Chapter 4: He is Back

1537 Words
Lian's POV This is it! This is really it! Today is our flight going to my 2nd country—Korea. 7 AM ang flight namin and it's already 6:30 in the morning at sobrang excited na ako. Hindi alam ni Mama na aalis ako ngayon. Pagka-gising ko kasi kanina ay wala na siya sa bahay, nag-iwan lang siya ng note na may biglaang lakad siya kasama si Tita Char, ang Mommy ni Cyrna. And I'm pretty sure, may kinalaman si Best dito. Labag man sa loob ko ang umalis ng hindi alam ni Mama, wala naman akong magagawa. Minsan lang ang pagkakataon na 'to kaya hindi ko na palalagpasin pa. Ilang sandali pa ay biglang nag-ring ang phone ko. Mabilis ko rin naman itong sinagot. "O, Best? Nasaan ka na?" anong ko. "Nandito na ako sa entrance," tugon niya. "Okay sige, salubungin na kita—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may bumangga sa akin. "Sorry Miss, okay ka lang ba?" tanong niya. "Ay naku sorry din. Hindi kasi ako—" Natigilan ako nang makita ko kung sino ang nakabangga ko at halos tumigil ulit sa pagpintig ang puso ko nang makita ko kung sino siya. Bakit? Bakit siya pa? Bakit kailangang siya pa? Siya lang ba ang tao dito? Sa dinami-dami ng tao na pwedeng bumangga sa akin ay bakit siya pa? Bakit kailangan na magkita pa ulit kami? "L-Lian?" Nilagpasan ko siya at nagpatuloy ako sa paglakad. Mabagal na paglakad palayo sa kanya. Naramdaman kong gustong tumulo ng mga luha ko pero syempre, pinigilan ko 'yon. Bigla niya naman akong hinawakan sa braso ko at nagpunta siya sa harapan ko. Hindi ako makatingin sa kanya, hindi ko magawang iangat ang ulo ko upang tignan siya dahil pakiramdam ko, kapag ginawa ko 'yon, anytime tutulo ang mga luha ko which is ayoko ulit mangyari lalo pa't sa harapan niya. "Lian, can we talk?" tanong niya. Ano raw?! Can we talk? Nagpapatawa ba 'tong gunggong na 'to? Pagkatapos ng lahat, sasabihin lang niya 'can we talk?' Tae niya! Gusto ko siyang sampalin, ihagis, sipain at ipalapa sa pating pero bakit gano'n? Bakit parang gusto ko siyang yakapin at umiyak sa harap niya? ERASE-ERASE! Hindi dapat gano'n ang maramdaman ko, hindi dapat ako magpa-apekto sa kanya. Kailangan kong tatagan. Kailangan kong pigilan ang pagiging marupok sa kanya. "Wala na tayong dapat na pag-usapan. Excuse me," sagot ko nang 'di pa rin siya tinitignan. "Mayro'n! Marami. Marami tayong dapat na pag-usapan," sabi niya. "Pwede ba? Get out on my way! My parents told me not to talk to strangers." "Lian, alam kong galit ka, and I'm sorry—" "I said get out on my way!" sigaw ko. "Nagbalik ako rito para sa'yo, Lian. Alam kong mali noong iwan kita. Pero ginawa ko 'yon dahil mahal kita." Matapos kong marinig ang mga sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para tignan siya. Kasabay no'n ang mga lintik na luha ko na pumapatak na. "Mahal? Sino? Ako? Ginagago mo ba talaga ako?" galit na tanong ko. "Lian, ginawa ko lang naman 'yon dahil ayokong maging unfair sa nararamdaman mo. Gusto kitang mahalin ng buong-buo kaya nagdesisyon akong bigyan ng time ang sarili ko para kalimutan si Lanie," pagpapaliwanag niya. Nakita ko ang mga luhang gustong pumatak sa mga mata niya. Bakit? Bakit niya ako pinahihirapan ngayon ng ganito? "Anong gusto mong palabasin?" "Lian..." "Tama na! Ayokong makinig." "Hindi ako papayag na mawala ka ulit sa akin. Minsan na akong nagsisi dahil sa nagawa kong pag-iwan sa'yo noon, araw-araw akong nagdudusa sa pangungulila sa'yo, Lian. Patutunayan kong totoo ang nararamdaman ko para sa'yo. Just give me another chance." Aniya. Psh. Sinungaling! "I'm sorry, gusto sana kitang paniwalaan pero, ikaw rin naman ang nagturo sa akin na mali ang magtiwala ng sobra," saad ko. "I'll give you time, please." "No, Mark. It's over." Labag man sa loob ko pero kailangan ko 'yong sabihin. Ayoko nang masaktan pa. "Best!" sigaw ni Cyrna at mabilis na lumapit sa aming dalawa. Tiningnan niya ng masama si Mark at saka ako hinila. "Tara na, Best. Baka ma-late tayo sa flight." Flight? Omo! flight nga pala namin ngayon papuntang korea. Nakalimutan ko 'yong flight dahil sa gunggong na 'to. "Lian, maghihintay ako," sigaw niya, pero hindi ko na siya nilingon pa, dahil na rin sa hila-hila ako ni Cyrna. ** "HINDI ko alam ang buong kwento kung bakit gano'n 'yong nadatnan ko kanina, pero Best—" "Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapa-apekto, okay lang ako." Hindi ko na pinatapos si Cyrna, alam ko naman kasing sesermunan niya lang ako. At saka, ayoko namang mag-alala pa siya