5

2041 Words
Ewan ko kung paanong hindi napansin ng dalawa na nandoon lang ako, nagmamasid habang pinipilit ang sariling wag umatungal ng iyak. Hindi naman sila naging intimate pagkatapos, pormal lang na nakaupo roon habang abala si Mayor sa mga papeles. Pasimple ko na lang na pinunasan ang mga luha at nakayukong binabasa ang mga nasa akin. Okay! Kumalma ka, Hanana. Ni hindi ka nga kinomfort niyan pagkatapos ng break up niyo. He's not worth your tears! Naks, Tinapos ko nang tahimik ang trabaho bago napagod at sinilip muli ang dalawa... na parang normal lang naman, walang kakaiba. Maliban sa kaonting hagikhik noong magandang babae. Totoo yata ang sinabi ni Ma'am Bessy, sila na ni Mayor. Sumikip na naman ang dibdib ko kaya bumuntong hininga ako at tumitig sa ginagawa. Isang oras na pagtitiis at pwede na akong umuwi. At yon ang ginawa ko pagkatapos. Niligpit ko kaagad ang mga gamit, parang may tunog ng pagdadabog, e hindi naman iyon ang intensyon. Sa kakamadali ko yata. Napangisi na lang ako noong napansin na parang pagod ang mukha ni Mayor. Napagod yata sa kakakuwento nitong babaeng 'to. "Mayor, uwi na po ako. Ma'am..." tawag pansin ko rito. Ngumiti ito, nagmamadali naman akong bumaba na para bang aatakehin ako sa puso. Ipinagpapasalamat ko na hindi na nadatnan iyong magandang babae kinabukasan, ganoon din sa sumunod na mga araw. Hanggang sa natapos ang first semester. Nagtaka naman ako kaya nakiusyuso ako kay Ma'am Bessy... nagbabakasakaling may marinig na chismis. At sakto, tama lang din na dito ako lumapit. Number 1 sa chismisan. "Bitter iyong attorney, para ngang hindi propesyunal at nagpaparinig sa facebook." Hagikhik nito. Naitikom ko naman nang mariin ang labi saka napasandal sa upuan. Doon lumalalim ang iniisip ko, ginawa rin ba nito ang ginawa sa akin? "Ma'am Bessy, matanong ko lang po... may naging stable na girlfriend po ba si Mayor?" Halukipkip ko. Namimilog naman ang mga mata nito, parang may kasamang nginig ang labi na tumuturo rito sa likod ko. Kunot pa ang noo ko nang lumingon kaya halos mahulog ako sa inuupuan ng makitang nakatayo roon si Mayor, natatawa! Habang gulat na gulat ako. "Meron naman, Hanana... busy lang ako ngayon kaya hindi tumatagal." Sabi nito. Ni hindi man lang nahiya at talagang tumabi pa sa akin! Yong topic pa naman, parang maihahalintulad sa nangyari sa pagitan naming dalawa. "Ano bang gusto niyong kainin? My treat," sabi nito at tinawag ang dalawang kasamang bodyguard. Pinaupo niya sa kabilang mesa at nagtawag ng pwedeng umasekaso. "Mahilig pa ba sa prito-prito, Han?" Tanong nito na ikinaubo ni Ma'am Bessy. Para ngang nag-init ang tenga ko, napapaso ako rito. Kaso makulit si Mayor at nagtawag pa ng isa at inisa-isa ang mga pagkain. May mga sushi, tteokbokki, pritong talong at kung ano-ano pa. Kuntodo asikaso ang mga tindera, maliban kasi na si Mayor ito eh sa dami ng order, kikita talaga sila. "Tama na..." bulong ko nang napansin na dumadami ang mga nilagay nitong pagkain sa plato ko. Para ngang sinasadya niya. Natatakot naman akong makahalata si Ma'am Bessy kaya sa kay Ma’am busy din ako nakatitig, na busy din pala sa pakikipagkuwentuhan sa isang bodyguard. "Magpataba ka pa ng kaonti, hmm," dumampi yata ng bahagya ang labi nito sa gilid ng tenga ko kaya napatalon ako sa gulat, iyong gulat na may kasamang kilabot. Nagulat din si Ma'am Bessy na napa- 'Sta. Maria'. Nauntog pa ang tuhod ko kaya napadaing ako sa sakit. "Naman... Hanana, anong nangyayari sa'yo?" Litanya nito habang hinihilot-hilot ang tuhod kong tumama sa ilalim ng mesa. Masama rin ang pagkakatitig ko kay Mayor na napapatawa na lang sa sitwasyon. "Ikaw talaga, kung ano-anong nangyayari sa'yo..." di nauubos na sermon nito. Natahimik naman ako at uminom ng juice bago kumuha ng tinidor at kutsara. At maarteng ngumanga. Ramdam ko pa rin ang kilabot sa mga titig ni Mayor. Para bang wala itong pakialam, basta matukso lang ako nito. Hindi rin kami nagtagal doon, kalahating oras na simula noong lunch kaya limitado na rin ang oras. Habang naglalakad eh panay ang interview ni Ma'am Bessy kay Mayor na kung hindi tango ay maikling statement naman ang sinasabi. Nasa tabi ako at nasa kabila si Ma’am Bessy. Nakasunod ang dalawang bodyguard. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko sinisiliban ako at hindi mapirmi. “Tara,” aya nito habang naiwan naman sa ibaba ng hagdan iyong mga bantay. Tumango ako ngunit ganoon na lang ang gilalas ko ng naramdaman ang palad nitong gumapang sa bewang ko. Para ngang grasshopper ako roon, laging napapatalon. Tawang-tawa naman siyang inangat ang kamay. “Para namang hindi naging tayo...” mapanuksong sabi nito. Nangasim ako at gumilid. Sumama bigla ang pakiramdam ko lalo na noong sinabi niya iyon. Isang phase ng buhay ko na gusto ko na lang kalimutan. Pero sa halip na sabihin iyon ay tumahimik na lang ako. “Anong gusto mong meryenda?” Tanong nito nang nakapasok na kami. Tikom pa rin ang bibig ko, hindi ko alam kung anong sasabihin. Baka kako kapag binuksan ko itong bibig ko e ano pang masabi ko. “Han? Anong gusto mo?” ‘Hon’? Nanlalaki tuloy ang mga mata ko na ikinapigil ng ngiti niya. Na para bang nanunukso. “Hanana, what do you want for snacks?” Ulit nito. Napabuntong hininga na lang ako saka kinalma ang nanginginig na daliri. Tinutukso ka na naman niyan, siguradong tinetest ka kung may gusto ka pa ba o wala na... ngayon, desisyon mo kung magpapatianod ka sa kanya, Hanana. “Busog pa po ako Mayor, mamaya na lang po siguro...” ngiti ko saka nagmamadaling tumalikod para pumasok sa maliit na opisina. Narinig ko pang tinawag ako nito, kaso dahil ayaw kong maging katawa-tawa sa harapan nito e hindi ko na nilingon. Nag-umpisa na ulit akong magtrabaho, medyo magaan ngayon kaya alas dos pa lang e tapos na ang gawain. Lumabas naman ako at tinitigan si Mayor na subsob sa ginagawang trabaho. Lumunok ako at tinawag ito. “Mayor, restroom lang po ako sa ibaba.” Turo ko sa likod. “We have our own here, Hanana. Diyan ka na lang.” Walang paki na sabi nito bago yumuko ulit. Ano na? Hindi ko naman alam kung alin ang susundin. Pero dahil empleyado lang naman ako rito, tama lang siguro na sumunod ako. Hindi pa ako nakakapasok dito, ever... siguro kasi iniiwasan ko at saka minsan lang din naman ako naiihi. At sa minsan na iyon mukhang tinamaan pa ako ng karimarimarim na katotohanan sa natuklasan kong may mga shampoo’ng panlalaki roon. May towel sa rag! May pang-ahit! May sepilyo! Kompleto rekados! Dito ba minsan natutulog si Mayor? Amoy na amoy ko ang panlalaki nitong amoy. Kaya para akong adik na nakapikit habang nakababa ang salawal at umiihi habang inaamoy ko ang paligid. Ngunit ganoon na lang ang pamumutla ko pagkatapos. Para akong natuklaw ng ahas habang nagmamadali sa pagbihis. Hindi tama ‘to! Para akong nabubuang sa isang lalaking wala namang paki sa akin! Kaya noong sumunod na pahinga, nagulat na lang ako na nireplyan ko si Kevin at pumayag sa paanyaya nito. Nagdate kami sa City, at hindi na naman nakaligtas kay Ma’am Bessy. Na para bang naging entertainment na nito ang buhay-buhay ko. “May balak ka bang sagutin si Kevin? If so, mas maganda iyon. Mabait naman iyon eh, saka maalaga.” Sabi nito, ngising-ngisi habang tinutulak-tulak ako. Tumango ako na ikinatili niya. Natigilan ang ilang pumapasok. Nagulat yata sa naging reaksyon ni Ma’am Bessy. “Wag niyo po munang sabihin kay Kevin, Ma’am ah? Hindi ko kasi alam kung kailan ang right timing.” Sabi ko pa. “Sa Wednesday! Fiesta sa’tin, bakit di kayo magdate?!” Tuwang-tuwa na sabi nito. Tumango ako at tinext kaagad si Kevin na kung hindi naman ito abala, Myerkules ng gabi, ay baka gusto niyang sumama na magtingin-tingin dahil bisperas ng pyesta. Agad itong tumawag at tuwang-tuwa na sinabing pwede naman. Ibinaba ko lang ng napansin na pumasok si Mayor, parang pinagbagsakan ng langit. At parang ang bigat-bigat ng dinadala. Lihim ko lang itong pinapanood, parang wala ngang gana habang nagbabasa ng file. Hanggang sa bumuntong hininga ito at sumandal sa upuan bago tumingala. Iyong tingala na parang problemado. Tahimik pa rin akong nagmamasid. Hanggang sa ibinaba nito ang mga mata kaya natatarantang iniwas ko iyon roon. Kunwari may hinahanap ako sa mesa. Mukhang hindi rin naman nito pinatulan, wala akong naramdamang kumatok. Talagang tahimik. Kaya ibinalik ko ang mga mata roon, kaso para akong mahuhulog sa sariling upuan ng nakitang nakaputing t-shirt na lang ito. Lagi talaga itong pormal kaya nagulat ako sa naging ayos niya. At mas nagulat pa sa nakitang tigas ng muscle sa braso nito. Lagi kasing nakatuxedo iyan eh! Parang may lamay na laging pupuntahan, pormal na pormal. Kaya nagulat akong nakita na ganito... hulmang-hulma ang katawan. Matigas tuloy tingnan. Bumuntong hininga ako at ibinaba na lang ang mga mata. Binasa ko iyong isang file bago naramdaman na may kumatok. Napaangat ang mga mata ko at nakitang nandoon si Ma’am Bessy. Ngising-ngisi at sinesenyasan akong lumabas. “Beb, lunch na. Sabay tayo, hinihintay ka na ni Kevin sa ibaba.” Mapanuksong banggit nito sa pangalan ng lalaki. Napangiwi ako, na ikinatawa niya na lamang. Sabi niya ay mauuna siyang lumabas kaya sumunod na lang daw ako. Kinuha ko naman ang baon ko at nagdadalawang isip habang nakatitig kay Mayor na napakamot pa sa batok. Lalo tuloy nanigas ang mga braso nito. Lalaking-lalaki, parang hitik sa muscle... siguro suki ito sa gym. “Mayor, lunch na po...” nilapag ko sa harap niya itong baon ko at nagmamadaling lumabas. Narinig ko pa ang pagtawag niya kaso nagbingi-bingihan ako. Ganoon na lang ang pagtitili ni Ma’am Bessy. Kilig na kilig samantalang hindi mauubusan ng papuri tungkol sa nakita sa loob ng opisina. “Panis kayo, Kevs! Yong katawan ni Mayor, parang pader sa tigas! Diyos ko, muntik na akong himatayin pagkapasok... naglaway talaga ako.” Pagbibida nito habang kumakain kami. Nilibre nga ako ni Kevin ng lunch, kahit sinabi ko ng may pera pa naman ako. Makulit talaga. Saka gentleman. Nagtitili pa rin ito habang pabalik sa Munisipyo. Ngiti lang ng ngiti si Kevin habang nasa tabi ko. Ngumiti na lang din ako kahit naaalibadbaran sa pinagsasabi ni Ma’am Bessy. Hindi naman ako bulag para hindi maintindihan kung anong sinasabi nito. “Sa Wednesday Kevs, kita na lang tayo. After duty.” Paalala ko rito. Mukhang excited naman, nasa lobby na nga noong bumaba ako. Nakabihis naman na kaya hindi ako maiilang kung sakaling kasama ito. Nilakad lang namin ang plaza, nanood kami ng mga palaro. Sumakay sa mga rides at huli ay ang ferris wheel. Medyo nahihilo na nga ako pero itong si Kevin, tahimik lang habang nakatitig sa akin. Ngumiti na lang ako kahit nasusuka... saka tumitig ako sa ibaba. Medyo mataas na nga pero mabaga ang usad. Doon ko naman tinitigan ulit si Kevin. “Kev,” tawag pansin ko rito. Tumango ito, iyong tango na parang tulala. Wala namang bago sa mukha ko ah... nagpulbo lang ako kanina at kaonting blush on pati lipstick. Medyo pagod kasi ako kaya wala ng time. “Tayo na ah?” Sabi ko. Na unti-unting ikinagulat niya. Napasigaw pa nga! Kaya nagulat ako at napatitig sa ibaba. Ayaw ko namang maeskandalo at mabuti isang beses lang nangyari iyon. “Totoo?! Tayo na?” Nagniningning ang mga matang kompirma nito sa narinig. Tumango ako. At naramdaman na lang na dumampi ang labi niya sa labi ko! Dampi lang noong una hanggang sa kumunot ang noo ko at inamoy ang mabango nitong hininga. Malinis din naman sa katawan si Kevin, in fact, parang mentol ang halik nito sa sobrang fresh ng hininga. “Hanana!” Shit! Kanina pa ‘to ah?! Halos hindi ko na nga magawa ang mga nakabinbin na mga trabaho kasi panay ang tawag ni Mayor! Gawin ko raw ito, iyan, at kung ano-ano pa! “Sirit! Mayor! Pagod na ako!” Reklamo ko habang nanginginig ang mga tuhod na naupo sa sofa. “Who said you can now sit there?!” Dagundong ang boses nito. Nagulat ako at napatayo, kanina pa ako takbo lakad sa ibaba... pagkatapos hindi man lang ako pagpapahingahin?! Bakit ba bigla itong nagbago?! Ang suplado! Daig pa ang nagmemenopausal!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD