Ella's POV Ilang minuto nang makaalis kami sa Blue's Garden ay itinigil niya rin ang sasakyan. Hindi ko alam kung ano ba ang unang sasabihin o gagawin ko. Sobrang namiss ko talaga siya, pero alam ko naman na hindi niya ako agad mapapatawad sa nagawa kong pag-iwan sa kanya noon. Oo, kasalanan ko naman ang lahat, ako ang nang-iwan sa kanya. Pero ngayon, nakahanda akong gawin ang lahat bumalik lang siya sa akin. Marami akong narealize sa tatlong taon na nawala siya sa akin. Narealize ko na iba siya sa lahat, na hindi talaga ako masaya kung wala siya, na hindi lang pala ang pagtupad sa pangarap ko ang makakapagpasaya sa akin, dahil higit siya sa mga pangarap ko. Labis kong pinagsisisihan ang pag-iwan ko sa kanya noon. Nang mga panahon na umalis ako para tuparin ang pangarap ko ay agad din a