sa'kin. "Sigurado ka bang okay ka lang talaga?" paninigurado niya. "Oo naman," sagot ko sa kanya, saka ko siya binigyan ng isang ngiti na alam kong alam niyang pilit lang iyon para maitago ang tunay kong nararamdaman. After no'n, hindi na siya nagtanong pa ulit. Habang nasa flight kami, tahimik lang ako pero daldal naman siya nang daldal. Dapat ako rin masaya at super excited. Pero bakit gano'n? Panira naman kasi si manong tadhana! Nagkita pa kami ng gunggong na 'yon. Pero sabi ko nga dapat excited ako, kaya dapat hindi na ako magmukmok dito kasi itong katabi ko ayaw pa rin tumigil sa kadadaldal. "Grabe, Best! Sobrang kahiya-hiya talaga 'yong kagabi. As in," saad niya. "Eh ikaw naman kasi. Napaka-judgemental mo. Ayan tuloy ang napala mo. Nakakahiya nga talaga 'yon," natatawang sagot ko. "Alam ko naman na mali ang ginawa ko at 'yon nga, nagsorry na ako sa kanya," aniya. "Talaga? Nagsorry ka sa kanya?" Napalingon ako bigla sa kanya. Kasi naman, si Cyrna? Nagsorry kay Michael? Isang malaking HIMALA 'yon! "Oo nga, Best. Shy type talaga ako ngayon sa kanya." "Nice," natatawang sabi ko. "Anong nakakatawa, Best?" masungit na tanong ni Cyrna sa'kin. "Wala naman, happy lang ako na nagkakaintindihan na kayo ni Michael," sabi ko sabay kindat sa kanya. "Oy! Anong ibig mong sabihin diyan? Wala 'yon no. Sinipa ko 'yong ano niya kaya nagsorry lang talaga ako," depensa niya. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. ** Mark's POV And finally! here I am Philippines! namiss ko rin dito, isang taon din kasi akong nawala. At kung may sobra man akong namiss dito ay wala ng iba kundi siya lang. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Simula kasi ng makipag-break ako ay wala na akong naging balita pa sa kanya. Isang taon pa lang ang nakakalipas sa amin. Pero feeling ko ang tagal ko siyang nawala. Paano ko naman kaya siya mahahanap ngayon? Wala akong contact sa kanya kahit ano. Habang nag-eemote ako sa isipan ko, nagulat na lang ako nang biglang may makabangga ako. "Sorry Miss, okay ka lang ba?" tanong ko. "Ay naku sorry rin. Hindi kasi ako—" Nagulat na lang ako nang iangat niya ang ulo niya. Totoo ba ang lahat ng 'to? O nananaginip lang ako? Para akong lumutang sa kawalan dahil nahanap ko agad 'yong pinaka-importanteng tao sa'kin na minsan ko nang iwinala. "L-Lian?" gulat kong sabi. Halata ko rin sa mga mata niya kung gaano siya nagulat, pero nilagpasan niya lang ako. "Lian, can we talk?" habol ko sa kanya. "Wala na tayong dapat na pag-usapan. Excuse me," sagot niya. "Mayro'n! Marami. Marami tayong dapat na pag-usapan," saad ko. "Pwede ba? Get out on my way! My parents told me not to talk to strangers." "Lian, alam kong galit ka, and I'm sorry." Sobrang guilty ako at miss na miss ko na siya. "I said get out on my way!" sigaw niya. "Nagbalik ako rito para sa'yo, Lian. Alam kong mali noong iwan kita. Pero ginawa ko 'yon dahil mahal kita," pagpapaliwanag ko sa kanya. Sana naman pakinggan niya ako. At hindi naman ako nabigo, dahil sa wakas ay tinignan na niya ako. Ngunit kasabay ng mga tingin niya ay ang paglandas ng mga luha niya. Nakita kong muli ang sakit sa mga mata niya. "Mahal? Sino? Ako? Ginagago mo ba talaga ako?" galit na tanong niya. "Lian, ginawa ko lang naman 'yon dahil ayokong maging unfair sa nararamdaman mo. Gusto kitang mahalin ng buong-buo kaya nagdesisyon akong bigyan ng time ang sarili ko para kalimutan si Lanie," pagpapaliwanag ko. Hindi ko namalayan na nagtutubig na rin pala ang mga mata ko. "Anong gusto mong palabasin?" "Lian..." "Tama na! Ayokong makinig." "Hindi ako papayag na mawala ka ulit sa akin. Minsan na akong nagsisi dahil sa nagawa kong pag-iwan sa'yo noon, araw-araw akong nagdudusa sa pangungulila sa'yo, Lian. Patutunayan kong totoo ang nararamdaman ko para sa'yo. Just give me another chance," saad ko. "I'm sorry, gusto sana kitang paniwalaan pero, ikaw rin naman ang nagturo sa akin na mali ang magtiwala ng sobra." Parang gumuho 'yong mundo ko sa sinabi niyang iyon. "I'll give you time, please," pagmamamaawa ko sa kanya. "No, Mark. It's over." No, Lian. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin. "Best!" Biglang dating ni Cyrna. Matalim akong tinignan nito. "Tara na, Best. Baka ma-late tayo sa flight." "Lian, maghihintay ako," sigaw ko pero hindi na niya ako nilingon pang muli. Bumagsak ang balikat ko at parang mawawasak ang puso ko. Hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sa akin. Ayoko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD