Chapter 1

2045 Words
-Kea- Isang malakas na sampal ang binigay sa akin ng aking ina ng malaman nitong buntis ako at walang ama ang magiging anak ko, ayoko pa sana sabihin sa kanila pero alamo ng bilang mga magulang ay alam nila kung ako ang magiging kalagayan ko. Umiiyak ako sa kanilang harapan dahil sa kamaliang aking nagawa hindi ko naman talaga sinasadya ang mga nangyari pero nagawa ko pa rin dahil sa sobrang kalasingan, alam kong nasa ilalim ko ng alak ng mangyari yon at isa yon sa malaking pagkakamali na nagawa ko sa aking mga magulang. Alam kong mali at ikakagalit ito ng aking mga magulang pero ano pa ba ang magagawa ko narito na ito at wala na rin ako magagawa pa, ayoko namang maglihim sa kanila dahil alam kong malalaman din naman nila ang totoo, dahil tiyak na makikita nila ang paglaki ng aking tiyan at alam kong mas masakit kung saka pa nila malalaman na buntis ako. At bilang ginagalang ko sila ay karapatan din naman nilang malaman ang totoo mula sa akin, pangit naman kasing tignan kung sa ibang tao pa nila ito malalaman na nabuntis ako ng sino lang. Mas maganda pa rin na sa akin nila mismo malalaman ang totoo ng sa ganoon ay hindi rin naman ako husgahan ng iba dahil sa pagiging disgrasyada kong babae. Ito ang unang pagsubok na aking pagdadaanan, ito rin ang unang kasalanan ko sa aking mga magulang. “Anong buhay ang ibibigay mo yan sa anak mo Kea, ha? Hidni ka pa man din nakakapagtrabaho ng ayos tapos nagpabuntis ka pa sa kung sinong lalaki lang, ganyan ka ba kab*bo at naklimutan mo ang gumawa ng tama? Akala ko ba gusto mo kaming tulungan sa negosyo na minana ko pa sa mga magulang ko? Alam mong kakagaling lang namin sa business trip ng ama mo tapos ganito lang ang malalaman namin tungkol sayo? Nasaan na ba ngayon ang utak mo Kea, ASAN? Kahit kailan ay hindi ka namin magawang higpitan dahil malaki ang tiwala namin sayo, tiwala kami na hindi ka gagawa ng isang bagay nagugulo sa buhay mo?” Galit na sigaw ng aking ina sa akin, hindi ko naman magawang tignan ang mga ito dahil talagang nahihiya ako sa ginawa ko. Umiiyak lang ako habang nakayuko sa kanilang harapan, namumula sa galit ang aking ina samantalang ang aking ama ay tahimik lang sa tabi nito at pinipigilan din niya ito ng sa ganoon ay hindi na ako masaktan ng aking ina dahil sa alam nitong kaya ulit ako saktan ni Mommy. “Tama na honey, anak mo pa rin n’yang sinasaktan mo. Hindi ka ba pwdeng matuwa na lang tayo dahil sa magkakaroon na tayo ng apo, hindi ba’t matagal mong inaantay na magkaapo tayo, tapos ngayong dumating na magagalit ka naman yan? Hindi na tuloy alam ng panahon kung saan lulugar sayo? Mabuti pa tanggapin na lang natin ang pagkakamali ng anak mo saka nobody’s perfect diba? Sambit ng aking ama na idinaan pa sa pagbibiro para mapakalma si Mommy para tanggapin ang aking pagkakamali sa kanila. Si Daddy talaga ang kakampi ko sa tuwing makakagalitan ako ni Mommy, kahit noong bata pa lang ako ay ito na ang palagi kong kakampi kaya naman ayos lang kahit mapagalitan ako ni Mommy basta pagkatapos non ay nasa tabi ko naman si Daddy para tulungan ako at payuhan ako sa mga bagay-bagay dito sa mundo. “Tumigil ka Agustin kung ayaw mong sayo ko ibaling ang galit ko yan sa anak mo? Narinig mo ang sinabi n’yan she is pregnant at walang ama ang magiging apo natin, gusto kong magkaroon ng apo pero yung may matatawag si Kea na asawa o pamilya at hindi biro kung basta na lang mabubuntis yang anak mo ng walang lalaking tatayo para panagutan s’ya. Mahirap bang intindihin yon ha? At hindi ako mananahimik sa isang tabi kapag may narinig kong hindi magandang salita galing sa ibang tao tungkol yan sa anak natin? Kilala mo ako Agustin ayokong may ibang taong magassabi na maruming babae ang anak natin ng dahil lang sa nabuntis siya ng isang