"Ria,"
Napaliyad ako nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Huh? What?" tila wala sa sariling tugon ko.
He gave me a firm hug and planted a kiss on my right shoulder and hair.
Did I fall asleep?
"Don't cry over that useless Amatteo. Let us start a new life together.”
Mukhang nakatulog ako habang umiiyak. Sa sandaling iyon naalala ko ang nakalipas, ang araw na una ko siyang nakilala lalo noong unang beses ko siyang natawag na Elder Brother. Hindi ko makakalimutan ang reaksyon niya, ang gulat na may halong awkwardness sa kaniyang mukha. Isang taon na rin ang nakalipas pero pakiramdam ko ay parang kahapon lang iyon nangyari. Pero sa piling ni Amatteo parang bangungot na ayaw ko ng balikan pa. Nagsisisi ako na masyado kong minadali ang lahat at hindi muna siya kinilala ng husto. Sa pinapakita at pinaparamdam niya sa akin ay alam kong hindi niya ako totoong mahal or kahit minahal man lang.
Mukhang tama nga ang nakalap na impormasyon ng aking Butler na si Aaron, Amatteo married me in order to claim the title of Montefuerro's heir, even though his Elder Brother Martius is the legitimate successor in that role. Sa madaling salita, ginamit niya ako para maging tagapagmana ng Montefuerro. I need more information regarding this matter then file a divorce.
Ipinikit ko ang dalawang mata ko at saka huminga nang malalim bago ko kausapin si Elder Brother.
"Thank you for always being there for me, Elder Brother."
After a hot night with him, I mispronounced addressing him Elder Brother once more.
“After what we have done in my bed, you’re still calling me Elder Brother.”
I heard him chuckle, and then he brought me closer to him, face to face, and kissed me passionately. His lips are quite soft, and I am somewhat addicted to his kiss. I can survive all day with his lips.
Agaw dilim na nang makarating kami ni Martius sa mansion ng Montefuerro dahil tinapos muna niya ang mga kailangan niyang gawin sa Montefuerro Hotels.
“Thank you,” mahinang sabi ko matapos akong alalayan ni Martius na bumaba ng kaniyang sasakyan.
Ngumiti siya sa akin ng ilang segundo. “My pleasure,”
Parang may nagkakarerang kabayo na tumatakbo sa puso ko. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa dalawang salita na iyon.
Sandali akong tumingin sa kaniya at ngumiti. Hindi ko kayang makipag-eye to eye contact sa kaniya dahil parang matutunaw ako.
Nag-usap na kaming dalawa ni Martius na ililihim ang relasyon na mayroon kaming dalawa. Hindi ko masabing kami na talaga dahil kasal pa rin ako kay Amatteo. Parang ginaya ko rin ang panlolokong ginagawa niya na mag-cheat sa asawa kahit na ang totoo ay siya naman talaga ang unang nagloko. At alam ko na kahit hindi pa ako magtanong sa kaniya ay hindi niya talaga ako mahal o kahit ituring na asawa kahit sa papel man lang. Nasabi ko rin kay Martius na gusto kong mag-file ng divorce at willing siyang tulungan ako.
Pagpasok namin sa loob ng mansion ay magkahiwalay naming tinahak ang papunta sa aming sariling kuwarto. Ang kuwarto namin ni Amatteo ay nasa ikalawang palapag habang kay Martius ay nasa unang palapag malapit sa visitors room ng mansion.
Habang tahimik akong naglalakad ay nakasalubong ko ang ilang staff. May ibang tahimik na natawa nang makita ako. Narinig ko na sinabi ng isang maid na dito natulog ang kasamang babae ni Amatteo at sa third floor sila natulog na dalawa. Nasa third floor ang master’s bed room at nandoon ang parents ni Amatteo. Exclusive lang ang third floor para sa direct family member. Pero si Martius na legitimate heir ang nasa first floor.
Something fishy sa pamilyang ito.
Pagpasok ko sa kuwarto ay sumalubong sa akin ang lungkot at lamig ng kuwartong iyon.
“Malayong-malayo ito sa kuwarto ni Martius sa bahay niya.” mahinang sabi ko.
Yung maaliwalas na kuwarto na nasisinagan ng araw. May mabangong halimuyak ng bulaklak dahil katapat lang ito ng garden niyang may pulang rosas na namumukadkad.
Pumunta ako sa malaking cabinet para kunin ang maleta ko. Doon ko itinago ang tunay kong cellphone in my real identity. Mayroong security feature iyon na tanging ako lang ang makakagamit o makakabukas ng maleta.
Matapos kong makuha ang cellphone ko na naka-airplane mode ay ni off ko na ang airplane mode nito. I received a lot of messages lalo messages ni Mommy.
“So, invited rin pala ang family ko sa party na iyon.” parang may mapait akong nalasahan nang sabihin ko iyon at maalala ang nakita ko sa live stream. “Tsk!” napakunot nalang ako ng noo ko.
Binasa ko isa-isa ang messages ni Mommy. Kahit na hindi kami magkaharap ngayon ay ramdam ko pa rin ang galit niya. Si Mommy lang ang napagsabihan ko kung sino ang lalaking pinakasalan ko sa pangalan kong Ria Aizena. Una ay tutol siya sa pagpapakasal ko dahil kahit sa picture palang ni Amatteo ay hindi na niya ito gusto para sa akin. Wala lang talaga siyang nagawa dahil sa gustong-gusto kong maikasal nang mga oras na iyon.
“Sorry, Mom, kung na disappoint kita,” napaiyak ako dahil parang useless lang ang lahat lalo ang pangarap ko.
Ang isa sa magandang nangyari ay ang malaman na mahal ako ni Martius. Yung akala kong wall na pagkataas-taas at malamig pa sa yelo na tao ay isa palang sweet at napaka-caring na tao. Yung palagi niyang pagtulong sa akin at laging nariyan kapag pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa mundo ay isa palang sign na may nararamdaman pala siya sa akin.
Pagkatapos kong mabasa ang mga messages at mag-reply sa mga importanteng message ay tinawagan ko na si Aaron.
A week later…
Madaling araw palang ay busy na ang lahat ng staffs sa mansion para sa gaganaping dinner party sa garden. At gaya ng inaasahan ko ay hindi ako invited.
“As if naman kasama ako sa dinner party, they even branded me as ‘The Billionaire’s Abandoned Wife’. At simula nang dumating yung babaeng anak ng Senator ay parang others na talaga ako.” nagtalukbong ako ng kumot habang nakanguso.
Isang anak ng Senator ang babaeng dinala ni Amatteo sa mansion at ito rin ang babaeng nakahalikan niya sa party. At ramdam kong botong-boto ang mother-in-law ko sa babae. Lagi niya itong kausap at kasama mag-shopping na never niyang ginawa sa akin na legally wife ng anak niya.
Malungkot kong tiningnan ang espasyo na tinutulugan ni Amatteo. Kahit na walang nangyayari sa amin sa gabi at kahit pa hindi kami magkayakap sa pagtulog ay nami-miss ko pa rin siya.
Kahit na itanggi ng isip ko na mahal ko siya at kahit pa iniisip ko lahat ng panlolokong ginagawa niya ay hindi ko maiwasan ang hindi masaktan. After all, he was the man I fell in love with for the first time.
“Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? May isang labis na nasasaktan, hindi ba puwedeng happy nalang ang lahat?” muling nag-butil na naman ang mga luha ko.
May narinig ako na mahinang katok mula sa pinto kaya naman napabangon na ako sa aking hinihigaan. Pinunasan ko ang aking mukha bago tinungo ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko.
“Ria,” tila excited pa nitong tawag sa masayang expression ng mukha na napalitan ng kunot ng noo at hindi malaman na expression. “Why are you crying again?” tila galit pa ito.
“Wala lang ito, may pinapanood kasi akong movie, eh, nakakaiyak.” pagsisinungaling ko sa halos pabulong na boses.
Hindi ako malimit na magsinungaling pero ayoko na mag-alala siya sa akin.
“Let’s go.”
“Ha? Saan? Nang ganito ka aga?” naguguluhan kong tugon dahil nasa alas sinco palang ng umaga.
“ I’ve got permission,” sagot niya nang lingunin ako at isuot sa akin ang coat niyang suot lang kanina. Dahil naka-pantulog pa rin ako. Pajama and long sleeve.
“Kanino?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“From my Dad, you will accompany me, so you won’t be alone here in your room while they have a dinner party.” he answered while smiling.
“Ha? Saan naman kita sasamahan? May business trip ka ba?” bigla kong naitanong sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at bumulong. “A date with me.”