Ericka's POV Maingay, magulo, at madaming ilaw na may iba't ibang kulay. Mausok din dahil sa mga sigarilyo na ginagamit ng karamihan na tao rito. Limang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang pumasok kami sa lugar na 'to pero mukhang hindi na ako tatagal. Madilim ang lugar na ito, at tanging maliliit at makukulay na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag dito. Ayoko na, gusto ko nang lumabas. Hindi ko kayang tumagal sa lugar na 'to pero wala naman akong magawa. Kung bakit kasi ngayon pa nawala ang wallet ko. Inipon ko ang pera na 'yon pambili ng stuffed toy na gustong-gusto ng kapatid ko. Nangako ako sa kanya na pagbalik ko ng Pilipinas ay dala ko na ang gusto niya, kaya ayokong biguin siya. Gagawin ko ang lahat para makuha lang 'yon. "(Ang tagal mo naman, brad,)" bati ng isang lalaki rit