lalaking ni pangalan man lang ay hindi niya alam? Alam mo ba kung gaano yon kasakit sa akin bilang ina ha?” Galit pa rin turan nito kay Daddy ko. Nakitang kong nanahimik si Daddy saka tumingin sa akin ng malungkot. Muli lang ako napaluha dahil alam kong nasasaktan ko ng labis ang aking mga magulang ng dahil sa naging kalagayan ko nagyon. “Alam mo wala naman tayong pakialam sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao, basta ang mahalaga pamilya pa rin tayo at ang batang nasa sinapupunan ng anak natin ay kadugo pa naman natin, apo natin yon at alam mong hindi natin yon pwdeng baliwalain. Alam kong mali ang ginawa ni Kea, pero makakaya mo bang mapahamak ang anak at ang apo natin ng dahil yan sa pride mo, Honey? Ama pa rin ako ni Kea, at maging ako ay masasaktan oras na may marinig ako ng hindi maganda sasabihin sa kanya ng ibang tao, pero kaylan man ay hindi ko hahayaan na masaktan ang anak natin ng dahil lang sa isang beses na kanyang pagkakamli.” Pagpapaliwanag ni Daddy at nakita kong napatulala naman don si Mommy, dahil sa bihirang sumagot si Daddy kaya alam kong napapaisip nagyon si Mommy sa mga nagiging turan ni Daddy sa kanya. Ilang sandali nanahimik ang aking mga magulang ng muling magsalita si Mommy sa amin. “Aalis ka ng bansa Kea, sa ibang bansa mo ipapanganak yang anak mo at hindi ka uuwi dito hangga’t walang kinikilalang ama yang anak mo? Nagkakaintindihan ba tayo ha? Ayoko makitang nahihirapan ka kaya maghanap ka ng lalaking kaya kang mahalin pati yang anak mo? Buo na rin ang desisyon ko kaya Agustin kung gusto mong tulungan yan anak mo ay hindi kita pipigilan, ikaw pa rin ang ama ni Kea kaya alam kong nauunawaan mo ang magiging pasya kopara sa kanya.” May bilin nito sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. Umalis na rin si Mommy at hindi na ito napigilan ni Daddy dahil nakikita nitong talagang galit sa akin si Mommy, yumakap na lang ako kay Daddy at saka umiyak sa bisig nito. Wala rin naman akong nagawa ng sabihin iyon sa akin ni Mommy. “Sorry po Daddy, hindi ko po talaga ginusto ang nangyari sa akin, sorry po. Kung pwde ko lang po ibalik ang mga nangyari hindi na po ako pupunta sa bar na yon para uminom at samahan si Cindy, ng dahil don ay nagagalit sa akin si Mommy at magkaka-anak ako ng ganon lang kadali at hindi ko pa kilala kung sino ang nabuntis sa akin. Daddy, palawad po.” Umiiyak kong sambit dito at mahigpit naman ang yakap nito sa akin at pinadama nito ang pagmamahal bilang ama sa akin. “Anak, sana maging aral ito sayo. Hindi naman ako galit sa kung ano ang nagawa mo? Pero aaminin kong nalulungkot ako sa nangyari sayo dahil alam kong marami ka pang pangarap sa buhay mo at marami ka pang gsutong maabot. Mataas kasi ang naging expectation namin sayo ng Mommy, mo at hindi namin alam na darating sa buhay ang ganitong sitwasyon lalo na ang maging dalagang ina. Subalit tapos na rin naman ang lahat at mag-kakaanak kana rin at alam mo bang blessing ang mga baby sa buhay natin, Anak? Nasisigurado kong ang pagdating ang baby mo ang magiging sentro ng buhay mo, sa kanya mo ibibigay ang mga bagay na hindi akalain na magagawa mo sa buhay mo. Pag-ingatan ang mo ang magiging apo namin ng Mommy mo, Anak.” Paliwanag nito sa akin habang hinihimas ang aking likod at pinakakalma ang aking pakiramdam dahil saw ala na rin ako ginawa kung di ang lumuha sa tabi nito. Pagkatapos naming mag-usap ni Daddy ay pumunta na ako ng aking kuwarto at nag-imbake ng mga damit, alam kong buo na rin ang plano ni Mommy kaya kailangan ko na rin mag ready ng sa ganoon ay hindi na rin ako mahirapan kapag pinaalis na ako nito sa bahay. Walang sino man ang makakapagpabago ng isip nito kapag nagsalita na ito, si Mommy ang batas sa aming tahanan at si Daddy lang ang tagapagpatupad nito. Hindi ko pa rin mapigilan ang umiiyak dahil sa naiinis pa rin ako sa pagiging pabaya ko sa aking sarili. Sumama ako kay Cindy ang best friend ko simula pa noong elementary days namin, sawi kasi ito sa pag-ibig at tinawagan ako nito para uminom kami sa isang bar ng sa ganoon ay makalimutan daw nito kahit sandali ang ginawang pangloloko ng boyfriend nito sa kanya. Matagal na rin naman itong may relasyon kay Red ang boyfriend nito saksakan ng babae subalit hindi naman yon ankikita ng best friend ko dahil na rin sa pagmamahal nito sa binata yon. Nahuli daw kasi niya ang kanyang boyfriend na may katalik na ibang babae sa loob ng condo nito, ewan ko pa din sa kaibigan kong ito matagal ko na rin sinasabi sa kanya na iwan na n’ya ang lalaking yon dahil hindi naman iyon makakabuti sa kanya, pero mahal daw nito ang mokong na yon kaya man nakakaya n’yang tanggapin ang ginagawa nito sa kanya. Subalit mukhang napuno na rin ito ng mismong mga mata na niya ang nakakita na may katalik ito sa ibabaw ng kama kaya naman nasaktan niya ang dalawa at nagawa pa niyang papiliin ang kanyang boyfriend kung sino sa kanila ng babae ang kanyang pipiliin. Pero pinili ng boyfriend nito ang babaeng katalik kaya naman double ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil talagang tuluyan na siyang iniwan ng lalaking ilang taon na rin nitong ipinaglaban maging sa kanyang mga magulang. At s’ympre bilang kaibigan nito ay dinamayan ko ito sinabayan ko ito sa kanyang pag-inom at dahil late na rin ay nakakaramdam na rin ako ng pagkalasing. Gusto ko pa sanang umuwi pero nahihilo na talaga ako at parang mainit ang nagiging pakiramdam ko, parang may ibang inumin akong naiinom ng hindi ko rin maintindihan sa akin. Hindi ko na rin kayang magdrive pauwi kaya naman tinawagan ko ang katapid ni Cindy na lalaki para sana sunduin na kami ng sa ganoon ay hindi na kami mapahamak pa. Pero ng dumating ito ay nagpaalam muna akong magbabanyo at antayin na lang ako ng mga ito sa parking lot, subalit hindi pa ako nakarating ng banyo ng bigla akong mawalan ng malay dahil na rin sa nahihilo ako ng mga sandaling yon. Pero alam kong bumagsak ako sa isang lalaking hindi ko nakita ang mukha dahil sa malabo na rin ang paningin ko ng mga panahon na yon at parang gusto kong halikan ang labi nitong mapupula at parang ang sarap lang amuyin at langhapin ang hininga nito. “I got you sweetheart” Malambing ang boses na narinig ko mula sa taong sumalo sa akin, hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay at nagising na lang ako na nasa loob na rin ako ng hotel at masakit ang buo kong katawan, at napasabunot na lang ako sa aking buhok ng mapagtanto kong nakuha ng lalaking yon ang aking p********e na matagal kong iningatan. Wala akong maalala kaya naman umalis na lang ako ng hotel na yon at kalimutan ang nangyari sa akin, hanggang sa hindi ko inaasahan na nagbunga pala ang isang gabing yon, hindi ko rin naman inaasahan na mangyayari sa tulad kong hindi naman talaga tambay ng mga bar ang ganitong nakakahiyang bagay. Sa totoo lang ay labis akong nahihiya maging sa aking sarili dahil alam kong malaking pagkakamali ang ibigay ang sarili sa lalaking hindi mo mahal o asawa. Pero alam kong wala na rin ako magagawa dahil may isang angel ang sa akin ang darating, napapangiti na lang akong hinimas ang tiyan kong wala pa man umbok. Alam kong darating ang araw at malalagpasan ko ang lahat ng ito at ipapakita ko sa lahat na kinaya ko at magiging maayos ang buhay namin ng aking anak kahit pa nasa malayo at mag-isang tinataguyod ang lahat. Masakit man ang ngayon ang lahat pero yayakapin ko ang sakit na yon ng magiging matatag ako sa huli at alam kong may isang sanggol ang maaaring umasa sa akin pagdating ng panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD