6

2023 Words
"Okay ka lang?" Nagtatakang tanong ni Ma'am Bessy nang parang ang bigat ng katawan kong pinauupo sa upuan, dito sa tabi niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tatlong araw na ang lumipas e ganoon pa rin ang trato sa akin ni Mayor. Para bang tigre, magugulat na lang ako na nag-aalburuto na naman ito. "Ma'am, nakakapagod..." sabi ko, naiiyak na rin habang nakapangalumbaba at tinitigan ang baon na may lamang adobo at sinangag. Masarap naman sana eh, luto ko kaninang umaga, ngunit parang nawalan na ako ng gana. "Ha? Pinapahirapan ka rin ba ni Mayor?" Tumango ako, malungkot. Ngunit naging maalwan ng dumating si Kevin at may dalang dessert. Ngising pilya na naman si Ma'am Bessy na panay ang silip sa ginagawa naming pareho. "Let's date tonight. You need to freshen up, Hon..." bulong nito at hinaplos pa ang buhok ko. Ngumiti ako at tumango, nabilaukan naman si Ma'am Bessy na nauwi sa paubong-ubong tawa. "Diyos ko! Save me from this!" OA nitong sigaw. Nagsilingunan yong iba kaya nakaramdam ako ng hiya at bahagyang lumayo kay Kevin na natawa na lang din. Pagkatapos ng pananghalian e bumalik na kami ni Ma'am Bessy sa Munisipyo, nakasunod naman si Kevin at dumukwang pa para humalik lang sa pisngi ko. Wala namang komento si Ma'am Bessy pero parang nakangising mapanukso. "Kayo talaga, pati paa ko e nilalanggam." Tawang-tawa na saad nito at lumiko. Napangiti na lang ako at agad na napalis iyon ng nagkatagpo ang landas namin ni Mayor na ngayon nga'y pababa sa hagdan. Masama na naman sigurado ang araw nito at makulimlim ang paligid. Lagi talaga itong galit! Ewan ko ba! Stress siguro, Ni hindi nga ako pinansin kahit nag'bye' ako sa kanya. Ako na naman tuloy ang hinawaan ng madilim niyang awra. Tinatamad na tuloy akong umakyat... at hindi pa iilang minuto e bumalik si Mayor saka tumayo sa harapan ko. "Isasama kita, pack your things... hihintayin kita sa ibaba." Ngumiwi ako ngunit sinunod din ang utos nito. Napahaplos na lang ako sa sariling noo dahil sa kaba. Para bang inihahanda ko lang ang sarili kung sakaling masinghalan na naman mamaya. Para kasing dragon 'to si Mayor, bigla na lang nambubuga... na parang galit sa mundo. Ito nga yata iyong sinabi nilang suplado si Mayor. Kinuha ko lang ang maliit kong bag. Bitbit ang cellphone ay bumaba ako at talagang hinintay nga ako ni Mayor. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko rito, para talagang napapaligiran ng kung ano ang paligid... pag nandiyan siya eh ang sarap sabihing may masamang pangitain. Kung ganito namang lagi siyang galit, mas mabuti pa sigurong tumahimik. At iyon ang ginawa ko, buong byaheng tikom ang bibig ko. "Mayor?" Nagtatakang tawag ko rito, papasok sa isang masukal na daan ang sasakyan. Hindi ko mawari pero parang kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi ito normal, tulad ng mga nadadaanan ko noon, masyadong masukal para sa pupuntahang layon. "Aalis din tayo pagkatapos ng survey," bulong nito. Lumunok ako at tumango, ibinaba ang mga mata at doon ko lang din napansin ang text ni Kevin. Nagtatanong kung saan daw ako pupunta, may nagsumbong yata. Tinext ko na lang ito para kumalma. Pareho kaming kinakabahan sa nangyayari, siya naman itong walang alam at ako na napasuong. Pagkatapos ng tatlong minutong byahe eh tumigil din kami sa bungad ng Sitio Agdan, may mga naghihintay roong katutubo, ah hindi naman talaga totally katutubo. Mukhang naaabot na ng kabihasnan kaya may kaonting usad. Medyo namangha nga ako pagkakita sa ilang mga kababaihan doon, morenang-morena pero maaayos! Nakanganga ako habang kinakausap ng isang babaeng kasing edad ko yata. Nakangiti pa ito habang tinatanong ako ng mga bagay-bagay. Nakalimutan ko ang takot, inenjoy ko na lang ang nangyayari. Habang abala naman si Mayor sa pag-aayos ng mga problema kasama ang punong barangay. Mukhang seryoso nga eh, minsan kunot ang noo, minsan nakangiti... at minsan nakatitig dito. "Ma'am, pwede po raw magpapicture? Kanina pa po nakatutok iyong mga dalaga't bata sa inyo. Nagagandahan po eh." Kalabit ng bodyguard ni Mayor. Tumango ako at nagsitakbuhan ang mga bata, nag-uunahan sa pagpwesto rito sa tabi ko. May sa ibaba... may dalawang yumakap sa magkabilaan kong bewang. Merong sa likod... kuntodo ngiti na kami sa harap ng camera, iyong cellphone ko rin e binigay ko para nama'y meron din ako. Iyon nga lang, parang flash na biglang nawala ang ngiti ko noong tumabi sa akin si Mayor. Tuwang-tuwa ang mga bata't dalaga, pero heto ako... badtrip! "Thank you po Ate Ganda." Pasalamat noong isa... Ngising-ngisi naman si Micca na tinulak pa iyong makulit na bata at tumabi sa akin. Nakipagkuwentuhan ulit sa akin ang bagong kakilalang kaibigan, samantalang bumalik naman si Mayor sa Kapitan... bumalik yata para pag-usapan ulit ang kung ano. "Ma'am, ano pong sekreto niyo? Ba't ang puti-puti niyo po?" Tanong ni Micca, di na yata nakatiis at kanina pa titig ng titig sa balat ko. Naging hilaw ang ngiti ko at hindi alam ang isasagot, kung ano na lang kasi ang binibili ni Ate Bobby, yon din ang akin. Naturalesa yata iyan kasi si Mama talagang noong kabataan e sobrang puti rin, na para bang anak ng banyaga. Sabi nga ni Papa, ligawin talaga si Mama simula pa noon, para kasing si snow white sa sobrang kaputian... minalas nga lang, si Papa ang pinili. "Genetic iyan, Micc... kahit nga nakabilad din ako sa araw, bumabalik din iyan sa dati." Ngiti ko. "Nakakainggit naman," hinampo nito. Napatitig ako sa morena nitong balat, mas nakakainggit nga iyan eh, kutis Pilipina at makinis. "Naiinggit din ako sa'yo, Micc... mas gusto ko kasing maging morena, sawang-sawa na ako sa pagiging maputi... lahat kasi sa bahay ganito din ang kutis, mas attracted talaga ako sa mga katulad niyang kulay mo. Ang lakas ng dating." Nagningning ang mga mata nito at inayos ang mahabang buhok. Na para bang nahihiya, saka iginilid. Saktong tumabi si Mayor at tinanong si Micca kung nag-aaral na ba ito. "Tigil po muna Mayor, kailangan po kasi ng kasama ni Tatay sa bukid." Dahilan nito, iyong mga mata e hindi maalis-alis kay Mayor. Tumango ito, nagtatanong ulit na para bang hindi kontento sa naging sagot. "If given a chance, do you want to pursue College next year?" Napatango-tango ito ng sunod-sunod. Noon ko lang din nakitang ngumiti ulit si Mayor, iyong ngiting masaya at hindi napipilitan. Medyo napaawang ang labi ko at itinikom din kaagad. "May ilulunsad akong scholarship sa susunod na school year, I want to prioritize indigenous... Take an exam, Miss—?" "Micca po Mayor," natutuwang sabi nito. "Yes Micca, take an exam and be my scholar... I will be honored if you'll do that." Hindi naman yata dapat kami magtatagal doon, kaya lang nag-aya ng meryenda ang punong barangay... pinakain kami ng nilagang kamote, may isa pang naturalesang juice na gawa daw sa passion fruit. Sarap na sarap nga ako sa juice, matamis na medyo maasim... sa totoo lang, kahit bugnutin ang kasama ko e nag-enjoy talaga ako ng sobra. Hindi na mapalis ang ngiti ko sa labi habang pabalik kami ng Munisipyo. Pakanta-kanta pa nga ako, lalo na at malaya kong nagagawa iyon. Hindi rin nagrereklamo si Mayor. Hinayaan niya ako roon, pati head bodyguard e napakanta na rin. Dalawampung minutong byahe e tumawag si Kevin, nagtatanong kung kumusta ba ako ngayon. Medyo nahiya pa ako noong sinagot iyon. Kaso maingay ang ring, saka nakakahiya sa mga taong nandito. "Pabalik na kami ng Munisipyo, Kev... a-ano... sige, sasabay ako." Nahihiyang sabi ko rito, ihahatid daw ako sa bahay mamaya... nakita na nga ni Ate Bobby si Kevin noon, hindi lang talaga nakikiusyuso si Ate pagdating sa mga ganitong bagay. At siguro dahil wala itong paki? Ewan ko ba... "I love you, Hon..." "See you..." Tahimik na ulit ako sa sampo pang minutong byahe. Parang nanigas na ako roon at nahihiya nang kumilos. Naestatwa na nga eh! "Bert, itabi mo muna ang sasakyan..." utos nito sa driver. Napaawang ang labi ko at lumingon kay Mayor na parang mananakal ng tao. Madilim na naman ang mga mata, nagtatagisan ang bagang... at naninigas ang panga. "Let's eat first," aya nito bago tinulak ang pintuan. Ngumuso ako at nahihiya sa pag-indyan ng paanyaya nito. Lalo na at kasama ang isang bodyguard pati driver. Ang mahirap pa e isang kainan pala talaga ang binabaan nito! Sadyang busog pa ako para paglawayan ang mga nakadisplay na pagkain. "Please add 1 tub of ice cream, mango flavor..." Ganado kung kumain si Mayor, parang wala man lang akong makitang kaartehan. Kung anong meron, yon din ang kinakain niya. Hindi rin ito nahihiyang makisalo sa dalawang tauhan. Kahit nga nagtampisawan na ng kutsara't tinidor yong dalawang kasama eh parang okay pa rin dito, samantalang hindi naman ako mapakali... "Mayor, ito po yong ice cream..." nilapag ng nagbabantay ang isang malaking tub ng ice cream sa gitna ng aming mesa. Namilog tuloy ang mga mata ko at napabalik ng titig kay Mayor na ngumisi sa akin. "Hindi natin mauubos 'to Mayor!" Gulat na komento ko rito. "Sinong may sabing uubusin natin, Hanana? Iuuwi mo iyang iba diyan, idaan muna natin sa inyo bago tayo bumalik sa Munisipyo." Sabi nito habang nagscoscoop ng isang basong ice cream. "Now, enjoy your dessert..." Naitikom ko na lang ang bibig lalo na noong inabot niya sa akin ang isang baso... punong-puno ba naman at hindi ko pa nauubos ang kanin. Natagalan tuloy kami roon, dapit alas sais na kami nakaalis. At talagang dinaanan namin ang bahay at inabutan si Papa na naninigarilyo doon sa maliit naming bakuran. Nagsaludo pa kay Mayor at sinabing magpapapicture raw gamit ang cellphone ko. Pinanlalakihan ko nga ng mga mata habang kumukuha rin. "Uwi ng maaga, Hanana." Paalala nito. Umismid naman ako at tinitigan ang mga kuha mula pa kanina sa Sitio Agdan. Iyong iba, pag sa tingin ko e pangit ako, binubura ko kaagad. "Nadadaanan naman pala ang bahay niyo pauwi sa amin," bulong ni Mayor na muntik na ikinabitaw ng hawak kong phone. Sakto kasing kakatext lang ni Kevin at sinabi nitong hihintayin daw ako hanggang sa matapos ang shift. "Opo Mayor, nadadaanan po talaga iyon papunta sa inyo. Medyo malayo nga lang ang sa inyo..." "Pwede kitang daanan para sabay tayong pumasok ng trabaho?" Suhestyon nito. Nagulat ako rito at napalingon pa. Iyong mukha ko e halata talaga ang pagtataka. "Mayor, hindi po ako early bird... ikaw nga po eh maaga pa lang nasa trabaho na kayo. Makakaistorbo ako." Sabi ko. "E di hihintayin? I can wait, Hanana..." bulong na naman nito. Napalunok ako at napatitig sa labas. Nandoon sa gilid si Kevin at nakaangkas sa bigbike nito. Para bang kanina pa naghihintay iyan diyan... "Mayor, wag na po talaga ah? May sumusundo po sa akin." Sagot ko na lang habang kinakabahan at nakatitig kay Kevin, kahit nakalagpas na e nakasunod pa rin ang mga mata ko sa BF. "Okay, I understand..." bulong nito, iyong bulong na parang nanlalambing. Napabaling tuloy ako sa kanya na ngumingisi-ngisi sa akin. "Goodnight, Han." Ganoon na lang din ang gulat ko nang pumulupot ang braso nito sa bewang ko at humalik ng mariin sa pisngi ko. "Sana magtagal pa kayo..." Rinig ko yata iyong sarkastiko sa boses nito habang ninanais ang kahilingan. "M-mayor, pwede na po ba akong umuwi?" Tanong ko habang isa-isang tinatanggal ang daliri nito sa bewang ko. Pinanlalakihan ko nga ng mga mata habang nginunguso-nguso ang mga tauhan sa harapang bahagi ng sasakyan. "Yes, of course... after you log out..." ngisi nito. Sumimangot naman ako at mabilis na bumaba ng sasakyan pagkatapos na makahanap ng parking. Lakad takbo yata ang ginawa ko hanggang sa naabutan si Kevin na umayos pa ng sandal paharap sa bigbike... "Log out lang ako, then uwi na tayo..." Nakakaintindi rin naman yata kaya hinayaan akong pumasok... kinuha ko iyong log card ko at pinatatakan sa machine. Pagkatapos ay tumalikod na ako at saktong nasa likod ko pala si Mayor. Kaya napasandal ako sa mesa. I mean, normal ba 'to kung parang sinasadya niyang mapaliyad ako roon? "Goodnight, Han..." dampi ng labi nito sa pisngi ko na ikinapula ko ng sobra-sobra... pero halip na intindihin pa iyon e lakad takbo ang ginawa ko para lang salubungin si Kevin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD