10

2087 Words
May sinat nga ako kinabukasan! Di ko alam kung gawa ba sa medyo nabasa ako kahapon o dahil do’n sa bukol? Medyo nilagnat lang ako ng kaunti pero kaya ko namang magtrabaho. Ang hindi ko kinakaya iyong natititigan si Mayor na nakaupo sa harap ng mesa nito at nagtatrabaho talaga?! Ang awkward kasi, lalo na noong naramdaman ko kahapon. Diba normal naman iyon sa mga kalalakihan? Kaya lang, sa minsan naming magsama ni Kevin eh hindi naman ganoon. O siguro kasi gentleman si Kevin samantalang horndog si Mayor? Ah?!! Bahala na nga, kung ano-ano na lang ang iniisip ko! Alas diez ng tumayo si Mayor habang nakababa ang mga mata sa hawak na papel. Nagtataka namang nakasunod lang ang mga mata ko rito... lalo na at mas lalong nag-init ang pakiramdam ko ng nag-angat ito ng mukha at kumatok sa glass door ko. “Hanana, pwede bang patingnan ‘to?” Utos nito pagkapasok. Inabot ko naman at hinanap sa mga lumang files na nandoon sa folder. Nasa likod ko si Mayor. Nakikisilip din at nakadantay ang braso sa gilid ko. Alam kong nakadungaw din ito sa likod ko. Kaya lang hindi ko na masyadong inisip pa iyon, lalo na at mas lalong umiinit ang pakiramdam ko. Bumili kaya siguro ako ulit ng gamot mamaya? “Ito po Mayor,” garalgal ang boses ko na binuksan ko iyon. Binabasa niya yata kasi tahimik lang ito sa likod. Hanggang dumantay ang baba nito sa balikat ko at pumulupot ang braso sa tiyan ko. Iyong mahigpit pa naman. Nagsitindigan na naman ang mga buhok ko sa katawan... at literal na nag-init ang buong katawan. Humiwalay naman ang baba nito at naramdaman ko na lang na parang may basang bagay na dumidiin sa leeg ko. Pagkasingkit ng mga mata eh nagulat ako sa monitor at nakita ang blurry na repleksyon ni Mayor na humahalik at dumidila sa leeg ko. Namilog tuloy ang mga mata ko lalo na noong pumisil ang isang kamay niya sa labas ng dibdib ko. Ganoon na lang ang pagbahing ko at pagdilat e nandoon lang naman sa likod si Mayor at nakatayo. Nilingon ko nga at kunot ang noo. Kunot din ang noo nitong nakababa ang mga mata sa akin. “Is anything wrong, Hanana? Are you okay?” Ha? Naghahallucinate yata ako. Napahawak na lang ako sa sariling leeg at hindi na biro ang init. Nagulat din ako sa pagdantay ng palad ni Mayor sa leeg ko. “What the? You’re burning Hanana?! Bakit pumasok ka pa!” Para rin itong si Ate Bobby. Exagge pag nagrereact. Kumibit ako at nagprint ng isang magulong draft noong hinihingi niya. “Let’s go downstairs.” Hindi nito pinansin ang inabot ko. Namimilog nga ang mga mata ko noong binuhat ako nito. “Mayor?! Ibaba mo nga ako! Sasama ako wag mo lang akong buhatin, nakakahiya kaya!” Irap ko. Natatawa naman itong binaba ako at hinawakan na lang sa palapulsuhan. Totoong inihatid ako nito sa clinic. Binigyan lang ako ng gamot no’ng nakatukang nurse at sinabing simpleng sinat lang talaga iyon. Pinatulog nga ako sa bakanteng kama na naroon, ipagpahinga ko raw. Alas doce yata ng nagising ako sa kaunting tapik. Nandoon sa harap ng nakasaradong puting kurtina si Mayor at nakalatag ang mga pagkain sa isang maliit na mesa. “Let’s eat Hanana, kailangan mo iyan para gumaling kaagad.” Sabi nito. Tumango ako at nakitang may isang baunan doon. Baunan ko, at nakabukas... doon kumukuha ng ulam si Mayor kaya naniningkit ang mga mata kong nakatitig sa kanya. “Okay lang ba? Madalas mo’kong bigyan niyan. Nasasarapan ako sa luto mo, Hanana... dapat yata culinary ang kinuha mong kurso.” Bulong nito. Napailing na lang ako at kumuha na rin ng akin. Hindi yata nakokontento si Mayor at nilagyan pa ng dagdag iyong nakahanda na sa plato ko. Maya’t maya eh tahimik na kaming kumakain. Iyon lang, medyo ang awkward na sinusubuan ako ni Mayor mula sa sarili nitong kutsara. Hindi naman ako nakakaramdam ng diri... malinis naman kasi talaga ito. May personal hygiene at minsan nahuhuli ko pang madalas na mag-alcohol. “Fruits Hanana...” sabi nito at nag-abot ng saging. Tumango ako at sinubo iyon. Nabilaukan nga ako habang nakatitig kay Mayor na nakaawang ang