(Present) -Kea- Sa loob ng halos ilang taon naming pagsasama ni Philip ay ngayon ko lang nakita ang katotohanan na matagal na pala ako nitong niloloko, at ginawang tanga, minahal ko ito at ibinigay ang lahat sa kanya pero ano ang napala ko sa taong hindi naman pala ako minahal at pinahalagahan ko? Narito ako ngayon sa loob ng kotse ko at sinasariwa ang mga masasayang araw na kasama ko ang lalaking pinili kong mahalin, subalit ngayon ay mawawala na rin ang lahat ng dahil sa isang pagkakamali na kaylan man ay hindi ko magagawang patawarin at mukhang kahit na sinong babae ay hindi rin ito matatanggap. Magulo ang utak ko ngayon dahil sa mga nalaman ko, pero kailangan ko pa rin gawin kung ano ang tama at ng sa ganoon ay hindi masaktan ang anak ko dahil alam kong labis lang itong mag-iisip

