulang sa akin Jerome? Ano bang meron kay Margarette na wala ako? Maganda ba siya, sexy? Akala ko ba mahal na mahal ko ako? Pero bakit bigla ka na lang nagbago, kung wala ka ng nararamdaman sa akin bakit pinakasalan mo pa ako? Nakakabaliw na Jerome, halos gabi-gabi akong umiiyak at nagdadasal na sana hindi masira ang pamilyang dapat bubuoin pa lang natin. Pero simula ng makita kong may ibang babaeng tumatawag sayo, lahat ng pangarap ko para sa ating dalawa biglang nawala. Hindi ako mag-iisip ng ganito kung wala akong nakikita o napapansin sa mga ginagawa mo. Ngayon tinatanong kita kung sino si Margarette hindi ka makapagsalita. Ibig sabihin, may karelasyon kang iba at siya iyon!" Mahabang paliwanag ng dalaga sa kanya, hindi inalis ni Harmony ang tingin niya kay Jerome. Lalo siyang nasasaktan sa tuwing umiiwas ito ng tingin. Pinipigilan niya ang kanyang luha na wag tumulo. Mas masakit pa pala sa kanyang inaasahan kapag hindi umamin. "Bakit hindi ka magsalita Jerome!? Tinatanong kita gusto kong malinawan, mas mabuting ngayon palang sabihin muna sa akin yung totoo. Huwag mo ng patagalin pa, lalo lang akong masasaktan sabihin muna ngayon para minsanan na yung mararamdaman kong sakit!" Napayuko si Jerome, hindi siya makapagsalita dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. Para namang sinaksak ng paulit-ulit ng kutsilyo ang puso ni Harmony. Dahil tuluyan ng umiwas ng tingin si Jerome. Mapakla siyang tumawa, pero ang totoo ay durog na durog na yung puso niya. "Mali ka ng iniisip Harmony, hindi ko akalain na ganyan ang iniisip mo sa akin. Si Margarette ay business partner ko, nung nakita mong tumawag siya. Nagsabi siyang magkita kaming dalawa para pirmahan ang contract. Bago kong business partner ang tinutukoy mong babae ko. Hindi ko lang nasabi agad sayo dahil marami lang talaga akong ginagawa. I'm sorry kung nawawalan na ako ng oras para sayo, kaya nga ako pumunta dito para bumawi. Wala akong ibang babae Harmony, ikaw lang yung babae na minahal ko alam mo yan. Pinakasalan kita dahil ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Nandito na tayo, matutupad na natin yung binubuo nating pangarap noon. Bigyan mo lang ako ng oras, dahil alam mong nangangapa pa lang ako sa mundo ng business." Paliwanag niya sa dalaga, hindi na mapigilang mapaiyak ni Harmony. Pakiramdam niya ay sobrang sama na niyang asawa dahil sa kanyang paghihinala. "Ikaw lang ang mahal na mahal ko Harmony, kaya please magtiwala ka sa akin. Minsan hindi sumagi sa aking isipan na lokohin ka. Dahil ikakamatay ko kapag nawala ka sa akin, wala akong ibang iniisip kundi ang magiging kinabukasan natin." Paglalambing niya kay Harmony, lumapit siya sa dalaga at mahigpit na niyakap. Lalo nama itong naiyak, medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam dahil nalaman na niya kung anong totoo. Walang kaalam-alam na puro kasinungalingan lang ang sinabi ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD