Savannah Kinakabahan na pumasok ako sa loob ng silid, kong saan dito ako magte-test sabi ng matandang babae, sa'kin. Naiwan si Max sa labas at dun nalang daw niya ako hihintayin hanggang sa matapos ako. Mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin bago niya ako pakawalan at binigyan din ng lakas ng loob. Sandaling pinagmasdan ko ang loob ng silid, hindi lang pala ako ang nandito marami pala kami. May mga bata, matanda, dalaga at binata, sa tingin ko rin meron din mga magulang na kasama ko rito sa silid na ito. "Miss, Savannah maupo na kayo dito para makapag simula tayo." Tumingin ako sa matanda at sa tinuro n'yang magiging upuan ko. "Salamat po." Sabi ko at lumapit sa bangko at naupo roon. Medyo nasa hulian ang bangkong tinuro sa akin. 'Yung mga mas bata, sa amin ay nasa harap naman sil

