8

2047 Words
"Ano?! Sasama ka?!" Inis na inis si Ate Bobby no'ng nagpaalam ako sa kanilang magcacamping kami roon sa kilalang Lake. Pumayag naman si Papa, si Mama medyo alangan at ngayon si Ate nama'y para nahihimigan kong ayaw pumayag. Umismid nga ako at iginilid ang mga inihandang gamit para mamaya. Susunduin na lang daw ako ni Kevin para nama'y pareho kaming hindi mahihirapan. "Ano?! Gaga ka talaga! Kapag ikaw nabuntis!" Inis na inis na sigaw ni Ate Bobby, hinihila-hila pa ang ilang hibla ng buhok ko. Ako na naman ang nainis at tinulak ito bahagya. Mas nag-init ang ulo nito, parang may nakikita akong invisible na usok doon sa tuktok ng ulo nito. "Di ka talaga nag-iisip ano?! Nakakainis ka, Hanana! Ikaw na nga ang bobo dito sa pamilyang 'to, sumasama-sama ka pa diyan!" Pagkabaling sa kanya ay nanlalaki ang mga mata ko sa inis. Iyon bang parang ang sarap manuntok. Kung makapanlait 'to parang siya ang nagpapaaral sa akin. "Ate, ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?! Fyi, may dala akong sariling tent—" tinuro ko naman ang pahabang lalagyan doon sa gilid, "—may pepper spray at stun gun ako rito, wag kang judgmental!" Padabog ko ngang nilayasan at tumambay na lang ako sa tapat ng bahay. Hindi ko naman narinig na nag-aalburuto ito ulit. Tahimik ang bahay, at ayaw ko ring tumambay doon dahil iritado ako. Baka kung ano-ano pa ang maging sumbatan naming mag-Ate. E ang tamad-tamad nga noon, ako lagi ang gumagawa ng trabaho rito sa bahay. Kaya talagang wag niya akong makanti-kanti. Alas doce pa lang eh sinundo na ako ni Kevin. Sabi pa ay kakain daw muna kami ng lunch bago bumyahe. Napagkasunduan na rin naming sa ibang tent ako matutulog, pumayag naman at hindi nagreklamo. He should be 'no! Nag-aaral pa kaya ako... "Dadaanan muna natin si Greg pagkatapos ang girlfriend nito bago tayo bumyahe." Tumango ako nang nagpaalam siyang ganoon ang magiging set up. Wala akong problema roon, okay naman... "Hi, Hanana..." iyon ang bati ng girlfriend ni Greg, malambing saka napakamasayahin. Maganda at katamtaman ang tangkad, morena ito pero siguro mas nakakaattract iyong katotohanan na napakalambing niyang tao. Natutunan niya rin kasi raw dahil nagtratrabaho sa isang remittance center. "Matagal na ba kayo? Lowkey lang kayo ano? Di kayo PDA." Hagikhik nito nang tumigil na kami sa paanan ng bundok... "Ah," natatawang tigil ko at napaisip kung ilang buwan na nga ba talaga kami ni Kevin, sa totoo niyan nakalimutan ko! Palakuwento rin ito, kaya siya talaga ang madalas kong kakuwentuhan habang paakyat. Yong iba kasi mukhang iba naman ang trip. Malalala pa nga at may isang puro arte ang binubuka ng bibig. Mula sa paanan hanggang sa tatlong oras na akyat, puro reklamo nito ang naririnig ko. Kaya minsan hindi ko maiwasang mangunot ang noo. Mukhang nababasa naman ni Ysabelle kasi makahulugan ang tawa habang malalim ang titig sa akin. “Oy, mag-iiba kayo ng tent?” Tanong ni Ysa pagkakita pa lang sa ginagawa namin ni Kevin. Tinulungan ako ng boyfriend ko kahit sinabi kong kaya ko na iyon, pinag-aralan ko kaya... “Bata pa ‘to, Ys... alam mo naman kakakolehiyo pa lang niyan. Mahirap na.” Maginoong sabi ng boyfriend ko na nginitian na lamang ni Ysa. Pagkatapos ay nakitulong din ito kahit na ginagawa pa ni Greg iyong tent nilang dalawa. Alas sais nang nag-umpisa ng bumaba ang sikat ng araw. Nagtipon-tipon ang lahat sa gitna habang naghahanda ng kalan. Magluluto pa kami maliban sa ilang pagkaing dala. Bukas raw ay mamamangka kami sa gitna ng lake, sisisid sa mababaw— pagkaamoy ko pa nga lang kanina eh parang ako na ang nandiri— masyadong malangsa. “O, konting pampainit ng gabi...” naglabas ng tatlong malalaking beer iyong kasamahan ni Kevin at pinagpasa-pasahan para malagyan ang lahat. Ngiwi naman ako habang tumutungga. Tawang-tawa si Kevin na hinaplos pa ang ulo ko at bumulong kung kaya ko pa ba iyon. “Syempre!” “Lampa,” alaskador din ang isang ‘to. Para namang hindi niya ako nakitang uminom noon. “Ikaw siguro,” ngiwi ko. Tumabi sa akin si Ysabelle at nagtanong kung anong year na ba ako at anong course ang kinuha ko. “Ha? Ang bata mo pa pala talaga, mabuti’t pinayagan ka sa inyo.” Ngiti naman ang naging sagot ko rito. Yong iba kumukuha-kuha ng picture... kung titingnan nga eh para talaga kaming malalapit, ngunit ang totoo si Ysa lang ang kabati ko rito. Maaarte talaga yong iba... kung seseryusuhin ko e talagang maiinis lang ako. Dahil walang signal, walang tv at maaga pa kami bukas... ay maaga kaming pumasok sa kanya-kanyang tent. Hinatid naman ako ni Kevin hanggang sa loob ng tent, tumambay ito roon ng bente minutos bago namungay ang mga mata at bumaba ang mukha. Iyong mapusok na halik niya ay minsan lang sa minsan nangyayari... ngunit iba kasi, ramdam ko iyong pagpipigil niya kaya hindi na lumalim pa roon. Nakontento naman ako at ngumiti sa kanya bago ito umalis doon. Sinigurado ko namang nakazipper ng maayos ang tent bago nahiga at sinilip ang cellphone na may isang bar ng signal... maingay nga eh ang daming pumapasok na messages pero ang nakakaagaw talaga ng pansin sa lahat ng yon ay galing kay Mayor. May isa pa ngang galit kaya umusok talaga ang bunbunan ko at sinubukan itong tawagan. Isang ring lang ay sumagot kaagad iyon. Puputakte pa nga lang ako ng mga litanya ko e nauna na ito. Mas lalong nag-init ang ulo ko at parang sasabog na naglapat ang mga labi ko rito... aburido kaagad. “My God! Siraulo ka ba Mayor?! Nasa loob na ako ng tent ko! Anong makikitulog ako sa iba?!” Hindi ko na natiis na singhalan din ito. Sukat ba namang paratangan akong nakikitulog kay Kevin! “I was just making sure, Hanana... you’re with your boyfriend!” Galit din ito, nagpapaunahan at nagpapataasan ng boses. “Ganyan talaga ang tingin mo sa’kin no?!” Naiiyak na sabad ko... hindi ko nga alam kung naririnig ba ang pigil na sigaw ko mula sa labas. Pero kasi, iritadong-iritado na’ko. “Yong tatay ko nga hindi ako tinatawagan at tinetext! Kasi may tiwala Mayor! At ikaw?!! Sasabihin mo pang magkatabi kami ni Kevin?! E ano kung magkatabi?! Boyfriend ko yong tao!!!” Sumasabog na talaga ang puso ko sa sobrang inis... “There! You said it! It’s coming from your mouth, Hanana! Bababa ka diyan bukas na bukas agad, ipapasundo kita!” Napaawang ang labi ko at sisigaw na talaga sana ng totoo kung hindi lang tumunog ang cellphone, patay na ang tawag! Nagsituluan na lang ang mga luha ko sa sobrang inis. Iyong inis na parang sumasabog ang puso ko. Iyong inis na pati kalamnan ko ay nanginginig. Hindi tuloy ako makatulog, iyak nga ako ng iyak. Hindi naman ako iyakin kapag nakikipag-away sa bahay. Pero kasi itong si Mayor, nakakairita. Habang tumatagal mas lalong nakakainis. Mabuti na nga at nakipaghiwalay ‘to eh. “Nag-away ba kayo ni Kevin kagabi? Narinig kita eh... sorry, hindi naman namin intensyon na makiusyuso. Mukha lang kasing galit na galit ka.” Bulong ni Ysa, malungkot ang mukha habang naglalakad papuntang dock. Mamamangka raw kami doon sa gitna, at kapag okay ang panahon baka puntahan din namin ang kabila ng lake. “A-ano, hindi... pinagalitan kasi ako.” Nakangiting saad ko. May pagdududa pa rin sa mukha nito. Ngunit nahiya na rin siguro kaya hindi na tinuloy ang tanong. Nagbingi-bingihan ako sa utos kagabi ni Mayor. Inenjoy ko ang buong araw... kaya pagkasilip sa cellphone e bigla itong namatay. Ha? 30% pa ang battery niyan kanina ah? At hindi mabilis mamatay ang cellphone ko maliban kung inabuso. Nagkibit na lang ako at nakipagtipon-tipon sa gitna ng kalan... may magluluto raw ng mainit na sabaw, puro process foods pero okay na rin... dalawang gabi lang naman pagkatapos uuwi na kami bukas. Ang bilis nga eh... maganda pa naman ang lugar. “Piktyuran mo’ko bukas, Hon... bago man lang tayo bumaba?” Lambing ko kay Kevin. Tumango ito at bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan. Mababait naman ang mga katrabaho nito, palakaibigan... iyon lang hindi rin maiiwasan na may mayabang talaga. Alas siete yata na parang nakaramdam ako ng kaba... mailaw doon sa dinaanan namin kahapon. Parang flashlight yata, saka ang lilikot. Siguro may dumating na mga bagong local tourist. E weekend kaya sakto talaga. Kaya lang may dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman kong kaba kanina. Halos manginig ang binti ko nang nagsitayuan ang mga kasamahan at masayang bumati sa mga bagong dating. Sheeeeetttt! Malagkit talaga! Pagkalapat pa lang ng mga mata ni Mayor sakin at kahit madilim... kita ko iyong galit! May masasakal ba?! Pero anong karapatan nito?! Aber?! “Mayor, magka-camping din po kayo?” Galak na galak ang mga kasamahan ni Kevin, pati rin si Kevin na no’ng tumayo at tumabi kay Mayor e parang batang lampa. Diyos ko! Ang unfair ng mundo. “One night, Bermudez. We’ll go home tomorrow morning.” Seryosong saad nito, mas lumalim tuloy ang boses. Hindi ko nagugustuhan ang nangyayari. Para akong kakatayin anytime, may malingat lang... siguradong patay ako. At ang malala pa nakisalo rin ito sa amin. Nasisiyahan ang mga kasama namin samantalang namumutla at naging butil ang kabang naipon sa akin. Hindi ako makapagsalita kahit panay ang kuwento ni Ysabelle. Humingi pa ng number sa akin at narinig ng katabi nitong katrabaho ni Kevin at umilaw ang cellphone nito bago yumuko... noon naman tumabi sa akin si Mayor. “Hindi mo ba kabisado ang cellphone number mo? Iba ang nakalagay dito sa phonebook ko, Hanana...” salita nito sa boses na katamtaman, siguradong rinig sa mga katabi. Napalunok ako sa kaba at naiinis na sinilip ang pinakita nitong numero. Tama nga naman siya, mali talaga. Ipinakita ko na lang kay Ysa... “Ysa, pwede bang mahiram ang cellphone mo?” Sabi no’ng katabi ni Ysa. Naramdaman ko naman ang magaspang at mabigat na kamay ni Mayor na lumapat sa balikat ko. Kanina pa talaga ako kinakabahan, kaya nga nagkamali-mali ang bigay ko noong numero kasi hindi ako makapag-isip ng maayos. “Block all unknown numbers after this night, Hanana. Mukhang itetext ka niyang katabi ng kaibigan mo.” Huling bulong nito bago nakihalo sa mga kasamahan nito kanina. Mga empleyado at bodyguard din niya ang mga yon. Kausap niya nga habang nakatitig sa likod namin, doon sa Lake... at may mga hawak ng shot glass habang nakapamulsa si Mayor. Kita! Parang nakikipagmeeting lang ah? “Kanina pa ako naiihi sa kilig, Hanana. Close ba kayo ni Mayor?” Bulong ni Ysa, huli ko na nasagot kasi ang ibang babae na ayaw makipag-usap sa’min kahapon e parang mga putakteng naghahanap ng chismis. “Scholar po niya ako, nagtatrabaho akong sekretarya ni Mayor.” Nagsikiligan ang mga— nevermind, sinilip ko nga si Mayor na nakatitig pala dito at nakataas ng bahagya ang kilay habang sinasalubong ang mga mata ko. Nahiya naman ako at napaiwas, syempre naroon pa rin ang takot. Alas nuebe ng nag-aya ang lahat na matutulog na, maliligo daw ulit kami bukas bago bumaba... e ayaw ko noon kasi talagang malangsa. At tulad kahapon ay tumambay na naman sa nakabukas kong tent si Kevin. Ang sarap na ng kuwentuhan namin at pansin kong namumungay na naman ang mga mata ni Kevin, alam kong may mangyayaring halikan ulit. Kaso ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng pumwesto sa likod si Mayor at nagpababa ng mga panggatong doon sa gitna at nagpasiga. Halos manlamig ang batok ko sa kaba. Doon lang din napansin ni Kevin na may tinitingnan ako sa likod. Hindi naman nito gaanong ginawan ng isyu. Muli ngang tumitig sa akin at ngumiti. “Goodnight, Hanana... I love you,” Napalunok na lang ako bago tumango. Pagkaalis ni Kevin e mabilis pa sa hangin na ibinaba ko kaagad ang zipper. Ayaw ko ngang makipagtitigan sa taong nandiyan! Baka magkainisan lang. “Hanana, dito lang ako sa labas... sinasabi ko, babantayan kita.” Sabi nito sa labas ng tent. Diyos ko po! Spare me! Siraulo yata ‘to eh at hanggang ngayon hindi pa rin nakakamove on sa galit nito kagabi. Hindi tuloy ako makatulog kaya para akong lutang na naupo lang doon sa dock kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD