Jae Hee's POV "I'm glad you came," sabi niya sabay salubong ng yakap sa akin. "(Akala ko hahayaan mo na lang talaga ako,)" dagdag niya pa. Inilayo ko siya sa akin. Tumitig siya sa mga mata ko at akmang hahalikan ako. Mabilis naman akong nakaiwas. "Stop," malamig kong sabi sa kanya. "(Ayaw mo na ba talaga sa akin?)" tanong niya. "(Noong una pa lang nilinaw ko na sa'yo 'to. Laro lang 'to lahat,)" tugon ko. "Come on, Jae Hee! I love you—" I cut her words. "I don't." Nakita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. "(Tigilan mo na ako. Mabuti nga at nakipagkita pa ako sa'yo. So, please. Stop calling me.)" "(Akala ko kahit papaano ay gusto mo rin ako. Lahat ba ng nangyari sa atin, lahat ba iyon ay wala lang sa'yo?)" umiiyak na niyang sabi. "I'm sorry," tanging naging t

