Savannah Ilan araw ko na hawak ang librong binabasa ko. At nasasayahan ako sa laman ng kwento nakaloob dito. Pakiramdam ko nahahasa ako lalo sa pagbabasa ng tagalog at englis, na pinagsama dito. Dito ko inuubos ang oras ko sa pagbabasa. Hindi naman ako makapunta sa kusina, dahil ayaw ni Manang at ni Maxton, magpunta ako dun para tumulong sana pagluluto o sa paghuhugas ng pinggan man lang. Kahit maglinis pinagbawalan nila ako. Wala akong magawa kundi sumimangot ang mukha ko. Ang atupagin ko daw, ang pagbabasa at aralin ang salitang englis, kung ano ang mga kahulugan nito sa tagalog. Pumayag ako sa mga bilin nila sa akin lalo na si Maxton, ang nagsabi. Kahit pa pinagbawalan niya ako magbasa, kapag nasa tabi kuna siya. Pero madalas tinuturuan niya talaga, ako. Kahit magkatabi kami sa hig

