-Kea- “Kea, I’m sorry!” Nahihiyang sambit sa akin ni Philip ang asawa kong niloko at ginawa akong t*nga ng mahabang panahon. Narito kami ngayon sa aming kuwarto ng sa ganoon ay mapag-usap ang problema na meron kaming dalawa, subalit hindi ko alam kung magiging maayos pa rin ba kami lalo pa at hindi ko nakikita na kami ang pipiliin nito at kung kayang iwan ang lalaki nito na sa tingin ko rin ay mas mahal nito kaysa sa akin. Mahirap man tanggapin ngun’t alam kong kailangan ko pa rin gawin para na lang sa pagsasama namin bilang mag-asawa. Alam kong ako ang magiging talo sa ganitong laban pero gusto ko pa rin maindigan sa harapan nito na kaya ko parin ang lahat oras na iwan ako nito at sumama sa lalaking nais nitong makasama ng habang buhay. Isang malaking kat*ngahan ang gagawin ko kung ibibi

