His POV
Maya't maya ang sulyap ko sa wrist watch ko. Kanina ko pa sila hinihintay at sobrang bored na ako. Puro may mga ka-date kasi at inuna pa nila talaga 'yon kaysa sa'kin.
Well, wala naman akong magagawa dahil ako na yata ang pinaka-bitter na lalaki sa mundo. Halos ilang taon na rin ang nakalipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang nakaraan.
At ito na naman ako, nag-eemote. Kailangan kong maglibang!
Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV.
"Our Top one Asia's Model—Ella Rose Lopez..."
She looks very stunning in her long silver gown. I can see in her eyes how happy she is. Nasa international news na siya. Maraming fans, at ilang beses na rin nakatanggap ng mga awards sa pagmomodel niya.
Natupad na niya ang mga pangarap niya, at ang mga ngiti niya ang unti-unting dumudurog sa aking puso.
Sobrang unfair niya. Ang saya-saya niya, habang ako ay patuloy na nangungulila sa kanya. Paulit-ulit na kinukwestyon ang halaga ko. Bakit niya ako nagawang iwan? Bakit niya ako nagawang ipagpalit?
**
Lian's POV
And finally! We're here. Sobrang saya ko, parang panaginip pa rin ang lahat ng 'to. I still can't believe it!
Pagkalapag namin sa airport ni Cyrna, dumeretsyo na kami sa hotel na pag-iistayan namin, tapos inayos na namin agad ang lahat ng mga gamit namin kasi super excited na kami maggala. Minsan lang 'to kaya lulubusin ko na.
Picture rito at picture roon. Puro kami selfie ni Cyrna. Tapos bawat koreanong makita namin eh binabati namin, siguro kung iisipin, para na kaming baliw na dalawa pero wapakels kami.
No'ng nakaramdam na kami ng gutom, naghanap na kami ng makakainan tapos nagtanong-tanong na lang kami pero ang hirap intindihin ng ibang koreano kasi hindi sila nag-eenglish. Kaya nosebleed na nosebleed na kaming dalawa.
"Mga turista kayo rito?" Napalingon kami ni Cyrna sa bumati sa amin.
Teka, siya ba talaga 'yong nagsalita? Singkit na singkit ang mga mata niya, ang puti niya at ang kinis ng balat niya, pero nagsalita siya ng tagalog?
"Huh?" hindi ko makapaniwala na tanong.
"Ako nga pala si Ericka Park," nakangiting sabi ng chinita na 'to sa harap namin.
"Ako si Cyrna, siya naman si Lian," nakangiting tugon naman ni Cyrna.
"Koreana ka di'ba? Bakit—" Hindi niya ako pinatapos magsalita.
"Oo Korean ako, pero Pilipino rin kasi ako," sagot niya sa tanong kong hindi ko naman naituloy.
"Talaga? Pilipino ka rin?" gulat kong tanong sa kanya.
Hindi kasi talaga halata na half sya. Parang pure korean siya dahil napaka-puti, napaka-kinis at napaka-singkit niya, pero straight siya magsalita ng tagalog. Nakakatuwa!
"Oo. Ten years akong tumira sa Pilipinas kaya maalam akong magtagalog," sagot niya.
"Great! It's nice to meet you Ericka, pwede mo ba kaming samahan mag-lunch?" nakangiting tanong ni Cyrna kay Ericka.
"Yup. May alam akong murang kainan," tugon naman ni Ericka.
At iyon na nga, nakasama namin mag-lunch si Ericka. She's so nice, simple and pretty like me. Masaya siyang kasama at kausap. Ang dami na niya agad naikwento sa amin ni Cyrna tungkol sa kanya. Syempre gano'n din si Cyrna, sa kadaldalan ba naman ng best friend kong ito, pati panaginip naikwento na rin yata.
"Mga fans pala kayo ng 4SBLUE. Sobrang sikat talaga nila at dinadayo pa talaga rito sa Seoul ang mga concerts nila, 'yong kapatid ko fan rin nila, pero hindi siya makakanood ng concert..." Biglang lumungkot ang mukha ni Ericka. "...nasa Pilipinas kasi siya. Actually doon din naman ako nakatira. Nag-aayos lang ako ng requirements dahil kamamatay lang ng Papa ko."
"Oh. We're sorry to hear that," simpatya ni Cyrna rito.
"It's okay. Ganoon naman talaga ang buhay," nakangiti na siya ulit.
Tapos bumalik na ulit sila sa pagdadaldalan ni Cyrna.
"Jinja? Kailan ang birthday mo?" baling sa akin ni Ericka.
[Jinja means really in Korean.]
"Sa Sunday," nakangiting sagot ko.
"Nakauwi na kayo no'n sa Pilipinas di'ba? Next week ang balik ko roon. Taga saan kayo sa Pilipinas?" Tanong ni Ericka.
"Sa Laguna. Ikaw?" sabi ko.
"Medyo malapit lang. Cavite ako," sagot niya.
"Okay 'yon. Meaning we can still have our bonding," nakangiti namang sabi ni Cyrna.
Matapos ang kainan with kwentuhan. Sumama sa amin si Ericka na mamasyal. Oh di'ba? Bongga, may new friend kami ni Cyrna na Koreana.
Habang naglalakad-lakad kami sa park, nagulat na lang ako nang biglang may mabilis na tumakbo sa tabi ko at parang gumaan ang dala ko.
Saka ko lang na-realize na... na-snatch pala 'yong sling bag ko. Wala naman doon 'yong phone ko, pero nandoon 'yong wallet at—
.
.
.
.
.
Shemay! OMG!
Nandoon 'yong ticket ko sa concert bukas!
At syempre hindi naman ako papayag na mawala na lang basta-basta 'yon.
NO WAY HIGH WAY!
Kaya ang ending... ito at hinahabol ko 'yong kumag na snatcher na 'yon!
"Magnanakaw! Tulong magnanakaw!" sigaw ko. Pero wala nga pala ako sa Pinas. "Help! help!" Sigaw ko habang tumatakbo.
Pero ang bilis tumakbo ng snatcher na 'yon! Hinahapo na ako pero hindi ako papaawat. I will do everything maibalik lang sa'kin 'yong concert ticket ko.
Lord please help me!
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa.. isang malakas na pagbusina ang narinig ko. Dahilan para mapatigil ako at mariin na mapapikit.
**
His POV
"Yes... I'm on my way."
"Make it fast," sabi niya mula sa kabilang linya.
"Ara (okay)"
Hindi ko pa naibababa ang phone ko nang biglang may sumulpot sa harap ko habang nagmamaneho ako.
Muntik na akong makabangga, mabuti na lang at nakapag-preno agad ako.
"s**t," mahinang mura ko.
Tumingin ako sa paligid upang tingnan kung madami bang tao, pero mabuti na lang at wala kaya bumaba ako ng sasakyan.
"Joo goo lae?!" sigaw ko sa kanya.
[Joo goo lae means wanna die in korean.]
Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya at idinilat ang mga mata niya, pero nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari.
Bigla siya nawalan ng malay kaya mabilis ko siyang sinalo at sa sobrang pagkataranta ko, binuhat ko siya papasok sa sasakyan at dinala sa...
Blue's Garden...