Chapter 12: Personal Assistant

1775 Words

Lian's POV Hindi ko ma-gets kung anong mayroon. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Sa sobrang kaba ko ay tumakbo na ako palabas ng comfort room, pero agad naman nila akong sinundan habang patuloy sa pagkukuha ng litrato sa akin. Sa paglabas ko ng comfort room, ang buong akala ko ay makakahingi ako ng tulong para mailayo sa akin ang dalawang babae na ito. Ngunit sa halip ay may mga dumagdag pa na tao ang lumapit at pinagkukuhanan din ako ng litrato. "(Ikaw ba talaga ang girlfriend ni Justin Song?)" "(Gaano na kayo katagal?)" "(Taga-rito ka ba sa Seoul?)" "(Paano kayo nagkakilala ni Justin Song?)" "(Sagutin  mo kami.)" Sunod-sunod na sabi nila pero hindi ko sila maintindihan. Habang tumatagal ay mas dumarami na ang mga pumapalibot sa akin at hindi ko na talaga nagugustuhan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD