Ella's POV Ilang araw na akong iniiwasan ni Justin. Sa tuwing tatawagan ko siya, laging busy ang number niya. Hindi ko rin siya masaktuhan sa CNB Entertainment. Para bang tinataguan niya talaga ako. Naalala ko tuloy noong huling araw na nagkita kami. He's done doing his interview with his P.A. Nalate ako ng dating no'n, tapos bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay at hinila palayo sa P.A niya. Saan niya ako dinala? Sa may parking area lang naman. Akala ko ihahatid niya ako pauwi o ano, pero pinauwi niya rin akong mag-isa. Knowing him, alam kong may hindi tama sa kanya ng mga oras na 'yon. Kung paano niya tignan ang babaeng iyon, kung paano siya kumilos kapag kasama niya ang babaeng iyon. Alam ko, kilala ko si Justin at alam kong.. he's into her. Pero hindi ako papayag na tuluyang

