"I'm sorry Kev, nakalimutan ko talaga... bawi na lang ako bukas." Ngiti ko na mukhang inintindi niya naman.
Akala ko kasi ihahatid niya ako kaagad sa bahay, e sabi kakain daw muna kami sa labas... ang totoo busog na busog pa ako dahil pinilit kong kumain kanina. Kaya nakipagkuwentuhan na lang ako sa kanya dito sa labas ng bahay, kung anong meron don sa Sitio Agdan... kung anong payak ng pamumuhay roon, kung sino-sino ang mga nakasalamuha ko. At marami pang iba,
"Magpaalam ka kay Mayor, sabihin mo may lakad ka Byernes ng hapon."
Napa-oo ako no'ng sinabi niyang isasama raw niya ako sa camping ng mga kabaro niya. Hindi lang naman daw ako ang magiging babae roon, kasama rin ang mga asawa't girlfriend sa magiging lakad papuntang Lake.
"Susubukan ko, Kev ah? Di ako sure eh, akala ko kasi gabi pa ng Byernes ang hiking..." ngiwi ko.
Nakakaintindi rin itong tumango. Mga alas otso na ito nakapagpaalam. Dumampi naman ang labi niya sa labi ko bago umalis. Hindi ako sure kung may nakapansin o wala... kapag wala namang tao e ganoon talaga ang ginagawa niya. Kapag marami, kontento lang na sa cheeks muna.
Kinabukasan, mukhang good mood si Mayor... walang mala-dragon na bumubuga sa'kin ng kung ano. Pareho kaming tahimik na ginagawa ang kanya-kanyang trabaho, minsan napapasilip din ako... minsan nahuhuli kong siya ang sumisilip.
No'ng malapit ng maglunch ay inihanda ko na kaagad ang pananghalian.... at pagkatungtong sa tamang oras e lumabas na ako at lumapit kay Mayor.
"Mayor, baba lang po ako. Lunch na po." Paalala ko rito.
"Dito ka na,"
Napa-'ha?' talaga ako sa paanyaya nito. Kaso kanina pa kasi text ng text si Kevin. Hihintayin niya raw ako sa ibaba, nandoon na nga iyon eh. Hinihintay talaga ako.
"Sorry po, naghihintay po kasi si Kevin sa ibaba..." nahihiyang sabi ko rito.
Akala ko talaga e pipigilan niya ako. Isang tango lang ang natanggap ko mula rito... pabalik-balik naman ang mga mata ko sa kanya habang papuntang pintuan. Kaya lang, sa huli, nagdesisyon akong bumalik at nilapag sa mesa niya itong dala kong baon.
"Mayor, sa'yo na po."
Tumingala ito, iyon bang ang lalim ng titig na parang nasisilip ko pa ang paglaki at pagliit ng itim doon sa gitna. Napanguso na lang ako... tatalikod na sana kung hindi ko lang narinig na parang may nahulog... at hindi lang iyon ang nagpagulat sa akin. Kundi, pati ang pag-angat ni Mayor sa bewang ko at sa mariing paghalik sa akin... halik na parang kakainin. Napakurap tuloy ako at nanlalaki ang mga matang napasinghap pagkatapos na humiwalay. Nagsitindigan nang tunay ang mga balahibo ko sa katawan, lalo na noong namisil ang kamay niya sa pang-upo ko.
Nagtitili tuloy ako, naghalo ang pagkalito... di ko alam pero si Kevin kaagad ang pumasok sa isipan ko. Nagulat ko yata si Mayor, nanlalaki kasi ang mga mata at lumayo sa akin. Para naman akong ano na panay ang tili habang dinadama ang likod... kung saan ito nanghipo kanina.
"Hanana," tawag nito.
"Oh God! Oh God! Patay ako kay Kevin!" Naiiyak na sabi ko, partikyular sa sarili... habang pinapagpag ang pang-upo na pinisil ni Mayor kanina.
Mula sa pagkakunot at pagtataka e napalitan iyon ng tawa. Tawa na may kasamang panunukso at totoong tuwa.
“Then, break up with him...”
Natigilan ako, hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Para bang isang bagay na madali lang sabihin, ngunit mahirap gawin.
“Nagpapatawa yata kayo, Mayor.” Naniningkit ang mga matang sabi ko rito.
Dagling napalis ang ngisi nito. Nagseryoso, na siyang ikinagulat ko rin. Bakit ganoon? Pakiramdam ko nagkakainteres na siyang muli sa akin pagkatapos kong makipagdate kay Kevin. Lumala pa yata nang nalaman niyang boyfriend ko na yong tao. Siguradong alam niya na noon pa man, usap-usapan at tinutukso ako ng mga tao sa ibaba kaya siguradong umabot sa pandinig nito. Ngayon, gusto niyang makipaghiwalay ako? Tulad ng ano? Ng ginawa niya?
“I was just kidding,”
Tumalikod na ito at bumalik sa harap ng mesa. Napakurap ako at parang naiiyak na tinitigan na lang itong gawin ang trabaho.
Sa inis ko ay tinalikuran ko rin siya’t bad mood na sinalubong si Kevin. Hindi ko na nga natanong kung nasa’n si Ma’am Bessy... talagang nawalan ako ng gana. Kahit galak na galak iyong pagkukwento ni Kevin, parang hangin na hindi umaabot sa pandinig ko.
“Susunduin kita mamaya, date tayo Hon. You promised.”
Tumango ako at ngumiti bago hinalikan ito sa pisngi.
Ngayon? Gusto ko ba talagang umakyat sa itaas? Para kasing nawalan na ako ng ganang magtrabaho. Pakiramdam ko mag-aaway lang kami ni Mayor... o kaya magkasumbatan, teka... baka ibig kong sabihin ay baka masumbatan ko ito.
Nag-aalangan pa akong pumasok, kaso scholarship ang kailangan ko rito kaya kahit alam kong naiinis ako sa nangyari kanina e kailangan ko pa ring umayos. Kailangan kong magtrabaho, at tiisin na lang si Mayor.
Tinitigan ko nga itong hindi man lang nag-angat ng mukha, basta tutok pa rin sa trabaho. Hinanap ko iyong baunan ko, baka kako hindi kinain kasi nga nagkagalitan kami ng bahagya kanina... mukhang kinain naman. Siguro, ewan.
Tinuloy ko na nga lang ang trabaho. Maghihintay pa ako ng ilang oras bago ang out... saka lalakad kami ni Kevin para magdate. Pagkatapos niyan uwi kaagad...
Dapit alas tres ng hapon ng may kumatok sa glass window. Napaangat ako mula sa pagkakayuko at nandoon si Mayor, tinuturo ang mesa’ng adjacent na may lamang pagkain.
Nahihiya man ay lumabas ako. Nakasunod sa likod ni Mayor na binuksan ang isang box ng pizza. May milktea rin doon, at sakto para sa dalawang tao.
“Merienda muna tayo, Han...”
‘Hon’? s**t na malagkit, baka Han short for Hanana? Kung ano-ano na lang ang naririnig ko at naiinis ako roon. Dapat kalimutan ko na siguro ang namagitan sa’min ni Mayor. Tapos na iyon, siguro katuwaan lang sa kanya iyon kaya parang wala lang. Ganoon din dapat ako.
Napalunok na lang ako habang tulalang kumakain. Tahimik din si Mayor na para bang inienjoy ang pagkain. Masarap naman eh, kaso... parang hindi ko masyadong malasahan siguro dahil ang dami-dami kong iniisip.
“May Christmas Ball sa susunod na Linggo, Hanana. May susuotin ka na ba?” Bukas nito sa event.
Umiling ako at parang nayuyuping lata na tahimik na nakayuko. Pagkatapos naalala ko si Kevin, iyong paanyaya nito... siguro ito ang tamang oras para magpaalam ako kay Mayor. 3 days na lang at hindi ako sigurado kung hindi magiging available niyan si Mayor. Baka hindi na ako makapagpaalam pag nagkataon.
“Mayor, magpapaalam po sana ako.” Nahihiyang titig ko rito.
Natigilan ito, kunot na naman ang noo at malalim din ang titig sa akin. Na para bang binabasa iyong nasa isipan ko kahit na wala naman talaga itong ideya sa totoong gagawin ko.
“May lakad po kasi kami ni Kevin sa Byernes, camping doon sa Lake... e hapon po raw kasi kami aalis, baka pwede po akong umabsent?”
May pag-aalangan sa mukha nito. Iyon bang tatay na may pagdududa na parang hindi ako papayagan. Nawalan talaga ako ng gana at bumuntong hininga na nilapag ang isang slice ng pizza. Mukhang hindi ako makakasama, first time ko pa naman sana.
“How many days?”
“Isang araw lang po akong aabsent, pero kasi Linggo na kami makakababa...” lunok ko.
Napakagat labi ito, napakurap pa ng isang beses. Lunok nga ng lunok. Pansin kong para siyang hindi mapakali. Kinakabahan yata, ewan ko kung bakit. E isang araw lang naman ang hinihingi ko. Wala naman akong trabaho Sabado’t Linggo kaya siguradong hindi maaapektuhan ang trabaho.
“I have spare camp tent in my house. Kung wala ka noon pwede kitang pahiramin.”
Unti-unti naman akong napangiti! That means, pinapayagan niya ako! Sasabihin ko mamaya kay Kevin para makapaghanda na rin ito. Ganoon din ang gagawin ko.
“Naku, Mayor... wag na po, meron na sigurado si Kevin.”
Biglang dumilim ang mukha nito. Iyon bang parang nawalan ng gana... iyon bang parang hindi ako papayagan. Mabubulalyaso pa yata!
“I insist, Hanana. Di maganda sa mata ng mga tao na sa iisang tent lang kayo matutulog... dadalhin ko bukas para makita mo.”
Hindi na lang ako nagsalita, napangiwi pa ako ng kaunti bago kumain ng tahimik. Iniisip ko nga kung ano ang idadahilan ko mamaya kay Kevin. Pwede naman kasi na sa iisang tent na lang kami matulog. Para wala na rin akong aalalahanin pang dalhin. Siguro nama’y alam namin kung hanggang saan lang ang limitasyon naming dalawa.
“Really? Okay! Maghahanda na ako, Hon.” Tuwang-tuwa si Kevin ng sinabi ko iyon habang kumakain kami sa isang restobar. May naglalaro na nga ng musical instrument sa harapan... jamming lang habang lumalalim ang gabi. Bumili nga rin si Kevin ng inumin, iyong light lang kasi ihahatid niya pa raw ako. Ramdam kong mas lalong nagkaconfidence si Kevin habang umiinom. Kasi iyong kamay niya eh nakapulupot na sa bewang ko at kanina pa pisil ng pisil. Pinagsasawalang bahala ko na lang... normal naman siguro iyon sa magkasintahan. As if naman kung saan-saan napupunta, hindi naman malikot hindi tulad ng kay May—
Okay, Hanana! Kalimutan mo na lang iyon. Nadala lang siguro sa tukso si Mayor kaya ganoon. Saka sa isang katulad niyang matured? For sure, marami na rin itong kamanyakan na ginawa sa buhay. Kaya siguro normal thing na lang din na mamisil ito.
Kinabukasan, ganoon na lang ang gulat ko ng tinotoo ni Mayor ang sinabi nito. Dinala nga niya sa office ang sarili nitong tent! At ang nakakatawa, wala na yata kaming ginawang trabaho kundi ang turuan ako nito kung paanong patatayuin iyon.
“Make sure that you’ll sleep here! No monkey business, Hanana...” sabi nito na ikinagulat ko.
Sa gitna ba naman ng ginagawa kong demo sa sarili e iyon kaagad ang sinabi nito! Napanguso tuloy ako at nagsquat para maiayos ko ng pasok iyong stick.
“Hanana!”
Napatalon ako sa gulat at napatitig kay Mayor na nakapamaywang na nakatitig sa akin. Napakurap ako at napatitig sa braso nitong sumisikip sa sout na mid sleeve na kulay asul. Pormal na pormal! Pero ang nakakainis kasi ay bumabakat ang dibdib nito doon! Siguradong pinagtitinginan ito ng mga tao kanina.
“Opo naman po! Anong akala niyo sa akin? Nagpapagapang?!” Irap ko at mabilis na nag-init ang ulo.
Kumalma naman ito at ngumiti! Ewan ko rito! Parang ewan na pabago-bago ang mood, na hindi ko rin maintindihan minsan... parang hilong hito...
Umalis ito doon kaya nagsquat akong muli upang matutunan na talaga kung paano iaassemble ang tent. Kailangan kong matutunan iyon, kundi hindi ako papayagan ni Mayor na umakyat.
“Here, if anything happens...”
Nag-abot ito ng dalawang box. Kunot naman ang noo ko habang binabasa ang label. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang nalaman kung para saan iyon.
“Mayor! Wala naman siguro magtatangka roon! Nandoon si Kevin,”
Umismid ito at pumantay ng upo sa akin. Ako nama’y napaatras ng kaunti. Ang lapit-lapit nito, na halos kita ko na iyong lalaking-lalaki na features nito sa mukha.
“You can’t trust any guys, Hanana. Paano kung si Kevin ang gumapang sa’yo? How will you protect yourself from him, huh?” Pang-uuyam na tanong nito.
Nangasim ako, magagawa ba iyon ni Kevin?
“Hindi niya magagawa iyon, Mayor...” sabi ko at niyuko ang mga mata habang tinititigan ang pepper spray bottle at yong pangkuryente yata.
“What if lang naman Hanana... it’s better to be ready, dalhin mo iyan. Kung gusto mong payagan kita sa susunod.”
Napatango na lang ako at tinuloy ang trabaho. Bumalik si Mayor sa harap ng mesa nito, medyo nahihirapan ako... hindi ko alam kung bakit, o sadyang hindi ako sanay dito at minsan ay slow learner din ako? Ewan,
Inangat ko nga ng bahagya ang mukha at sinilip si Mayor. Doon naman nagsitindigan ang mga balahibo ko nang napansin na nakatitig dito si Mayor, parang tamad na nakasandal sa mesa at napahaplos pa sa labi.
Ngumisi ito at tumayo at pumasok doon sa banyo. Samantalang napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panginginig ng mga hita! Shuta! Bakit ba ang lalaking-lalaki noon?!