Akira's Point of View I heaved a deep sigh as I looked myself in the mirror. Nakatapis lang ako ng tuwalya habang nag-iisip kong ano ang gagawin kong style sa aking buhok. Ito rin talaga ang isa sa mga mahihirap gawin kapag babae, ang mag-isip ng magandang hairstyle. Sa pagkakaalam ko, isang engrandeng pagdiriwang ang aming pupuntahan kaya nararapat lamang na maayos at presentable akong tingnan. Nakakahiya naman kung maging simple lang ang aking kasuotan gayong ang aking mga kasama ay halatang engrandeng kasuotan din ang susuotin. Magmumukha pa akong maid nila. Kinuha ko ang blower at ipinaandar ito para patuyuin ang basa kong buhok. Simula no'ng makapunta ako rito sa mansyon ni Raige, ngayon pa lang yata ako nakaligo. Eh, sa daming pangyayaring naganap sa maikling araw na tinagal ko

