Chapter 6: First Kiss

1088 Words
Lian's POV Napahimbing yata ang tulog ko? Humikab ako at nag-unat. Nakaramdam naman ako ng pagkirot sa mga paa ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata ko at—wow! Nananaginip ba ako? O, nasa langit na ako? Ang gagandang lalaki ng mga nasa harap ko. Ayoko ng magising kung panaginip man ito. Nasa harap ko ngayon ang mga naggwa-gwapuhang mukha ng idol band ko. Heaven ang feels, pero wait. Bakit tatlo lang sila? Nasaan ang face ng bebe Justin ko? "(Gising na siya,)" sabi ni Jae Hee. Ang galing! Nagsasalita sila sa panaginip ko at korean pa, ang cute talaga. Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko ang mukha ng bebe ko. Grabe! Napakagwapo niya. Heaven talaga, the best dream ever! "Ayoko ng magising!" nakangiti kong sabi habang nakatitig sila sa akin. "(Anong sabi niya?)" sabi ulit ni Jae Hee. Nag-uusap sila sa panaginip ko habang mga nakakunot ang noo, pero ang cute pa rin nilang tingnan kahit na gano'n. "Mitchida," cold na sabi ni Justin habang may masamang tingin sa akin. [Mitchida means crazy in korean.] "(Pilipino siya.)" Narinig ko namang sabi ni Nico. Grabe! Ang sarap nilang pagmasdan na apat. "Miss, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Jed. Grabe ang cute niya! Ramdam kong sobrang lapad na ng mga ngiti ko dahil busog na busog ang mga mata ko sa mga nakikita ko. "Hey! Get up," masungit na sabi naman sa akin ng bebe Justin ko sabay tapik. Teka. Tinapik ako? Wait! Napabangon akong bigla sa tapik niyang 'yon at sinampal-sampal ko ng mahihina ang sarili ko. "Hindi 'to panaginip?" gulat na gulat kong tanong. "Hindi ka nananaginip," tugon sa akin ni Jed. "T-Totoo ba talaga 'to?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Jed. Ngumiti lang naman siya sa akin. Napatutop ako sa aking bibig. Manghang-mangha ako. Gulat na gulat. Hindi makapaniwala. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Bigla naman nagbalik sa isipan ko ang eksenang nangyari kanina. Napatigil ako sa pagtakbo sa panghahabol doon sa snatcher dahil muntikan na akong masagasaan—at—si Justin ang nagmamaneho ng sasakyan na iyon. Kitang-kita ng dalawang mata ko! Impit akong napatili. Hindi talaga ako makapaniwala! Sobrang saya ko! Nataranta silang apat na patahimikin ako. "OMG! OMG! Hindi 'to panaginip!" paulit-ulit na sigaw ko. "(Hindi pwede 'to! Nasa labas si Kyong Yu, rumors na naman 'to,)" sabi ni Jed pero hindi ko 'yon naintindihan. "Shikoro! Jebal," sabi naman ni Jae Hee. [Shikoro means shut up. Jebal means please in korean.] "(Lagot!)" komento naman ni Nico. Hindi ko sila maintindihan dahil puro korean language ang mga sinasalita nila. Patuloy lang ako sa pagtili. Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko pero hindi ko magawa. Sobrang saya ko na parang anytime mawawalan ulit ako ng malay-tao. Hindi ako makapaniwala! Nandito ako sa place nila. Nasa harap ko sila. Tinitingnan nila ako. Pinag-uusapan. Grabe! Mababaliw yata ako sa paulit-ulit na pag-iisip na hindi panaginip ang lahat ng nakikita, nararamdaman at naririnig ko ngayon! Pero bigla na lang akong natahimik at natigilan sa sumunod na pangyayari. Nakalimutan kong huminga saglit dahil pinoproseso ng utak ko ang nangyari. 'Yong lips kasi ni bebe Justin, dumikit sa lips ko. Oo. Meaning, hinalikan niya ako. At bigla na lang ulit nagdilim ang paningin ko. ** Justin's POV Nakakarindi tumili itong babaeng 'to! Nakakaasar na talaga! Nasa labas pa naman 'yong koreanong taga Snoopy. Pinaunlakan kasi ni Ms. Lee ang reporter na iyon para magcover ng preparation namin para sa concert namin bukas. Nakakabadtrip lang dahil lagi niya kaming binabantayan at laging naglalabas ng kung ano-anong article tungkol sa grupo namin. Kapag narinig niya 'tong babaeng 'to siguradong kinabukasan nasa front page na naman kami. Kung baga, mainit masyado ang mata niya sa amin. Kaya naman no choice ako kundi ang patahimikin ang babaeng ito sa paraang alam ko. Kaya naman—hinalikan ko siya. At hindi naman ako nabigo dahil tumahimik siya sa ginawa ko. Natulala siya at nawalan pa nga ulit ng malay. "Oh yeah," nakangising sabi ni Jae Hee. "Thumbs up," sabi naman ni Nico. "Ang bilis mo," banat naman ni Jed. Ayos din talaga 'tong mga 'to. Ginawa ko lang naman 'yon para sa grupo. Kung makatingin at makapagsalita 'tong tatlong 'to, sarap pagbuhol-buhulin! "I just only want to stop her," paliwanag ko pero mga nakatingin pa rin sila na parang naghihintay pa ng sasabihin ko. "That's all!" dugtong ko pero nakatingin pa rin sila. "Yaksok." Pagkasabi ko no'n bigla silang nagtawanan. "Waeyo?" tanong ko sa mga baliw na 'to. [Yaksok means promise. Waeyo means why.] "Namumula ka, Hyung!" tumatawang sabi ni Nico. "Cute cheeks," pang-aasar ni Jae Hee. "Guilty huh?" tanong pa ni Nico habang tumatawa. "Aniyo! Mitchida," naiinis kong sabi. [Aniyo means no.] "Chill. Gotta go," sabi ni Nico. At sunod-sunod na nga silang lumabas ng kwarto para dumiretsyo sa practice hall. Bukas na kasi ang concert namin kaya naman kailangan naming magbabad sa practice hall upang mag-rehearse. Napailing na lamang ako at napabuntong-hininga. Bakit kasi kailangan mangyari pa 'to? Bakit ko ba naman kasi dinala rito ang babaeng 'to? Pero sa bagay, hindi naman kakayanin ng konsensya ko kung hahayaan ko na lang siya sa kalsada na nawalan ng malay. Hindi ko rin naman siya madala sa Ospital dahil mapapabalita na naman ako. Muli akong napailing. Palabas na rin sana ako ng kwarto nang bigla kong marinig ang isa sa mga kanta namin. Mabilis naman na nahanap ng mga mata ko ang pinagmumulan niyon. Kinuha ko ang cellphone niya na nasa tabi niya at sinagot ang tawag. No choice ako at baka hinahanap na 'to. "Finally! Thank God sinagot mo na rin! Nasaan ka na ba? What happened to you? Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala! My gosh, Best!" sabi ng nasa kabilang linya. "You can get her here in Blue's Garden now," sabi ko. "What? Wait! Who's this? Where is Lian? What happened to her?" sunod-sunod na tanong ng babae sa kabilang linya. Napabuga ako sa hangin saka muling nagsalita. "I'll text you the exact location." "Teka sino ka ba? Si Lian, okay lang ba siya?" "She's fine, don't worry." "Can you give her the phone? I want to talk to her." "I can't." "What?" "She's unconscious." "What did you do to her?!" sigaw niya. Bahagya kong nailayo sa tainga ko ang cellphone na hawak ko. "Just take out of her here."  "Kapag may nangyaring masama sa kanya, ipapupulis talaga kita!" Pagkasabi niya no'n ay in-end ko na 'yong tawag. Ako na nga 'tong tumulong, pero bakit parang kasalanan ko pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD