Chapter 2

2148 Words
-Kea- Halos gabi na rin ng marating ko sa isang bahay na binili na rin ni Daddy para sa akin dito sa Venice Italy, mukhang naubos ang buong ipon ni Daddy dahil sa pagbili nito ng lupa dito at natitiyak kong kapag nalaman ito ni Mommy ay magagalit ito sa kanya, pero ang sabi naman ni Daddy sa akin ay ayos lang daw yon dahil kikitaan pa rin naman nila ang perang ginastos nila para sa akin, saka sinabi naman daw ng aking ina tulungan ako para sa magiging simula ng aking buhay dito. Ang mga papeles ko dito ay si Daddy na rin ang nag-ayos ang gusto daw kasi ni Mommy ay malayo ako at walang nakakakilala sa akin para kung sakaling magka-anak na ako ay madali na rin sa akin ang lahat. Simple lang ang bahay pero kompleto na rin naman sa gamit may mga pagkain na rin don at masasabi kong napaghandaan talaga ang pagdating ko dito, ganoon pa man ay nalulungkot pa rin ako dahil alam kong magiging mag-isa lang ako dito. Napaupo na lang ako sa may sofa na hindi rin naman ganoon kalaki at ang bahay na ito ay sakto lang sa isang tao. Wala pa akong isang araw dito pero namimiss ko na agad ang buhay ko sa bansang pinanggalingan ko, napabuntong hininga na lang ako at saka tumingin sa kawalan at inisip kung ano nga ba ang pwdeng mangyari sa akin dito at anong buhay ang pwde kong maranasan. Nagpasya na rin muna akong matulog ng sa ganoon ay makabawi ako ng pagod bukas ko na lang din iisipin kung paano ako mamumuhay dito sigurado naman akong may mga pinoy dito na pwdeng makilala ko ng sa ganoon ay magkaroon din naman ako kahit papaano na makakausap dahil hindi pa naman ako marunong magsalita ng kanilang wika. Hindi pa pala ako nagpaalam kay Cindy na umalis na ako ng bansa pinigilan na rin kasi ako ni Mommy na magsabi dito kung nasaan ako at kung anong dahilan ng pag-alis ko sinunod ko na lang dito ng sa ganoon ay wala na rin kaming pagtalunan pa alam ko rin naman malalaman din naman ni Cindy ang totoo tungkol sa akin. Kinabukasan ay minabuti ko na lang na maglibot ng sa ganoon ay maging pamilyar ako sa buong lugar. Nakaratinga ko sa isang park na parang pasyalan ng mga pinoy, nakakita na rin ako ng mga taong nagsasalita ng tagalog kaya naman mas lumakas ang loob ko na makipagkilala ng sa ganoon ay magkaroon ako ng idea kung paano mamuhay sa ganitong bansa. May mga nakikipag-usap sa akin pero ang iba ay umiiwas at ang akala pa ng ilan ay isa akong TNT o mga taong walang kompletong papel o visa para magtagal sa ganitong bansa, sa totoo lang ay nakakaawa ang magiging buhay nila dito maaarin silang makulong o pabalikin na lang ng kanilang bansa. Pero pinipili pa rin nilang maging delikado ang kanilang mga buahy para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya sa ibang bansa. Pero iba ako sa kanila dahil nakakuha agad sila Daddy ng visa ko ng ganon lang din naman kabilis, hindi ko nga alam kung paano nila iyon ginawa dahil hindi ko na rin naman iyon inalaman pa. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makaramdam ako ng pagod at naupo sa isang puno na malapit lang din naman sa mga batang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang. “Pinay ka?” Tanong ng isang babaeng tumabi sa akin at saka ako inalok ng tinapay na hindi pa man nito nakakain. Ngumiti ako dito at saka tumango, tinanggihan ko naman ang pagkain na inaalok nito dahil nakikita kong mas kailangan niya iyon. Mukha itong pagod at parang wala pa rin kompletong tulog, hindi naman ako nakaramdam ng takot dito dahil mukha naman itong mabait at parang matagal na rin ito dito sa bansa. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong nito ulit sa akin at saka binuksan ang burger nitong hawak at saka kumain na rin. Tumingin din ito sa paligid at nakita kong napapangiti ito na makita ang masayang pamilyang nagkakasiyahan, hidni ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin nito sa akin pero aaminin kong magaan ang pakiramdam ko dito na parang mabuti talaga itong tao. “Nagbabakasyon lang ako, pero kung makakahanap ako ng trabaho dito baka dito na ako mag stay for good.” Simpleng sagot ko dito at saka naman ako tumingin sa kawalan, nakita kong tumango ito sa akin habang kumakain ng burger na malapit na rin naman maubos. Dala rin itong miniral water na nasa loob ng bag nito at uminom, mahina pa itong dumighay na parang wala lang din dito. Inayos na pa nito ang dalang bag at saka muli akong tinignan at kinausap. “Waitress ok lang sayo?” Mabilis naman nitong tanong sa akin at ikinalingon ko rin naman dito, napangiti pa ako at saka tumango dito, gumanti rin naman ito ng ngiti at saka na ito tumayo para umalis. Subalit may kinuha itong calling card sa kanyang bag at saka ibinigay sa akin, nagulat pa ako dahil mukhang mamahalin ang restaurant na nabasa ko doon sa card. “Pumunta ka sa address n'yan bukas ng alas nuwebe nang umaga at hanapin mo si Flower siya na bahalang magturo kung ano ang gagawin mo. Saka iwasan mong malate dahil para tanggap ka agad, sa tingin ko naman ay kaya mo ang trabaho at mukhang hindi ka rin masamang tao na tulad ng tingin mo sa akin. Kung sakaling magtitiwala ka ay pumunta ka, subalit kapag alam mong hindi maganda ang kutob eh di h’wag ka ng pumunta pa.” Salita nito at saka umalis na sa aking harapan, napatulala lang ako dahil sa bilis ng mga pangyayari at hindi ko inaasahan na makakakilala ako ng isang taong hindi nag-alinlangan na tulungan ako. Masaya naman akong umuwi at nagluto ng pwdeng kainin ng gabing yon, maaga na rin akong natulog ng sa ganoon ay magising ako ng maaga dahil ito ang unang job ko at ayokong rin naman malate tulad ng sabi ng babae kanina, kaya naman aagahan ko ang pagpunta don, mabuti na lang at alam ko kahit papaano ang lugar. “Good morning” Nakangiti kong bati sa isang waitress ng makita ko itong lumabas ng restaurant at nagtapon ng basura sa may bandang gilid ng daan. Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa, doon ko lang napagtanto na isa pala itong binabae pero gwapo ito kung titignan “Yes, Madam” Masaya naman nitong bati sa akin. Ngumiti na lang din ako dito at saka napahinga ng malalim dahil baka magsalita ito ng Italyano at hindi ko maintindihan. “I was looking for Flower, I was going to apply for a job. Is she still there?” Kinakabahan kong tanong dito, napataas pa ang kilay nito ng tumingin sa akin at saka nakita ko rin ang malaking pagtataka sa kanyang mukha. Napatingin pa ito sa paligid at saka ako niyaya sa loob hindi ito nagsalita kaya naman nakaramdam ako ng kaba, maganda ang loob ng restaurant at mukhang mayayaman lang din ang kumakain dito dahil sa ayos ng buong restaurant. May restaurant din naman kami pero hindi naman ganito kaganda, iba talaga kapag mayayaman ang may-ari ng isang business dahil makikita mo talagang pinagplanuhan ang lahat ng makikita dito at mahahawakan. “Sino naman ang dinala mo dito ha, bakit ba ang hilig dumampot ng mga pulubi sa daan ha?” Bungad na salita ng binabaeng waitress na kausap ko kanina ng pumasok kami sa isang office, nagulat pa ako dahil nagtatagalog ito. Nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa aming dalawa at nakatanaw sa may bintana, hanggang sa umikot ito at mas nanglaki ang aking mata dahil ang babaeng humarap sa amin ay walang iba kung di ang babaeng nakilala ko kahapon sa park at nagbigay sa akin ng calling card. “Hi, pinay” Nakangiti nitong sambit na ikinanganga ko na lang din dito. Hindi ako makakilos dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng madungis kahapon at parang mahirap ay may-ari pala ng isang restaurant na tulad nito. Sa totoo lang ang buong akala ko ay isa lang din itong waitress sa binigay nitong address at hindi ko alam na ito pala ang may-ari ng pagtatrabahuhan kong restaurant. “Sorry mukhang nabigla ata kita. By the way ako nga pala si Mila Riccio ang may-ari ng buong lugar na to.” Pakilala sa akin nito, halos wala naman lumabas na salita sa bibig ko kaya naman humugot muna ako ng malalim na hininga at saka muling tumingin dito at magsalita. “Sorry po nagbigla lang talaga ko sa nalaman ko, hindi ko pa kasi alam na ayo pala ang magiging boss dito pasensya na po talaga. Ako nga po pala si Kea Santiago, mag apply po sana akong waitress kung nangangailangan pa po sana kayo, Madam Mila?” Kinakabahan kong sagot dito at saka napapakurot pa ako sa aking kamay dahil sa kinakabahan ako sa sasabihin nito. Nagkatingan pa ang dalawa at saka muling tumingin sa akin. “Ang ganda mo para maging waitress, pero sige tatanggapin kita dahil mukhang kailangan mo ng trabaho. Nga pala yang baklang nagdala sayo dito ay siya si Flower ang assistance ko dito. Sa kanya ka na lang muna magsabi kung may mga kailangan kang matutunan, saka ayos lang kung hindi ka nakakaintindi ng italyanong salita dahil lahat ng tauhan ko dito ay pinoy. Kung sakaling may customer na hindi maintindihan ang English mo ay masabi ka lang ng sa ganoon ako ang kakausap sa kanila. Mababait ang magiging kasamahan mo dito at hindi sila nakikialam sa buhay ng ibang lalo na kung wala naman sila kinalaman, pero kung gusto mo pa rin makipagkaibigan sa kanila ay ayos lang naman. Basta sumunod ka lang sa mga rules ko at wala tayong magiging problema.” Paliwanag nito at saka tumayo para umalis na dahil may iba pa itong gagawin sa iba pa daw nitong business. “Ito pala ang magiging locker mo Kea. Alam mo sa tingin ko naman magkakasundo tayong dalawa dahil maganda ka at maganda ako kaya sa tingin ko magiging bff na rin tayong dalawa.” Masaya nitong sambit sa akin at saka yumakap pa sa braso ko, natawa na lang din ako dito dahil sadyang makuwela din ito. Sa totoo lang parang kasama ko na rin naman si Cindy dahil ganito rin naman ang isang yon. “Salamat Flower sa pagtanggap.” Nahihiya kong sagot dito at saka inayos ko na rin naman ang gamit ko sa loob ng locker, inabot na rin nito sa akin ang susuotin kong uniform at saka na rin ito lumabas ng sa ganoon ay makapagpalit na ako ng damit, napapangiti ako sa kawalan dahil sa masayang pakiramdam alam ko rin na kailangan ko itong pagbutihan ng sa ganoon ay mas tumagal pa ako sa ganitong trabaho sanay naman ako sa ganito dahil sa ganito ang business ng aking mga magulang. Pinakilala na rin naman ako sa lahat at bago pa man magbukas ang restaurant ay sandali pa akong tinuruan ni Flower sa lahat ng dapat kong matutunan, nagturo ito ng konting mga pagbati sa salitang Italyano ang sabi pa nito ay kailangan na may alam ko kahit na konti ng sa ganoon ay kaya ko silang batiin na naaayon sa kanilang mga salita. Mabilis naman akong natuto dahil sa mababait talaga ang mga kasamahan ko at inaalalayan nila ako sa mga dapat ko pang matutunan. Konti pa lang ang mga tao sa loob ng restaurant ng tawagin naman ako nila Flower at Boyet para kumain ng dinner, hindi na rin naman ako tumanggi dahil gutom na rin naman ako at kailangan ko na rin kumain dahil kanina ko pa rin nararamdaman na gutom na rin ang baby ko sa aking tiyan. Hindi ko pa man alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang pinagdadaanan ko dahil sa natatakot akong baka maalisin ako ng mga ito kapag nalaman nila ang kondisyon ko at ang pagbubuntis ko, kasalukuyan kaming kumakain ng biglang dumating si Madam Mila at may dala itong mga Pilipino food na hindi ko alam kung saan nito binili o kinuha. Natuwa pa ang mga kasamahan ko dahil sa wakas ay makakainin na ulit sila ng mga pagkaing pinoy na kanilang daw namiss, kumuha ako ng adobo na isa na rin daw sa kanilang mga paborito. Masaya ang mga ito habang kumakain napatingin naman ako kay Madam Mila dahil mukhang talagang maayos naman ito ngayon at ibang-iba sa nakita ko kahapon sa park at napapaisip ako kung bakit ko ito nakita sa ganoong ayos, samantalang pwde naman ako nito kausapin sa totoong ayos nito. Nagkakaroon ng mga katanungan ang aking isipan ngun’t binaliwala ko na lang muna dahil mas dapat kong isipin ngayon ay ang magiging buhay namin mag-ina sa bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD