Chapter 6

1550 Words
Abala si Agatha sa pagtipa sa kanyang laptop, nang tumunog ang cellphone niya. Napataas siya ng kilay dahil nakita niya ang pangalan ni Harmony sa screen ng kanyang cellphone. Wala siyang choice kundi sagutin ang tawag niya. "Hello beshy, napatawag ka miss muna ako?" Masiglang tanong niya pero yung mga mata ni Agatha ay umiikot paitaas. "Hello Agatha, may problema ako pwede ba tayong magkita?" Halata sa boses niya ang lungkot, hindi maiwasan ni Agatha na magsalubong ang kanyang kilay. Dahil halatang problemado nga ang kaibigan niya. "Anong nangyari??" Kunwaring nag-aalala na tanong niya kay Harmony. Napairap ang dalaga dahil siya pa talaga yung tinawagan ni Harmony. "Hindi ka ba busy ngayon?" Pabalik na tanong ng dalaga sa kanya. "May tinatapos lang akong report, ano bang nangyari?" Muling tanong niya, dahil hindi sinagot ni Harmony kanina. "Sasabihin ko na lang sa coffee shop, hihintayin ka namin ni Maricar doon, see you." Hindi na nakasagot si Agatha dahil pinatay na ng kaibigan yung tawag. Hindi maiwasan na mag-isip ni Agatha, dahil mukhang may problema ang kaibigan. Dati kasi tuwing tumatawag si Harmony, masaya na siang boses nito at laging tumatawa. Walang nagawa ang dalaga kundi tapusin na yung ginagawa niya. Kung pipiliin niyang hindi pumunta, tiyak na guguluhin siya ng mga ito at hindi titigilan na kulitin. Nang matapos na siyang gumawa ng report. Nag-ayos na siya ng kanyang sarili, habang nag-aayos ay sakto namang tumawag si Jerome. Nakangiti siyang sinagot yung tawag. "Hello Love, hindi kita maihahatid mamaya dahil kailangan kong bumawi kay Harmony." Malambing niyang sabi, hindi kasi natuloy ang dinner nila kahapon dahil mas pinili na lang niyang magkasama sila ni Agatha. "Okay lang love, dahil tumawag sa akin si Harmony pinapapunta ako sa coffee shop, parang may problema siya." Hindi naman maiwasan ni Jerome na magtaka. "Problema? Sinabi niya ba sayo kung ano?" Tanong niya dahil wala namang nababanggit si Harmony sa kanya. Sa tuwing may problema kasi ang dalaga, nagsasabi agad siya. "Wala siyang sinasabi sa akin, mamaya ko pa malalaman." Agad na sagot nito, hindi naman maiwasan na kabahan ni Jerome. "Sige sabihin mo agad sa akin kung anong pinag-usapan niyo. Ingat ka sa byahe, bye." Paalam ng binata, inilagay na ni Agatha ang kanyang cellphone sa bag niya bago tuluyang lumabas ng opisina. Habang sina Harmony at Maricar, hinihintay ang pagdating ng kanilang kaibigan. May balak na silang dalawa, kung hindi pupunta si Agatha wala silang pagpipilian kundi pumunta sa kompanya ng dalaga. "Sigurado ka bang pupunta ang babaeng iyon?" Naiinip ng tanong ni Maricar, una palang ay hindi na sila magkasundo. Lagi silang nagbabangayan na dalawa. "Oo pupunta siya, hintayin na lang natin kapag wala pa hanggang ala-una tara na sa kompanya niya." Agad na sagot ni Harmony bago humigop ng kape. Ang totoo ay hindi niya alam kung pupunta ba si Agatha. "Anong oras ka umuwi kahapon? Sinundo ka ba ni Jerome?" Tanong ni Maricar, umiling ang dalaga bago nagsalita. "Hindi niya ako sinundo at walang Jerome na umuwi kagabi. Tulad ng dati naghihintay ako sa wala, malakas talaga ang kutob kong may ibang ginagawa si Jerome." Seryoso niyang sagot kay Maricar. Magsasalita pa sana ulit siya pero hindi na natuloy, dahil biglang bumukas yung pinto ng kanilang opisina. Pumasok si Agatha na seryoso ang mukha, napataas naman ng kilay si Maricar. "Buti pumunta ka, akala ko paghihintay mo kami sa wala." Mataray niyang sita sa dalaga, inirapan naman siya ni Agatha. "Anong problema mo Harmony? Pwede namang sabihin sa call, bakit kailangan pang pumunta ako dito." Maarte niyang sabi bago umupo sa tabi ni Harmony. "Ang arte mo, importante ang pag-uusapan nating tatlo!" Iritadong sagot ni Maricar sa kanya. "Sabat ng sabat hindi naman siya ang kinakausap ko." Pagpaparinig ni Agatha, magsasalita pa sana ulit ang dalaga hindi na natuloy dahil tinignan na siya ni Harmony. "Kailangan ko kasi ng tulong niyong dalawa, pwede ba huwag muna kayong mag-talo kahit ngayon lang?" Pakiusap niya sa dalawa, nagkatitigan silang pero agad rin inirapan ang isa't-isa, napailing na lamang si Harmony. "May gusto kasi akong alamin, alam kong hindi ko magagawa ito ng mag-isa lang. Wala pa kasi akong nakukuha na ebidensiya, pakiramdam ko may babae si Jerome." Seryoso na paliwanag ni Harmony, nanigas naman si Agatha dahil sa kanyang narinig. Napansin ni Maricar ang pamumutla niya, pero nanatili lang siyang tahimik. "Tulungan niyo akong hulihin ang kabet ni Jerome, gusto kong malaman kung sino si Margarette." Dagdag niyang sabi, medyo gumaan ang pakiramdam ni Agatha. "Sigurado ka bang may kabet si Jerome? Baka business partner niya si Margarette, alam mo beshy sa mundong ginagalawan ngayon ni Jerome posibleng may mga babaeng nakakausap na siya." Paliwanag ni Agatha sa kanya, sunod-sunod siyang umiling. "Kilala ko si Jerome beshy, alam niyo yan nagsasabi yan sa akin. Pero ngayon nagbago na si Jerome, parang hindi na siya yung boyfriend ko. Malakas ang kutob ko Agatha, halos isang buwan na siyang nanlalamig sa akin. Wala naman akong ginagawang dahilan para itrato niya ako ng ganu'n. Hindi sana ako maghihinala ng ganito, pero sa mga kinikilos niya lalo akong naghihinala." Natahimik si Agatha, hindi niya akalain na mahahalata pa rin ni Harmony. Mukhang kailangan na naman nilang hindi magkita ni Jerome. Nakaramdam siya ng inis dahil laging hadlang si Harmony. "Mahahalata mo naman ang isang lalaki kung may gawain siya. Di ba may boyfriend ka naman Agatha? May napapansin ka bang pagbabago sa kanya? Sabihin na nating wala, for sure hindi mo maiisip ang mga bumabagabag sa isipan ni Harmony gayon. Hindi na sila magkasintahan ni Jerome, mag-asawa na sila nagsumpaan na sa simbahan. Kahit ano man busy ni Jerome sa trabaho, sana isipin din niyang may asawa siyang uuwian. Hindi yung halos hindi na umuwi!" Paliwanag naman ni Maricar hindi siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Dahil lahat naman sila busy sa kanya-kanya nilang mga trabaho. "Alam niyo kung gaano ko kamahal si Jerome, ngayon palang pinanghihinaan na ako. Kaya umaasa akong tutulungan kayo, kasi kung meron hindi ko alam ang kaya kong gawin. Papatayin ko ang babaeng yon, kung alam na sanang may asawa yung tao dumistansya siya! Bakit ba kasi may mga taong malalandi, pati taong alam nilang kasal na pinapatulan pa rin!" Umigting ang panga ni Agatha, dahil sa kanyang naririnig mula sa kaibigan. Kahit na ganun ay natutuwa siya sa kanyang nakikita, ang nasasaktan si Harmony "Wala tayong magagawa Harmony, talaga my mga taong pinanganak ng higad. Sila ang salot sa lipunan dahil hindi nila iniisip yung mararamdaman ng kanilang kapwa babae." Sabi naman ni Maricar, galit siya sa mga kabet dahil sa kanila ay nasira ang kanilang pamilya. Nagkaroon kasi ng ibang kalaguyo ang kanyang ama, simula noon galit na galit siya sa mga lalaking manloloko. "Tutulungan ka naming alamin kung sino yang sinasabi mong babae ni Jerome. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan, sana pag-usapan ninyong dalawa. Tawagan mo ulit ako beshy kung kailan mo balak mag-umpisa. Dahil sa ngayon may meeting pa akong pupuntahan. Dumaan lang ako saglit dito para malaman kung anong problema mo. Basta ang masasabi ko lang, maging matatag ka at matapang. Dahil kung magiging mahina ka ikaw yung matatalo." Malungkot niyang payo, pero sa kanyang loob-loob ay tumatawa na siya ng malakas. Wala na s'yang ibang pagpipilian kundi makipaglaro kay Harmony. "Salamat beshy mabuti na lang nandito kayong dalawa." Naiiyak niyang sabi, lumapit naman si Maricar sa kanya niyakap siya ng mahigpit. Ganu'n din si Agatha yumakap na kay Harmony. Nagpaalam na siya sa dalawa niyang kaibigan, dahilan niya lang yung may meeting siyang pupuntahan. Dahil ang balak niya kausapin si Jerome, tungkol sa kanyang nalaman at kung anong magiging plano nilang dalawa. Hindi dapat sila mahuli ni Harmony, dahil hindi pa pwede sa ngayon masyado pang komplikado ang lahat. Dahil mukhang seryoso si Harmony tapos ginagatungan pa ni Maricar. Wala naman siyang problema sa dalaga, kay Maricar siya nangigigil dahil pati boyfriend niya ay nadamay. Pagsakay niya sa kanyang kotse ay agad kinuha ng dalaga yung cellphone at tinawagan si Jerome. "Hello Love, nasaan ka ngayon?" Seryoso niyang tanong kay Jerome. "Nasa kumpanya, may inaayos akong ducoments, Bakit?" Pabalik na tanong ng binata sa kanya, huminga ng malalim si Agatha bago muling nagsalita. "Magkita tayo ngayon na, may importante akong sasabihin sa'yo. Nalaman ko na kung anong problema ni Harmony katatapos lang naming mag-usap dito sa coffee shop." Seryoso na sabi ng dalaga, bumilis ang t***k ng puso ni Jerome. Kanina pa siya kinakabahan sa hindi malamang dahilan. "Anong pinag-usapan niyo? Anong sinabi niyang problema?" Sunod-sunod na tanong nito, hindi na niya maiwasan dahil mukhang seryoso nga ang problema ng kanyang asawa. "Love, naghihinala na si Harmony kailangan na talaga nating nag-ingat. Pero wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para hindi na siya mang hinala pa. Magkita tayo sa dati nating pinupuntahan, pag-usapan natin kung ano ang magiging plano. Sa ngayon kailangan mong bumawi sa kanya. Para sa ating relasyon, basta ipangako mong babalikan mo ako. Hihintayin kita hanggang bukas." Seryosong sabi ni Agatha bago pinatayan ng tawag si Jerome. Dahil sa inis na nararamdaman ay naibato niya ang kanyang cellphone. "Gagawin kitang tanga Harmony, sa akin ka pa talaga nagpatulong. Tingnan natin ang galing mo, ikaw ang palalabasin kong mali hindi ako papayag na sisiraan mo si Jerome sa kanyang pamilya!" Nangigigil niyang sabi habang mahigpit ang hawak niya sa manebila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD