2 years ago..
“Young Miss,”
Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa aking likuran.
“Yes?” tugon ko na muling ibinalik ang aking atensiyon sa pag-aayos ng mga gamit ko.
“Ako na po ang bahalang mag-ayos ng mga gamit ninyo, Young Miss,” aniya na lumapit sa akin.
“Ako na ang bahala dito, Carol. Ang mabuti pa ay magluto ka na ng kakainin nating hapunan mamaya.” ngiting tugon ko at halos pataboy ko na siyang pinalabas sa magiging room ko.
Isa-isa kong inilabas mula sa maleta ang ilang mga damit na binili sa akin ng Personal Maid kong si Hera. Ito ang mga damit na aking isusuot habang nagpapanggap ako bilang si Ria Aizena. Pansamantala rin akong naninirahan sa apartment ni Carol na pinsan ni Hera. Although Personal Maid ko si Hera ay hindi ko siya kasama ngayon. Mas gusto kong ako lahat ang gagawa ng daily routine ng mga taong nagtatrabaho.
Simula sa araw na ito ay ako na si Ria Aizena, a 27-year-old orphan girl who lived independently. Magpapanggap akong mahirap para lang mahanap ko ang tunay na pag-ibig na aking pinapangarap. Kailangan ko na rin mag-settle down at magkaroon na sarili kong pamilya lalo pa’t tumatanda na rin ako. At hindi lang iyon, tumatanda na rin ang Mommy at Daddy ko. Kailangan na nila ng apo na magmamana ng mga properties at businesses namin sooner or later. Mahirap din maging only child although hindi naman ako pini-pressure ng parents ko tungkol sa pagpapakasal or pagbuo ng sarili kong pamilya. Pero iba pa rin ang tumatakbo sa isip ko kaya kailangan ko ng gawin ito.
I'm not doing this to deceive everyone by pretending to be poor, but this is my standard for the man that I want to spend my life with. Gusto ko ‘yung lalaking mamahalin at aalagaan ako hanggang sa pagtanda namin. Hindi ‘yung lalaking habol lang ay ang yaman ko tapos mag-hired lang ng taong mag-aalaga lang sa akin. Kasi abala siya kung paano pa dadami ang perang mayroon siya or kung paano magagastos ang perang mayroon na siya. Medyo kakaiba ang way of thinking ko pero iyon talaga ang nao-over think ko.
Matapos kong maayos ang mga damit na nilagay ko na sa aking cabinet ay humarap na ako sa salamin at inayos ang sarili ko dahil bahagyang magulo ang buhok ko at pinagpawisan ako kahit may nakatapat namang electric fan sa akin.
Naglagay rin ako ng katamtamang haba ng bangs para hindi ganoon ka visible ang feature ko. I know how beautiful I am. Hindi sa nagbubuhat ako ng bangko. Magandang lahi rin kasi ang parents ko na walang bahid na salamat doc for their looks.
Lumipas na rin ang tatlong linggo saka ako nagkaroon ng trabaho sa isang Coffee Shop malapit sa isang malaking building na pagmamay-ari ng Montefuerro.
Montefuerro is one of the list ng mga pamilyang mayaman sa bansa. Although hindi ko sila na meet personally ay isa sa pinaka the best hotel ng bansa ay pagmamay-ari nila.
“Good Morning! Welcome to Cafe Landia!” masiglang bati ko nang marinig ang tunog ng bell sa pinto senyales na may customer na pumasok.
“Good Morning, are you new here?” tanong ng isang lalaki na may matipunong pangangatawan. May makapal na kilay at pointed nose. May mapungay siyang mata na tila nang-aakit. Pero hindi siya ganoon ka attractive.
“Uh, yes, Sir.” sinalubong ko ang tingin niya kahit medyo nakakaramdam ako ng hiya. “Tatlong linggo na po ako dito.” magalang kong pagpapatuloy sa pagsagot ko sa tanonng niya.
Aminado ako na napopogian ako sa kaniya although hindi siya ang tipo kong lalaki. He is not my cup of my tea.
“Uh, well, nice to meet you. I’m Amatteo.” aniya na tumingin sa akin na tila kinikilatis ako.
“Ria po, Sir,” tugon ko na tinuro pa ang name plate na nasa left chest ko.
Bahagya siyang tumawa dahil sa naging tugon ko sa kaniya. Um-order na siya ng Cafe Americano bago lumabas ng cafe.
“Ingat ka doon, You—-este Ria.” biglang nagsalita sa likuran ko si Carol na muntik na naman akong matawag na Young Miss.
“Don’t worry, hindi ko siya type.” mabilis kong tugon sa kaniya.
Matapos ang duty namin ay sabay kaming naglakad pauwi ng apartment.
“Yung lalaking iyon ay batikan na womanizer.” aniya habang nginungaya ang kinakain niya burger sandwich.
“Halata nga na babaero,” tugon ko habang nakatingin sa daan.
“Halos lahat na yata ng staff sa Cafe ay naging girlfriends niya pero sa hindi malaman na reason ay bigla silang nagre-resign sa trabaho.” pagpapatuloy niya.
Napalingon ako sa kaniya at tiningnan siya sa kaniyang mga mata. “Ikaw, Carol naging girlfriend ka na rin ba niya?” walang preno kong tanong sa kaniya.
Panay hampas niya sa chest niya gawa ng nabulunan siya sa kinakain niya. “Never!” mariin niyang sabi habang namumula ang mukha niya gawa ng nangyari sa kaniya.
Lumapit ako sa kaniya at bahagyang tinapik ang kaniyang likod. “Sorry.”
“Hala, hindi mo kasalanan yun, ang laki kasi ng kagat ko sa burger tapos bigla mo akong tinanong kaya nagulat ako at dahil doon ay nabulunan ako.” pagpapaliwanag ni Carol para hindi ako makaramdam ng guilt.
Tumango lang ako at tiningnan ko lang siya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero curious din ako malaman kung naging girlfriend din ba siya ni Amatteo.
“Sa totoo lang talaga ay hindi ko type si Amatteo, lalo na at womanizer siya at higit sa lahat mayaman. Never! As in never iyon nanligaw sa akin or nagpakita ng motibo na may gusto siya sa akin. Kasi una palang sinabi ko ng hindi ko siya type.” aniya na iginagalaw pa ang kanan niyang kamay na may hawak ng kinakain niyang burger.
Maganda si Carol, morena pero mala Miss Universe ang ganda. Kaya maaari rin siyang magustuhan ni Amatteo.
Bumalik na kami sa paglalakad pauwi ng apartment. Maraming kinuwento sa akin si Carol patungkol kay Amatteo. Sa kaniya ko nalaman na si Amatteo ang Young Heir ng Montefuerro.
Kaya pala medyo may pagkamayabang ito dahil mayaman pala ang background niya. Binilinan ako ni Carol na kahit anong mangyari ay huwag na huwag akong mahuhulog sa mga the moves na gagawin sa akin. Kung ayaw kong mapabilang sa mga babaeng naikama na nito.
Pero tunay nga siguro na mapagbiro ang tadhana. Sa kabila ng mga babala ni Carol ay heto ako kasama si Amatteo na kumakain sa labas.
“Babe,”
Napatingin ako sa kaniya.
“Yes, Babe?”
“Ganda mo,” pilyong sabi ni Amatteo.
Lihim akong kinilig pero hindi ko ito ipinapakita sa kaniya. Baka lalo niya lang akong asarin. We have been dating for almost 8 months but nothing has happened to us. Kaya hindi ko maisip kung totoo bang womanizer si Amatteo? Tatlong buwan siyang matiyagang nanligaw sa akin at ngayon ang eight monthsary namin bilang couple.
“Let’s get married.” mariing sabi ni Amatteo na ikinagulat ko.
Married? Kami? Ikakasal?
“Ha? Sure ka ba?” naguguluhang tanong ko.
I know na gusto ko ang idea na maikasal sa kaniya dahil hindi ko naman siya nakikitaan ng masama lalo ang mga rumors patungkol sa kaniya. Pero hindi ko kasi maisip na kaya niya bang pakasalan ang isang orphan na kagaya ko at mahirap pa.
“Yes, I am pretty sure. Let’s get married tonight.” tila excited pa niyang sinabi na para bang naka-jackpot siya sa lotto sa laki ng ngiti na namutawi sa kaniyang labi.
