-Summer- (flashback) Alam kong hindi papayag sila Ninang Ganda at Ninang Beauty kaya naman tumawag na ako ng mga taong tutulong sa akin ng sa ganoon ay matupad ang planong gusto ko para sa aking mga magulang. Alam kong sa una ay magagalit si Mommy sa akin, subalit aasa pa rin akong mauunawaan ako nito dahil ang tanging hangad ko lang ay makita itong masaya sa taong nais din naman nitong makasama dahil nakikita ko naman talagang gusto nito ang aking ama. Hindi lang nito magawang sabihin dahil sa galit na nasa kanyang puso, kaya naman ako na ang gagawa ng paraan ng sa ganoon ay maranasan naman nitong maging masaya yung totoo say ana walang katapusan. Mahabang panahon na rin ang tiniis nito at ayokong lumalaki na nakikitang sira at hindi buo ang aking pamilya, pangarap kong maging masaya k

