Lian's POV Alas nueve na ng gabi natapos ang concert and sobrang worth it lahat. Nakaramdam din naman ako ng pagkabitin pero sobrang grateful ako na naranasan ko ang lahat ng ito. 'Yong dating sa online ko lang pinapanood, ay nakita at nakasama ko sa personal. 'Yong mga lalaking dating ini-imagine ko lang, ay nakausap ko at nalapitan. Sobrang saya ko talaga. "Hey, guys! Did you enjoyed the show?" nakangiting tanong ni Naomi sa amin nang makalapit siya sa amin. "Oo naman! Thank you huh, thank you talaga," masiglang sagot ko. "You are always welcome Lian, nasa backstage pa sila. Gusto niyong sumama sa akin?" alok ni Naomi sa amin. Tumalon sa tuwa ang puso ko sa alok sa amin ni Naomi. Pero, hindi ko na yata kayang magpakita pa ulit sa kanila pagkatapos ng nagawa ko kay Justin kahapon. Oo