labi. Nakatitig kasi sa akin. “Bakit naman ganyan?!” Naiinis na tanong ko rito. Natatawa itong tumayo at sumilip sa labas. Bago yumuko at literal na kainan yata ang gusto nito. Hindi uso sa kanya iyong malumanay at dampi-dampi lang na halik. Malikot kaagad ang dila na kumakatok sa labi ko... gusto yatang pumasok. E kakain ko lang, ang dugyot kaya! “S-stop,” tulak ko rito. Umiling ito at padampi-dampi na lang ang halik sa gilid ng labi ko. Hawak ng dalawa nitong palad ang pisngi ko. Bumaba ang isa at humaplos sa leeg ko bago malambing na humalik sa pisngi ko. Ako nama’y napapikit... hindi ko alam kung gawa lang ba iyon ng nararamdaman kong trangkaso. O dahil talagang literal din akong tanga at kumukutitap-kutitap ang puso ko sa sabik... “Hanana, you should really break up with your boyfriend. You still like me,” bulong nito. Doon naman ako natauhan at napalayo sa kanya. Kahit nanghihina pa e buong lakas ko itong tinulak. Saka ako nagtalukbong patalikod. Naluluha ako sa katotohanan na kaya ganito lang si Mayor kasi hanggang ngayon ramdam niyang may gusto pa rin ako sa kanya. At pwes, hindi ko isasakripisyo ang relasyon ko kay Kevin para lang sa kapretso nito. Hindi ko kasalanan kung gusto lang nito ng laro. Naaapakan siguro ang ego kaya ganyan. Ngayon, dahil nawawala ang atensyon ko sa kanya eh gusto namang sirain ang relasyon ko sa sariling boyfriend. “Aabsent po muna ako Mayor, masama po talaga ang pakiramdam ko. Matutulog po ako.” Bulong ko sa ilalim ng kumot. Hindi ko naman narinig ang reklamo nito. Tahimik, hanggang sa tumunog ang pagliligpit. Pumikit na nga lang ako at nag-uusal ng panalangin. Sinusundot na ako ng sariling konsensya. Siguro nga dapat ko na talagang iwasan si Mayor. Kung anong meron sa’min ngayon, isang pagkakamali iyon. Baka masaktan ko si Kevin. Ayaw ko naman ng ganoon, napakabait ng tao sa akin kaya talagang tama lang na umiwas na ako. Sa sumunod na gising ay pagabi na, napilitan akong tumayo at sumilip sa labas. Nandoon sa isang upuan ang ginamit kong bag kanina. Medyo nawala-wala naman ang sinat kaya pwede na akong umuwi sa amin. Sa kakamadali ko eh nakalimutan kong magpaalam kay Kevin. Nagulat na lang ako na kinabukasan e para bang nagtatampo itong walang imik habang nasa harap kami ng mga pagkain. Si Ma’am Bessy lang itong kuwento ng kuwento tungkol sa kung ano-ano. O minsan tinutukso rin nito si Kevin na ngiti lang ang inaabot. Napabuntong hininga na lang ako bago walang gana na kumain. Nang umalis si Ma’am Bessy para katagpuin ang kakilala eh hindi na talaga ako nakaimik. Kahit na ramdam ko iyong pasilip-silip ni Kevin. Di na rin siguro ito nakatiis sa katahimikan at nagsalita na tungkol sa nangyari kahapon. “Di ka man lang nagtext o kaya sana sinagot mo man lang iyong tawag ko, Hon.” Napaangat ako mula sa pagkakayuko. Habang nakatitig sa mga mata ni Kevin eh talagang bumadha ang kilabot sa buo kong pagkatao. Para akong nagkakavirtego dahil umiikot talaga ang paningin ko sa sobrang konsensya na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko yata kayang ipagpatuloy ito kahit sinabi ko sa sariling hindi ko isasakripisyo ang relasyon namin ni Kevin. Nagiging unfair ako sa tao. Nagiging unfair din ako sa sarili. Kaya isang bagay ang naging desisyon ko na ako rin pala ang masasaktan. “Kevin, gusto ko na sanang makipagbreak.” Lunok ko. Bigla itong nanigas. Kita nga ang gulat sa mukha na para bang nakakita rin ito ng nakakagimbal na bagay. “H-ha? Naman Hon, nagtatampo lang ako!” Iiling-iling na hilaw ang ngiti nito. Malungkot ang mga mata kong ibinaba iyon para titigan ang pagkain na hinukay-hukay ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin na problema ko iyong panlalandi sa akin ni Mayor. Baka magkagulo... hindi naman ako totally na bobo para gawin pa iyon. “Okay, sorry na Hon. Sa susunod iintindihin ko.” Bulong nito. Napakagat labi na lang ako at nagpakawala ng bigat sa dibdib. Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya tinulak ko iyon ng bahagya. Inayos ko rin ang dalang bag at isinukbit sa balikat. Kagat ko iyong pang-ibabang labi ko habang nakatitig kay Kevin na para bang natataranta rin ang mga mata. “I’m sorry Kevs, sa tingin ko ito ang tamang gawin. Pasensya na, mabait ka naman pero kasi... ako ang may problema.” Tumayo na ako at lakad-takbo ang ginawa paalis doon. Ngunit habang papalapit sa Munisipyo e mas lalo lang akong kinabahan. Nagdahan-dahan na nga lang ako sa paglalakad at nagdadalawang isip na ngayon umakyat. Kanina hindi ko naman nadatnan si Mayor kaya maayos kong nagawa ang trabaho. Ngayon, hindi ako sigurado. Lagi pa naman hapon iyon namamalagi rito. Mabuti at pagkaakyat e tahimik ang paligid. Meaning, hindi pa nagrereport si Mayor sa office nito. Binilisan ko na nga lang ang nakatambak na trabaho at sinilip ang mga schedule. Pagkatapos noon ay bumaba akong muli at hinanap iyong incharge sa notaryo. Nang nakapagtatak na e umakyat naman akong muli at ginugol ang buong araw sa trabaho. Alas kwatro ng natapos ako at isinukbit ang gamit na bag. Hindi ko na talaga nakita si Mayor, si Ma’am Bessy nga lang at kinukulit ako sa party na mangyayari ngayong Sabado ng gabi. Problema ko pa nga pa pala iyon. Napanguso tuloy ako at iniisip na manghihiram na lang ng susuotin mula kay Ate Bobby. Nabungaran ko kaagad si Kevin na naghihintay sa labas. Kita iyong lungkot sa mukha nito habang umaayos at lumapit sa akin. Hindi na ito nakauniporme pero kita naman sa tindig kung gaano ito kapormal. “Pag-usapan natin Hon. Mainit lang ang ulo mo at wala ka lang sa mood kaya nasabi mo iyon. Ihahatid kita sa inyo.” Puno ng pagsusumamo ang boses nito. Iyon bang para itong maiiyak kaso ako naging matigas na sa desisyon. Ayaw kong patagalin pa dahil hindi na tama samantalang hinalikan na ako ng ibang lalaki. “Sorry Kevs, pasensya na talaga. Pero buo na ang desisyon ko.” Hinayaan naman ako nitong umalis doon. Kinabukasan ganoon na naman ang kaba ko at mabuti buong araw ding hindi nagreport si Mayor. Hindi pa ako handa at sana ay tagalan pa nito. Kaso sa gabi ng party mukhang wala na akong kawala. Year end party daw at may mga pa-raffle at kung ano-ano pa ang pakulo. Tahimik ako sa isang tabi. Kinukulit nga lang ni Ma’am Bessy tungkol sa nangyayari sa’min ni Kevin. Hindi naman ito nakikitaan ng sama ng loob. Panay nga ang tukso sa akin. Maya’t maya e na-excite yata ang mga tao dahil nagsitayuan. Dumating na pala si Mayor. Ayos na ayos at gwapo sa American Suit nito. Literal na napanganga ako. Mula ulo hanggang paa nito e kumikinang. Maayos din naman talaga si Mayor pero iba kasi kapag talagang nakaayos ito. Nagsitilian nga ang mga empleyado. Manghang-mangha sa nakita tulad ng nararamdaman ko. “Diyos ko, mahabaging langit! Gwapo ni Mayor,” naiiyak na sigaw nito. Napalunok na lang ako at napatitig sa malapad nitong dibdib. Dagdag appeal din iyon sa kagwapuhan ng Mayor namin. Di na ako nagtaka... Nag-umpisa na ang programa. Nasa gilid pa rin ako at may ilang napapadaan at si Ma’am Bessy ang sinasabihan... “Te, kung may box lang ako rito at bawat aya at compliment e baka nakapag-ipon na ako pambili ng lalaki...” halakhak nito. Uminit ang pisngi ko at sumiksik na uli. Pagkatapos nga niyon e may tatlong nagsabay na nag-aya para maisayaw ako. Naiinis na tinitigan ko si Ma’am Bessy na patawa-tawa habang may gumigiya sa akin doon sa gitna. Tig limang minuto bawat isa... mabilis lang iyon pero napagod din ako at nagdesisyon na lang na maupo sa tabi ni Ma’am Bessy, na tumayo at magcCr raw. Saktong dumaan si Mayor kaya napanganga ako at inamoy ang pabango nito. Mas matangkad itong titigan sa malapitan, gapader ang lapad... at saka nakakainis kasi ang lalim ng titig. “Hanana, ako naman... sayaw tayo. Nakakainis ang daming nakapila.” Natatawang hila nito sa kamay ko. Napilitan tuloy akong makipagsayaw. “Rinig ko break na kayo ni Bermudez?” Bulong nito at humaplos ang kamay sa likod ng naka-expose kong likod. Hindi ko tuloy maiwasang mangilabot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD