Cyrna's POV "What?! Bakit ka pumayag? Baliw ka na ba?" Padabog akong naupo sa couch. "Alam mo naman kung gaano kalaking opportunity nito sa akin 'di ba? Isa pa, su-swelduhan naman niya ako bilang P.A niya. Isipin mo na lang na OFW na ako. Nagtatrabaho ng marangal para sa bansa," nahihibang na sabi niya. "Baliw ka na, Best! Oo alam kong patay na patay ka sa 4SBLUE mo. Kaya lang may sarili kang buhay na iiwanan sa atin. Naiintindihan mo ba? Saka isa pa, hindi ka naman sanay tumira ng malayo sa amin. And how about Tita Lei? Hindi niya nga alam na nandito tayo ngayon sa Korea eh. Pinasama ko lang siya kay Mommy na magbakasyon sa Zambales. Ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niya 'to?" tuloy-tuloy na panenermon ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa Blue's Garden. Dinala ako rito n