Tonight? Bakit ang bilis? Wala pa kami sa getting to know each other dahil sa monthly business trip niya sa labas ng bansa. Kung bibilangin ko ang araw na magkasama kami sa loob ng isang buwan ay nasa anim hanggang walong beses lang.
“Wait lang, bakit ang bilis naman? Hindi mo pa nga alam ang background ko kung suitable ba tayong dalawa lalo na’t hindi ka lang mayaman, next Heir ka pa.” walang preno kong tugon sa kaniya.
Hindi naman ako nagmamadali na magpakasal dahil gusto ko munang makilala ang lalaking papakasalan ko. At isa pa, gusto ko rin maramdaman iyong tila magic na feeling kapag kasama mo ang meant to be for you. Kahit na nakakaramdam ako ng kilig sa mga ginagawa niya ay hindi ko maramdaman yung pagbilis ng heart beat ko. Kagaya sa mga movies na kapag natagpuan mo na ang true love mo ay makakaroon ng ganoong reakyon ang puso mo.
That night ay ikinasal kami ni Amatteo sa isang private room na ang saksi ay isang judge, secretay ni Amatteo at isang lalaki na hindi ko kilala kung sino na mukhang ka edad lang din ni Amatteo. After that ay dinala niya na ako sa bahay mismo nila, sa Montefuerro mansion. Kahit may kadiliman na ay kitang-kita ko ang lawak ng mansion nila.
“This is it pansit na ba?”
Kinakabahan ako ngayon dahil first time namin na matutulog na magkasama. Magsasama kami sa iisang room sa gabi mismo ng honeymoon naming dalawa. Nakakagulat lang na well prepared ang lahat, may sarili na agad kaming kuwarto ni Amatteo na hinanda para talaga sa mag-asawa. Malaki ang kama na kayang magpahiga ng limang tao. Kahit siguro anong gawin namin sa kama ay tiyak na hindi kami mahuhulog na dalawa.
Napatingin ako sa maliit na lamesa at may nakita akong wine doon. Lumapit ako at nagsalin sa isang baso na nandoon. Nakadalawang baso na ako ng wine para pakalmahin ang sarili ko sa kaba.
Tahimik akong bumalik sa kama at hinintay ang pagdating ni Amatteo. Ilang oras pa ang lumipas ay walang Amatteo na pumasok. Napatingin ako sa bedside table para tingnan ang cellphone ko para malaman kung anong oras na.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na ala-singko na ng umaga. Hindi ko akalain na kaya kong maghintay ng ganoon katagal.
Naglakad ako palabas ng kuwarto at hinanap si Amatteo pero hindi ako nagbukas ng mga pinto dahil baka may mga naka-occupy na roon at mapagkamalan pa akong magnanakaw.
Natagpuan ko ang sarili na nasa labas na ng mansion at nasa garden area na ako.
Napaawang ang labi ko nang makita ang lalaking nasa harapan ko. Kitang-kita na ko ang mukha niya dahil maliwanag na sa labas. Althought ini-expect kong si Amatteo siya pero hindi. Napaka pogi ng lalaki na nasa aking harapan na mala greek metholgy ang feature ng mukha. Para siyang king sa lahat ng guwapo sa mundo.
Hindi ito nagsalita sa halip ay napatungo ito. Bakas ang pamumula ng kaniyang mukha at tainga.
“Master!” may taong tumawag sa lalaki mula sa likuran nito.
Mabilis na lumapit sa akin ang lalaking nasa harapan ko. Hinubad niya ang suot niyang coat na halatang galing siya sa work na inabot na ng umaga. Ipinatong niya ito sa balikat ko at ni cover ang katawan ko. Sa laki at haba ng coat na iyon ay ilang inches na lang ay sasayad na ito sa lupa.
“Wear this and go back to your room, Miss.” firm na sabi nito sa baritono niyang boses.
“Misis.” pagtatama ko. Hindi na ako ‘Miss’ ngayon dahil kasal na ako kay Amatteo.
“Master Martius.” tawag ng isang tao na nakalapit na sa amin.
“Good Morning, Mrs. Montefuerro.” magalang na bati sa akin.
Kilala ko siya. Siya yung lalaking nag-drive ng sasakyan pauwi dito sa mansion. Ipinakilala siya sa akin ni Amatteo na family driver nila ito, si Kuya Randy.