“Hon, piktyuran kita. Dali! Tayo ka roon,”
Awkward na awkward akong tumayo roon sa medyo nakausling malapad na bato. E lowbat na ako kaya si Kevin ang pinakiusapan ko kagabi. Excited pa naman sana ako kung hindi lang napapanood nina Mayor pati ang mga bodyguard nito iyong pagtayo namin doon. Mas mabuti pa sigurong umalis na lang!
“Kulang pa,” pigil sa akin ni Kevin, ayaw makontento sa mga kuha. E kanina pa ako nakabilad diyan...
“Tama na yan, hindi naman siguro pangit ang mga yan.” Nguso ko na tinawanan niya lang.
“Kailan ka ba pumangit, Hon? Ang ganda-ganda mo kaya, kahit bagong gising... maganda pa rin.” Lambing nito.
Mas lalo akong napanguso ngunit napalis din iyon nang napansin ko ang bahagyang pagngisi ni Mayor at pagmaywang bago ibinaba ang suot na sunglasses. Kumabog ang puso ko kasi napakaunfair naman talaga na ang kisig nito sa sout na polo at nakashades pa ang hinayupak! Gusto yatang magpaimpress sa mga bagong dating na babae at binabae kasi nagsilingunan sa gawi ni Mayor at parang mga ipis na nagkikisay. Umismid ito nang napansin na parang tumagal ang titig ko sa kanya.
Umirap nga ako at tumalikod saka tinulak si Kevin.
“Ikaw na naman, pose ka!” Konting sigaw ko rito na ikinatawa na lang nito, akala yata e biro lang iyon. Nainis lang din kasi ako kaya napasigaw ng kaonti.
At... okay, profession yata ni Kevin ang magpose. Kung hindi siguro ito BJMP baka naging model. Gwapo naman si Kevin eh, iyong gwapo na nakakarefresh sa mga mata. Si Mayor kasi, barumbado na maawain... sa mga nasasakupan. Maangas ang dating dahil siguro matangkad at siksik ng muscles kaya ganoon. Tapos ang mukha, parang laging asungot.
“Tayo naman,” hinila ako ni Kevin at binigay sa kasamahan ang cellphone. Agad ngang namulupot ang braso nito sa bewang ko samantalang mapanukso naman ang mga kasamahan namin. Di kasi talaga kami nagpe-PDA ni Kevin maliban na lang kapag nagpapaalam sa isa’t isa.
“Ang hot, ha?! Ang ganda ng girlfriend mo Kev, pakasalan mo na kaagad!” Ngisi ni Ysa.
Pinanlakihan ko nga ng mga mata lalo na noong nalipat ang mga titig ko kay Mayor na parang nanigas at naglapat ng mariin ang labi. Ngunit agad ding kumalma at ngumising tumalikod. Isa pa iyon! Minsan iniisip kong mukha ng nagkakagusto na sa akin si Mayor. Pero madalas talaga, parang kuto ang tingin ko rito at iniinis lang ako.
“Tara, baba na tayo...” tawag kaagad ng isang katrabaho ni Kevin. Napatitig ito sa langit, ganoon din kami... mukhang uulan pa. At kung magtatagal pa kami roon mas lalo lang kaming mahihirapan.
Nakapag-ayos na kami ng mga gamit kanina kaya diretso kaagad sa isang guide ngayon. Tinulungan ako ni Kevin sa ilang gamit. Hanga rin ako sa isang ‘to, matikas din at malakas ang katawan. Siguro gawa ng training niya noon.
Naghahalakhakan pa ang mga kababaihan, samantalang kakuwentuhan ko naman si Ysabelle na hindi na yata pinapansin ang boyfriend. Nakabuntot na sa akin simula pa no’ng isang araw. Nawiwili yata sa pakikipagkuwentuhan sa’kin.
“Oh? Hala!” Bulong nito.
Nagulat din ako sa gulat na bulong nito. Tapos sumenyas ito sa likod. Kaya ako namang hindi nagets kaagad e lumingon, na pinagsisisihan ko ng sobra-sobra. Paano ba naman kasi, nakasunod sina Mayor. Na-conscious tuloy ako sa paglalakad. At sinamahan pa ng masamang panahon, at biglang pagbuhos ng malakas. Si Kevin eh umatras at binalikan ako bago pinangsangga ang maliit na bag. Gumilid na muna kami dahil dumulas kaagad ang daanan. Mabuti at may maliit na bahay pahingahan doon. Siksikin talaga kami. Iyong iba ay basa na pati si Ysabelle na nakadikit sa’kin kanina e mukhang nilamig at lumipat sa boyfriend nito. Kung saan umalis si Ysa doon naman nagkabakante kaya para akong poste na nanigas na lang nang naramdaman ang basa ngunit mainit na braso ni Mayor na kumiskis sa nilalamig kong braso.
“Mayor! Basang basa po kayo!” Gulat na sigaw ng isa sa mga kababaihan, nakalimutan ko na ang pangalan dahil siguro isang beses lang kaming nag-usap.
