Lian's POV Hindi ko alam kung anong mararamdaman at magiging reaksyon ko. Una, nag-aalala talaga ako kay Cyrna, pangalawa, shocked pa rin ako sa mga nangyari kanina. At ang pinaka nakakagulat sa lahat ay kasama ko ngayon si Justin, ang iniidolo ko. Tinulungan at ipinagtanggol niya ako kanina sa mga lasing na lalaki. Kapwa kami tahimik sa loob ng sasakyan. Gustong-gusto ko nang makababa ng kotse niya dahil hiyang-hiya ako sa kanya. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagkahiya ko nang halikan ko siya, nasundan naman ng ganito ang muli naming pagkikita. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hotel. Itinigil niya ang kotse at sumilip siya rito. "Dito ba?" tanong niya. "Oo dito nga," tugon ko. Inalis ko ang suot kong seat belt saka muling nagsalita. "M-maraming salamat. Thank you talag

