Savanah Kasalukoyan kami nasa byahe ni Maxton ngayon. Maaga palang gising na ako, at nauna ako sa kanyang bumangon. Hindi rin kasi ako gaano nakatulog kaninang madaling araw, sa lamig ng kwarto namin at si Maxton ay sobrang nakasiksik ang katawan niya sa akin. Kaya hindi ko malaman kung giniginaw ba ako sa yakap niya? O nagiinit sa ilalim ng kumot. Medyo nababahala kasi ako sa nararamdaman ko para sa amin. Sa tuwing katabi ko siya sa kama. Payapa naman ang pagtulog ko, kapag katabi ko siya at ligtas sa mga bisig niya, may init lang sa loob ng kumot kapag yumakap na siya sa akin. "Savanah, Tulala ka na naman? Ano ba ang iniisip mo?" Rinig kong tanong niya ng mawala ang malalim kong pagiisip. Tumingin ako sa kanya at nagtatanong ang kanyang mga mata na, nakataas ang isang kilay ni Maxto