“It’s okay,” malalim ang boses na sabi nito. Napalingon tuloy ako at halos malusaw ang mga mata ko sa nakita. Siguro dahil basa ang polo kaya bumakat iyong katawan? At nakakasala ah? Kasi nang lingunin ko ang mga kasamahan e parang masahol pa yata sa ipinakita kong reasyon ang mga binibigay nila.
“Mayor,” tawag ng isang bodyguard. Napabalik lingon naman ako at halos mamutla ng naramdaman ang init ng tuwalyang bumalot sa balikat ko.
“Give me all what you have there,” utos nito. May tatlong meron at inabot nito sa kababaihan.
At iyon lang, hindi ako mapakali habang nakikitang nilalamig ito ng bahagya. Hindi naman ako nabasa dahil siguro mabilis si Kevin at pinatungan kaagad ang ulo ko ng sarili nitong bag. Kaya kahit nakakahiya e binalik ko sa kanya ang tuwalya...
“Hanana, cover yourself. Magkakasakit ka niyan.”
Namumutlang binalik ko na lang sa balikat ang tuwalya. Nakayuko na ako at sumilip sa gilid na siyang pinagsisihan ko! Bakit ba kasi hindi na lang ako pumirmi? Yan tuloy, kung ano-ano na lang ang nakikita ko. Pansin ko kasing may bukol doon sa tapat ng pants ni Mayor, iyong bukol na bumakat dahil siguro malamig at basa?! Ay ewan ko! Pangilabutan ka nga, Hanana! Yan kasi, ang likot-likot ng mga mata ko at kung ano-ano na lang ang nakikita!
Napaiwas tuloy ako at sa halip na sa kabila tumitig e doon ako sa gawi ni Mayor na kanina pa pala lantarang nakatitig sa akin. Namimilog tuloy ang mga mata ko at mabilis na siniko ito.
Ngumisi ito at lumingon sa kabila. Tahimik naman ako at napahawak ng mahigpit sa braso ni Kevin. Na para bang humihingi ng suporta. Mukhang nakakaintindi naman itong isa at niyakap na nang tuluyan ang balikat ko. Tahimik pa rin, siguro kasi nahihiya ang mga tao at maingay ang patak ng ulan. Kalahating oras yata kaming naghintay doon hanggang sa sinabi ng guide na pwede na kaming bumaba. Wala ng ulan kanina pa, naniniguro lang din ang guide na walang aksidenteng mangyari.
“Okay na po Mayor, salamat po rito.” Ibinalik ko sa kanya ang tuwalya at para wala na itong masabi. Tinanggap niya naman at binigay sa isang bodyguard. Mas nauna na itong naglakad at kinausap ang guide sa kung anong tungkol sa lugar na ito.
Tawa nga ng tawa iyong guide at sinabing,
“Naku Mayor, napapakinabangan pa po namin lahat ng bigay niyo sa amin no’ng nakaraang taon. Hanggang ngayon nga po e malaki ang pasasalamat namin sa inyo, naging madali para sa amin ang lahat. Narerecognize na rin po kami ng ibang international tourist dahil sa ginawa niyo po.” Halata nga sa boses ang buong pasasalamat.
Mas lalo akong humanga rito, akalain ba naman halos natutulungan ang lahat. Sana gano’n lahat ng politiko at hindi puro pagpapataba ng bulsa ang inaatupag.
“If you need anything else, just call me.” Sabi nito.
Tumango ito. Doon ko naman naisip na hindi siguro ito ang unang beses na pumunta rito si Mayor, baka nga nakailang ulit na. Mukhang sanay sa hiking. Iyong mga binti nito ang bigat titigan pero swabe kung maglakad. Ewan ba, lamang talaga ito sa lahat ng aspeto.
Naging tahimik ang dalawa’t kalahating oras na paglalakad, walang nagsasalita o reklamo. Nahiya na rin siguro iyong ibang mga kababaihan kaya tahimik. Natatawa nga si Ysa habang makahulugan ang titig sa akin. Para bang nanunukso at panay ang nguso sa mga maarteng kasama namin sa pag-akyat no’ng isang araw. Para nga talagang bangag at nakangangang nakatitig kay Mayor.
“Mabuti at hindi ka naman naaakit diyan kay Mayor, Hanana? Araw-araw mo ba namang nakakasama?” Tukso noong isang asawa ng katrabaho ni Kevin.
Ngumiti ako at inakala rin siguro nito na hindi talaga. Ang totoo! Naging boyfriend ko iyan! Diba, nakakainis?!
Inihatid muna namin sina Greg at Ysa. Panay nga ang yaya ni Ysabelle na minsan ay bonding din daw kami na kami lang at walang boys. Nagtawanan lang ang dalawa at tinukso pa kaming baka sa huli e kami ang magkatuluyan. Hinayaan ko na lang, ganoon din ang ginawa ni Ysa.
Hinatid din ako sandali ni Kevin, hinalikan ko lang ito sa pisngi kasi nagbabantay si Ate Bobby sa labas ng bakuran at nakacross ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay!
“Hon, I enjoyed... next time ulit,” bulong ni Kevin at humalik din sa pisngi ko.
Pagkababa ng mga gamit eh nabingi kaagad ako sa mga sermon ni Ate Bobby. Nagbingi-bingihan na nga lang ako habang pinagbubuhat ang mga gamit. Medyo mabigat nga eh, saka nakakainis kasi hindi man lang ako tinulungan ng kapatid ko. Ang sarap nga ring bulyawan kaso ayaw ko namang masira ang araw ko.
“Ako na Hanana,” biglang sabi ng boses mula sa likod ko.
Si Ate Bobby parang luluwa ang mga mata habang nakatitig dito sa likod ko. Namumula nga ang tenga at tuluyan nang tumahimik.
Akala ko pa naman magiging ganoon din ako kaya lang hindi eh. Kinakabahan akong nakatitig sa naninigas na braso ni Mayor na buhat-buhat ang mga gamit ko papasok ng bahay.
“Which room?” Nilibot pa nito ang mga mata sa buong kabahayan, may tatlong baitang bago ang tatlong pinto. Isa sa akin, isa kay Ate Bobby at ang isa ay para sa guestroom. Kina Papa’t Mama e malapit sa kusina. Nabili nga namin ‘to sa murang halaga. Kapalit noong inambargo ng bangko... which is mas maliit kumpara doon sa pinagawa naming bahay noon.
“Yong dulo po, pero ako na po.” Agaw ko rito.
Hindi man lang nakinig at inakyat ang tatlong baitang saka nagtaas pa ng kilay noong sinubukan nitong buksan. Nakalock kaya!
Sinilip ko si Ate Bobby na pinanlalakihan ako ng mg mata at sumesenyas na buksan ko raw iyon. Mukhang nahihiya kay Mayor! Ako nga rin eh! Mapipilitan akong buksan iyan.
Amoy na amoy ko tuloy si Mayor, nakapagbihis na rin ito ng bagong polo. Ibang kulay nga lang at mukhang bagong laba. Mabango rin kasi...
Pagkatulak eh akala ko bibitawan niya na. Ipinasok ba naman ng bahagya.
“Ah, Mayor... dito po muna kayo at maghahanda lang ako ng meryenda...” dagling sabi ni Ate at parang sa the flash na nawala doon sa gitna ng living room.
Kinuhang pagkakataon iyon ni Mayor para hilahin ako papasok ng sariling silid. Literal na namimilog ang mga mata ko sa gulat. Lalo na at halos lumapat na iyong ulo niya sa kisame. E mababa lang itong pagkakagawa ng kisame kaya nagulat akong ganoon.
“Nice, you have a clean room.” Ngisi nito at binusog ang mga mata sa buong silid. Medyo babaeng-babae nga, isang single na kama na pinuno ko ng makakapal na puting bedsheet... maliit na study table, may maliit na cabinet para paglagyan ng mga books kahit na halos kalahati roon e hindi ko pa nababasa... at isang maliit na cabinet para sa mga damit ko naman.
“Mayor! Baka makita ka ni Ate,” kinakabahang sabi ko rito nang naupo na ito roon. Lumangitngit nga ang kama ko eh. Paano ba naman, malaking tao ito... eh ang liit ng higaan ko.
“Let me sleep Hanana.”
Buwisit na! Sukat ba namang humiga riyan, niyakap pa ang unan ko at inamoy. s**t! Ano nang gagawin ko?! Di naman pwedeng hayaan ko ito rito... pagod din ako at gustong humilata! Aagawan pa ako ng hihigaan. At natatakot din akong baka mahuli ni Ate at Papa. Syempre, ano naman ang idadahilan ko?!
“Please, Mayor... pagod din ako, umuwi na kayo.”
Dumilat ito at mabilis na hinila ang braso ko kaya lalong lumangitngit ang kama ng nadapa ako sa dibdib nito.
“E di matutulog tayong dalawa... bangooo mo.” Bulong nito at inamoy talaga ang buhok ko bago sa gilid ng tenga.
Nanigas na ako roon, mas matigas nga lang talaga ang katawan ng hinihigaan ko. Napapikit nga ako at nag-init ang batok. Lalo na ramdam ko pa rin na inaamoy ako ng walangya... ngunit mabilis din akong napadilat ng natamaan ng isang bukol iyong inner thigh ko. Bukol na unti-unting lumalaki. Sa may pusa yata ang lahi ko at nagsitindigan ang mga balahibo bago ako natatarantang napatayo at namimilog ang mga matang napatitig doon sa cargo shorts nitong may bukol nga! At hindi simpleng bukol lang, na parang kamatis na parang kalamansi... talagang santol. Napapikit na lang ako sa hiya at tumalikod. Nagsisitindigan pa rin ang buhok ko sa buong katawan. Natatawa namang parang tumayo rin si Mayor, lumangitngit kasi ulit ang kama.
“See you tomorrow, Hanana...”
Nooo! Parang ayaw ko na yatang pumasok. Magkakasakit yata ako.