Chapter 8: Concert

1996 Words
Lian's POV "Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagawa mo iyon? My gosh, Best! I can't imagine na kaya mong gawin iyon!" "Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko iyon," nanlulumo na tugon ko kay Cyrna. I can't move on at hindi ko alam kung makaka-move on pa ba ako dahil sa ginawa ko kahapon. Walang pakundangan na dinampian ko ng labi ko ang malambot na pisngi ni Justin. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magawa ko iyon. Yes. I'm really out of my mind! Hinila ni Cyrna ang unan na yakap-yakap ko para sana maitago ang mukha ko. Ramdam ko kasi na pulang-pula ako dahil sa kahihiyan. "'Yong totoo? Saan mo natutunan ang ganoon?" pang-aasar sa akin ni Cyrna. "Gumanti lang ako. Sobrang sungit niya kasi sa akin pero siya naman ang unang nagnakaw ng halik. Buti nga sa pisngi lang 'yong ginawa ko sa kanya eh," pangangatwiran ko. "My gosh, Best. Babae tayo. Kahit gaano pa natin kagusto ang lalaki, hindi dapat tayo ang nagfi-first move," panenermon sa akin ni Cyrna. "Okay fine. Alam ko naman na. Tama na, Best. Hiyang-hiya na nga ako eh." "Hiyang-hiya o kilig na kilig?" Makahulugan akong tinignan ni Cyrna. Ilang sandali pa ay sabay na lang kaming natawa. "But honestly, I'm so happy for you. Hindi ko inexpect na mapapalapit tayo sa 4SBLUE mo." "Ako rin, Best. Kahit na ano wala akong inexpect sa mga 'to," masiglang sabi ko. Naputol ang pag-uusap namin ni Cyrna nang biglang tumunog ang phone ko. Nagulat ako sa pangalan na nag appear sa screen ng phone ko. Limang segundo bago ko ito sinagot. "Hello, Lian?" masiglang bati ng nasa kabilang linya. "H-hello?" "Can we meet?" "H-huh? Uhm..." Binalingan ko ng tingin si Cyrna. "Who's that?" Cyrna mouthed. "Si Naomi," I mouthed back. Napa-oh na lang ng mahina si Cyrna sabay senyas ng 'lagot ka' sa akin. "I'll text you the address. Isama mo ang best friend mong si Cyrna. Okay?" "Huh? Eh kasi..." "Bye! See you," paalam niya bago mamatay ang tawag. "Oh my gosh anong gagawin ko, Best? Baka kasuhan nila ako o kaya ipatumba!" "Bakit ka naman ipapatumba? Hindi naman krimen ang gumanti ng kiss. Nauna naman si Justin hindi ba?" "Eh anong gagawin ko? Sabi ni Naomi magkita raw kami at isama raw kita. Nakakahiya, Best! Kaibigan niya si Justin. Baka isipin na lang niya desperadang fan ako. Na baliw ako." "Totoo naman 'di ba? Okay lang 'yon." "Best naman!" ** PINAGPAPAWISAN ng malamig ang mga kamay ko. Hindi ako makapag-isip ng tama at sobrang lakas ng kaba ko. "Best, come on," yaya sa akin ni Cyrna sabay pasok sa isang coffee shop. Marahan akong humakbang para sumunod sa kanya at mabilis na sinuri ng mata ko ang buong kapaligiran. Agad na natanaw ng mga mata ko si Naomi na nakatalikod mula sa amin. Nataranta ako at mabilis na pinigilan sa paghakbang pang muli ni Cyrna. "Best, sabihin mo sa kanya na nakauwi na ako ng Pilipinas kanina. O kaya, sabihin mo na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakasama sa'yo." "Ano bang sinasabi mo dyan, Best?" "Best, kinakabahan talaga ako na humarap sa kanya. Sobrang hiyang-hiya ako." "Ano ka ba naman. Ginawa mo 'yon so you should be proud," pang-aasar sa akin ni Cyrna. "Come on, let's go. Nakakahiya sa kanya pinaghihintay natin siya." Pipigilan ko pa sana si Cyrna nang may boses na tumawag sa aming dalawa. Lumingon kami at nakita namin si Naomi na nakangiti sa amin habang kumakaway-kaway pa. Ngumiti pabalik si Cyrna kay Naomi, tapos hinila niya ako palapit sa dalaga. "Hi guys," masayang bati sa amin ni Naomi. "Hello," bating pabalik ni Cyrna. Hindi ko magawang tumingin sa kanya kaya naman nanatiling sa ibaba lamang ang mga tingin ko. "Hi Lian, I'm glad to see you again," ani Naomi. Sasagot sana ako sa bati niya nang bigla na lang siya ulit magsalita. "Let's go. Mas maganda kung maaga tayo," excited na wika niya. Hinawakan niya kami ni Cyrna sa mga kamay namin tapos hinila niya kami palabas ng coffee shop, deretsyo sa nakapark na puting kotse. Dali-daling sumakay si Naomi sa passengers seat. At kahit na naguguluhan ay sumakay nalang din kami ni Cyrna sa back seat. "Let's go." Senyas ni Naomi sa driver niya tapos sinimulan na nga nitong paandarin ang sasakyan. "Teka Naomi, saan ba tayo pupunta? Saan mo kami dadalhin? Look, alam ko naman 'yong kasalanan ko and I'm so sorry. Sana huwag niyo na lang idamay ang kaibigan ko kasi wala naman siyang kasalanan." "What are you saying?" natatawang tanong sa akin ni Naomi. "Ako na lang, huwag na ang best friend ko—" "Lian, just relax. Okay? Pupunta lang tayo ng Big Dome." "Ha? B-Big Dome? "Yes. Para manood ng concert," nakatawang sagot ni Naomi sa akin. "Ha? Ibig sabihin hindi niyo ako parurusahan? "Bakit ka naman namin parurusahan?" "Best, nakakahiya ka. My Gosh," bulong sa akin ni Cyrna. "Eh teka... wala naman na akong ticket eh. Hindi na ako makakapanood—" "It's okay, don't worry. Sagot kita," nakangiting sabi ni Naomi. "T-talaga? Ibig sabihin pwede akong manood ng concert ng 4SBLUE ng libre?" "Yup. Ako na ang bahala." Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng swerte na ito sa buhay ko. Gusto ko sanang tumili sa sobrang saya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko naubusan na ako ng laway at wala ng salita pa ang makalabas sa bibig ko. Palihim kaming nagpaluan ni Cyrna sa isa't isa. Mukhang blessing in disguise ang nangyari sa akin kahapon na nanakaw 'yong wallet ko. Dahil doon, nameet ko in person ang 4SBLUE. Nagkaroon pa ako ng new friends, at makakapanood pa rin ako ng concert nila. Best gift ever! Thank you Lord! Ilang sandali pa ay nakarating na nga kami sa Big Dome. Mangha akong bumaba ng sasakyan habang pinagmamasdan ang kapaligirian. Sobrang dami ng tao na naghihintay sa labas at sobrang haba ng pila. Bakas sa mga mukha nila ang saya at excitement sa pagfa-fangirling nila. Mula sa mga light sticks, posters, t-shirts at placards ay kitang-kita ang suporta at pagmamahal nila sa 4SBLUE. "I can't believe it. Kasama ko ngayon 'yong mga taong nahuhumaling at nagmamahal sa 4SBLUE. Nandito ang mga kauri natin, Best," manghang sabi ko kay Cyrna. "Kauri mo lang, Best. Sinamahan lang kita rito dahil magbibirthday ka. And that's it." "Come on, Best. Don't deny it. I know you." "You know me what?" "You like them too. Welcome sa fandom, Best," nakangiti kong sabi kay Cyrna. Inirapan lang naman niya ako. Naalala ko pa noon, lagi niyang sinasabi na kalokohan lang naman daw ang pagkahumaling ko sa 4SBLUE, pero hindi nagtagal ay mukhang nahawaan ko na yata siya. Kunwari pa siyang pa-birthday niya sa akin ang pagpunta namin dito sa Korea, ang totoo gusto niya rin naman mapanood ng live ang 4SBLUE. May nakita kaming nagbebenta ng official light stick para sa concert ng 4SBLUE at dahil hindi namin nadala 'yong light stick na binili namin sa Pilipinas bago magpunta rito sa Korea, ay bumili na lang kami ni Cyrna ng official light stick. Masakit nga lang sa bulsa ang halaga pero okay lang. Okay na okay lang talaga! "Let's go, girls," yaya sa amin ni Naomi and she lead the way. Mabilis naman kaming sumunod ni Cyrna sa kanya. Palibahasa ay kilala si Naomi na kabigan ng 4SBLUE ay dere-deretsyo lang kami na nakapasok sa loob ng Big Dome. "Dito tayo," masayang sabi ni Naomi sa amin habang itinuturo ang mga bakanteng upuan. Malapit sa stage ang pwesto namin. Ilang sandali lang din ay nagsimula na silang magpapasok ng mga tao. Unti-unti ay nagkakaroon na ng ingay sa loob ng Big Dome. At alam kong sobrang excited at saya nila katulad ng nararamdaman ko. "Grabe, this is it na talaga!" sigaw ko. "Excited na rin ako! Ang gwapo ni Jed sa personal," sabi ni Cyrna. "Iwanan ko muna kayo ha," sabi ni Naomi sa amin. "Ha? Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ko. "Kailangan lang ako sa backstage," nakangiti niyang sagot sa akin. "After ng concert, huwag kayong mawawala rito ha, okay?" bilin niya pa. Kapwa lang kami na tumango ni Cyrna habang nakangiti sa kanya. Pagkatapos ay umalis na nga siya. Exactly 7:00 PM nag-start ang concert, and swear! I can't calm myself! Paglabas na paglabas pa lang nilang apat sa stage, grabe nagwawala na 'yong puso ko. Inilabas namin ni Cyrna 'yong light stick na binili namin at nakisabay sa pagwawala ng mga fans. Lahat ng tao sa dome nagtitilian, lahat sumisigaw at nagwawala. Walang pakialamanan sa mga katabi, lahat kaming fans ay nagwawala. As in! Sa first song pa lang nila, nasira ko na 'yong lightstick ko kakahampas kay Cyrna, super saya nilang mapanood ng live! "I'm breaking out and I am screaming out. My time is running out. What should I do now? Oh, give up? Or stand up? I don't know, I wanna break the spell now." Si Justin ang unang kumanta. Grabe sobrang ganda ng boses niya. Ang sarap pakinggan! At pagkatapos ay sinundan naman ni Jed ang pagkanta. Sumasabay kami sa kanta nila, at dahil sira na nga 'yong light stick ko, 'yong kay Cyrna ang iwinawagayway ko. Bestfriend naman kami at malakas ako sa kanya. "I'm searching where you are. Shining down on me from where you are. I'll always be right there, baby I'll always be right there baby, oh please touch my body and my face." Ang gwapo-gwapo talaga nila, lalo na ngayon na pinagpapawisan na sila. Siomay shemay! Ang sarap titigan ni Justin habang pawis at kumakanta. Ang ganda ng boses niya, lalo yata akong nai-inlove sa kanya. Ayoko sana siyang pagnasaan kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko. Panay ang ngiti at kindat niya sa mga fans niya. At sa bawat paggawa niya no'n ay parang tinutunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ng tatlong mga rock songs nila ay biglang nagbago ang ambiance. Mula sa pag-iingay at pagwawala ng mga fans ay naging kalmado at relax sila. Kasabay ng malumanay na pagtugtog ng gitara ni Justin, ay ang pagkalma rin ng puso ko. Tumigil ang lahat sa pagwawala, may ibang sumasabay sa pagkanta, may ibang nagwe-wave ng kamay pero ako? Tahimik lang akong pinagmamasdan ang mga malulungkot niyang mata. Nang mga sandaling iyon, wala akong ibang ginawa kundi ang tumitig lamang kay Justin. Oo, apat sila sa stage pero si Justin lang ang malinaw na nakikita ng mga mata ko. Mainam na pinakinggan ng puso ko ang musika niya. "No one ever sees and no one feels the pain, I always shed teardrops in the rain." Nang kantahin niya iyon, ay parang may kung anong humaplos sa puso ko. Pakiramdam ko ay kusa itong nagkaroon ng koneksyon sa kanyang musika. Nakita ko sa mga mata niya ang labis na kalungkutan. Katulad ko, ay damang-dama niya ang awiting kanyang inaawit. Masakit maranasan na ginawa mo naman ang best mo para mahalin ka ng taong mahal mo, pero wala kang makitang sapat na dahilan para iwanan ka na lang ng basta. Na kahit sobrang sakit, sa huli, hinihiling mo pa rin na sana bumalik siya. Na kahit sobrang sakit, hinihintay mo pa rin 'yong araw na muli siyang babalik at muli kang yayakapin. Umaasa ka na sana isang araw, ikaw naman ang piliin niya. But one thing I'd realized. We all deserve a love that doesn't leave and doesn't fade. Hindi natin pwedeng ipilit lagi ang sarili natin sa mga taong umayaw na sa atin. Kailangan nating mahalin din ang sarili natin. Hindi madali ang lumimot, pero hindi rin naman mahirap mahalin at unahin ang sarili natin. Ilang sandali pa ay nakita kong may tumulong luha sa mga mata ni Justin, pero mabilis siyang yumuko at pinahid ito. Hindi ko alam kung napansin din ba iyon ng iba. Pero sigurado ako, nakita ng mga mata ko, naramdaman ng puso ko. Justin is hurting, like me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD