Akira's Point of View Pagulong-gulong ako sa kama para lamang makatulog pero bigo ako. Paulit-ulit sa aking isip na para bang isang sirang plaka ang sinabi sa akin ni Keiton kanina. I just can't believe that he has feelings for me. I can't understand how in just a blink of an eye, everything turns into this situation. Okay na sana ako kanina eh! Isang pasalamat lang sana at ayon na. Pero, bakit bigla-bigla siyang nagsabi sa akin sa tunay niyang nararamdaman? I'm not being overacting, sadyang hindi lang maayos na naproseso sa aking isip ang mga nangyayari. Tang na juice 'yan! Nagiging bobita pa ako nang wala sa oras. Tinabunan ko ang aking ulo ng isang unan at sinubukang ipikit ang aking mga mata. Ilang minuto rin akong gano'n ang posisyon pero wala pa rin. Gising na gising pa rin ang

