Lian's POV Tila ba nag-slowmo ang paligid ko, pakiramdam ko tumigil sa pag-ikot ang mundo. Kahit malakas ang ulan ay naririnig ko pa rin ang pagtibok ng puso ko. Parang may mga kabayong tumatakbo sa dibdib ko. Ganito pala ang feeling, ganito pala ang feeling kapag kasama mo ang taong gusto mo. Ganito pala ang feeling kapag hinagkan ka ng taong gusto mo. Nagka-boyfriend na ako, oo. Pero hindi ko naramdaman kay Mark noon, ang mga nararamdaman ko ngayon. Oo kinikilig ako kay Mark dati, masaya akong kasama siya. Pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayong yakap ako ni Justin. Sa tuwing kailangan ko ng tulong, palagi siyang nandyan para sa'kin. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Oo gusto ko siya, idol ko siya, hinahangaan ko siya sa galing ng boses niya sa pagkanta. Gusto ko si Justin.

