“Oh, Big Brother,”
Napatingin kaming tatlo sa bagong dating.
Parang nakaramdam ako ng saya nang makita ang aking asawa na si Amatteo. Finally nandito na rin siya pero bakit parang puyat siya. He looks so tired.
“You finally meet my wife!” masigla at tila excited pang sabi ni Amatteo. Nakangiti pa itong nakakaloko habang tinitingnan ang Kuya Martius niya.
‘Should I also call him Big Brother? I think Elder Brother is better..’
“Yo-Your wife?” nagtatakang tugon ng Kuya Martius niya pero seryoso pa rin ang expression ng mukha nito. Tiningnan niya ako ng makahulugan na nagpagulo sa isip ko
“Yes, Brother, she is my adorable wife, Ria,” nakakalokong sabi ni Amatteo na tila nang-aasar pa ang tono ng boses nito.
“Then, feel at home,” aniya na tumingin sa akin. “Let's talk later,” pagpapaalam nito na mabilis din umalis.
Nagpaalam din si Kuya Randy sa amin at sumunod ito kay Kuya Martius.
“What are you doing here?”
Napalingon ako sa nagsalita. Bakas sa mukha ni Amatteo ang pagod na tila wala pa itong sapat na tulog. Ang tono ng boses niya ngayon ay para itong naaasar or hindi natutuwa sa isang bagay.
He is in a bad mood but why?
“Oh, I’ve been looking for you and I’ve been waiting for you since last night. Where have you been?” I politely asked. Although marami akong gustong tanungin sa kaniya.
Gusto ko munang malaman kung saan siya pumunta o nanggaling. Kung bakit wala siya sa first night namin bilang mag-asawa. Pinaka importanteng gabi iyon sa akin dahil finally nakita ko na ang true love ko pero parang may kung anong tanong sa isip ko na, if is it true love?
Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya maging ang pagdilim ng expression ng mukha nito.
“It’s none of your business!” mariing tugon niya sa akin sa naiiritang tono ng boses niya na first time kong marinig sa kaniya. First time ko rin makita ang ganitong expression ng mukha niya.
I was terrified by his sudden change of attitude.
“Uh, I am sorry,” sabi ko na tumungo na lang.
“Go back to your room, I have something that I need to deal with.” aniya na mabilis na naglakad pabalik ng mansion.
I wanted to ask him a question or say something, but I stopped myself by covering my lips with both hands.
Though it wasn't my intention, I sobbed deeply. Why is beyond me.
Bakit ba ganito iyong pakiramdam ko. Para akong iniwan sa ere. ‘Yung tipong para akong aso na inabandona sa isang bakanteng lote.
“Ayos ka lang po ba, Ma’am?”
Nag-angat ako nang tingin at nakilala ang taong lumapit at nagtanong sa akin.
“Uh, okay lang po ako, salamat.” magalang kong tugon kay Kuya Randy.
Hindi ko na hinintay kung ano man na sasabihin nito. Naglakad na rin ako pabalik ng mansion at pabalik sa kuwartong pinanggalingan ko rin kanina.
May ilang maids din akong nakasalubong sa hallway na nagbubulungan. Kahit hindi ko tanungin ay alam kong ako ang topic ng mga ito. Lalo na at bagong salta ako sa mansion at ang fact na mahirap ako na nagpakasal sa isang heir na kagaya ni Amatteo.
“I’m tired.” sabi ko matapos umupo sa kama.
Hindi ko alam saan ba ako napagod pero I feel so tired after going back in my room.
“So lonely,” bumuntong-hininga ako.
Bigla ko na miss ang Albrecht Mansion. Kapag walang business trip ang Mommy ko, she is the one who wakes me up by kissing my cheek. But I need to be strong kasi hindi habang buhay malakas ang parents ko. I must start a family of my own and soon have an heir.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong kuwarto at muling napabuntong-hininga.
“Despite the mansion's beauty, it seems incredibly lonely. Para kang nasa isang selda na nasa basement na walang bumibisita sa iyo. As opposed to our mansion, where everyone who works there is really vibrant and energetic.. ” mahinang sabi ko.
Two months had passed. Me and Amatteo never consummated our first night together. We never do husband-and-wife duty at night. I don’t really know why. I even asked myself in front of the mirror if I was not that attractive to capture his urge to own me. I know Amatteo was a fine man and not even bisexual. But why isn't he seduced by my actions? I even boldly show him that I am ready to do it, but we end up sleeping together without anything happening between us.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Pati nga ang dapat kong maramdaman ay hindi ko na alam kung ano ba ang dapat at hindi dapat. I had the impression that I was a puppet in need of an operator to manage my feelings.
Kahit na hindi ko tanungin ang mga nangyayari sa paligid ko ay alam ko na lahat. I’ve been the topic ng latest tsismis ng mga maids, they even gave me a title, ‘The Billionaire’s Abandoned Wife’. Hindi naman kasi nila tinatago ang pagkaayaw nila sa akin dahil pinapakita, nagpaparinig at pinaparamdam nila ito sa akin.
Tahimik akong naglalakad papunta sa garden ng mansion. Ever since I found it when I was feeling really down, that has been my comfort zone.
After our marriage naging busy na si Amatteo na tuwing gabi nalang talaga kami nagkikita pero hindi ko naman siya makakausap dahil kailangan na niyang magpahinga at matulog.
“Ito ba ang true love na gusto ko na halos wala ng time sa iyo? My parents were busy with our business, but they wouldn't do this to me.” napabuntong-hininga ako at naupo sa ilalim ng isang malaking puno na nasa pinaka center ng garden.
Tahimik akong pumikit at natulog na hindi inisip na wala ako sa room namin ni Amatteo.
Lumipas ang ilang oras na nakaupo lang ako roon at tahimik na natulog. Nang maramdaman ko na tila mainit na ang paligid ko ay nagmulat ako ng dalawa kong mata.
Isang malaki at bukas na palad ang bumungad sa akin kaya mabilis akong napatingin sa taong nagmamay-ari nito. Tila may saya sa aking puso na ang unang tao na naisip ko na may-ari ng kamay na iyon ay si Amatteo.
‘Nag-aalala ba siya na baka masilawan ako ng sinag ng araw?’
I smile widely. “A—” hindi ko na natuloy kung ano man ang sasabihin ko nang makilala kung sino ang taong nagmamay-ari ng kamay na iyon. “Elder Brother,” bigla ay nasambit ko.
Napahinto siya sa pagbabasa ng document na hawak sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ay sinasangga ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Naka-poker face lang siya sa akin at bakas sa mata niya na nagulat siya noong tawagin ko siyang Elder Brother.