Chapter 07 :

1440 Words
Napasinghap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Kunwaring may hinanap ako sa pouch ko. At matapos ko makuha ang cellphone ko ay in-open ko na ang camera at nag-take ng picture sa bintana ng sasakyan. Kunwari kong kinukuhaan ang mga nadadaanan namin. Kasalukuyang binabagtas namin ang isang mahabang bridge at tanaw ko ang unti-unting pagsikat ng araw. “Ria,” He called me in a hushed tone. “Yeah,” I answered without looking at him. “Are you avoiding me?” Mabilis akong napalingon sa tanong niyang iyon dahil sa tono ng boses na narinig ko ay para itong nasasaktan. “Ha? What do you mean?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. “I caught you staring at me, but you quickly averted your gaze and began to do something else.” tugon niya habang patuloy pa rin sa pagmamaneho ng kaniyang sasakyan. “Oh,” sandaling nag-isip ako bago tumingin sa kaniya. “Bigla ko kasing napansin na ang ganda ng sunrise ngayong umaga kaya gusto ko sanang kuhaan ito.” pagdadahilan ko. “You still haven't given me a real reason for your sobs in your room. I am aware that you are concealing something.” He said after giving me a serious face. Gosh! Ano bang mayroon sa lalaking ito? Daig pa niya si Amatteo, kahit na hindi ko asawa si Martius ay parang kilalang-kilala na niya ako. Tila alam niya kapag nagsasabi ako ng totoo o hindi. Sandaling nag-isip ako habang si Martius ay tahimik lang na naghihintay sa sasabihin ko. “Uhm,” napakagat na ako ng ibabang labi ko. “Alam mo naman siguro ang sitwasyon ko sa mansion, habang abala si Amatteo sa pag-aasikaso sa babaeng anak ng Senator ay pinag-uusapan naman ako ng mga staffs. ‘The Billionaire’s Abandoned Wife’ iyan ang bansag nila sa akin.” I managed myself not to cry. Kainis naman itong lalaking ito. Okay na ako, eh, hindi ko na nga naiisip iyon tapos ipapaalala pa niya. Akala ko ba a date with him? Bakit parang an interrogation with him ang datingan. Nagitla ako sa mabilis na paghinto ng kaniyang sasakyan kaya mabilis akong napalingon sa kaniya. Isang singhap ang napakawala ko matapos kong maramdaman ang pagsakop niya sa labi ko. “Uhm, Martius!” tawag ko sa kaniya na kinakapos na ng hininga. Pero parang mali yata ang ginawa kong pagtawag sa pangalan niya dahil lalo niyang pinalalim ang halik niyang iyon. Natagpuan ko ang sarili ko na mainit na sinasagot ang bawat pagkilos ng labi niya maging ang pilyong paggalaw at pakikipaglaro ng kaniyang dila. He tasted mint and sweet. Para akong naa-adik sa labi niya. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng katawan ko habang nararamdaman ang nag-iinit na katawan ni Martius. After kissing my lips he started kissing my neck and planting his love bites. “Wait!” sigaw ko na nagpahinto sa kaniyang ginagawa. Lumayo siya sa akin habang pinagmamasdan ako. He touches the side of his lips with his right thumb, licks them, and smiles at me as if he is enticing me. Pinasadahan ko siya ng tingin. Ang polo shirt niyang bahagyang nagulo. Napatingin ako sa chest niya hanggang tummy part. Kahit na may suot siyang polo ay nai-imagine ko ang hubog ng katawan niya. Ang porma ng abs niya na nakakatakam tingnan at hawakan. “Kyaa!” Napatili ako at napahilamos ng mukha gamit ang dalawang kamay ko. Shariah Albrecht! Ano bang pinag-iisip mo! Hindi ka naman pinalaking ganiyan ng magulang mo! Pinagalitan ko ang sarili ko sa isip ko. Hindi ko inasahan na magkakaroon ako ng matinding pagnanasa kay Martius dahil nagawa kong maisip ang nakahubad niyang katawan kahit na nakasuot pa rin ito ng polo shirt. “Ria,” may pag-aalalang tawag sa akin ni Martius. “Times up muna,” nahihiyang sabi ko. “Akala ko ba magdi-date tayo? Don’t tell me na magtitikiman lang tayo dito sa kalsada at sa loob pa mismo ng sasakyan mo?” lakas loob na sabi ko na nakahilamos pa rin ang mukha. Bahagyang may siwang sa pagitan ng mga daliri ko kaya nakikita ko ang pilyong pagngiti ni Martius habang inaayos ang nagulong kasuotan. Ugh, why so damn handsome. S’werte talaga magiging end game nitong lalaking ito. Pero sana ako nalang. Bigla akong umiling ng maraming beses matapos maisip ang ideyang iyon. Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan at nakita kong tahimik ng nagmamaneho si Martius. Napaayos na ako ng upo para ayusin ang nagulong dress ko na lagpas tuhod. Kinuha ko ang maliit na salamin sa pouch ko para tingnan ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang namumulang leeg ko, ang love bite na iniwan ni Martius. “Grabe ka na talaga, pulang-pula, eh.” reklamo ko na napanguso nalang. “You teased me first.” tugon niya na sinisi pa ako. “Ha? Kailan?” maang kong tanong. Parang wala naman ako ginagawang ganoon kanina. Nahihirapan lang ako mag-isip kung magsasabi ba ako ng totoo o magdadagdag ng isa pang kasinungalingan. “You bite your lower lip. When I see it, I can’t resist wanting to eat you now.” Pagkarinig ko ng mga katagang iyon ay bumilis ang t***k ng puso ko kahit hindi ako manalamin ay alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon. This man can’t filter his words. Damn it! Hindi na ako kumibo hanggang makarating kami sa lugar kung saan daw kami magdi-date ngayon. “Wow!” tanging nasabi ko pagbaba ng sasakyan. Kahit medyo sumakit ang katawan ko sa matagal naming byahe ay napawi ito sa magandang garden na bumungad sa akin. Parang nasa isang tagong paraiso ako ngayon. “This was my mother’s favorite place. And that green house is my most treasured place.” “Your mother?” kinakabahang tanong ko. So, alam din ito nila Amatteo. “My biological mom. Amatteo and I are not siblings, and we do not share Montefuerro's blood. Amatteo is the son of my stepmother's first husband, not my father.” paliwanag ni Martius na inalalayan na akong pumasok sa green house. Hindi magkapatid sina Amatteo at Martius? Pero kung si Martius ang tunay na Montefuerro siya dapat ang naging heir nito hindi ang asawa ko. Pero bakit? Paanong nangyari iyon? Puno ng katanungan ang isip ko. Parang may kung anong ideya ang nabubuo ng isip ko na ayaw kong paniwalaan. Kagaya ng naiisip ko kung bakit nagpakasal sa akin ang isang Amatteo kahit na mula ako sa isang mahirap na pamilya. Kailangan makapag-file na ako ng divorce para hindi ako makulong sa ganitong klaseng relasyon. Parang mali ‘yung naging tingin ko sa kaniya. Dahil malakas ang kutob ko na may involve na pera o yaman dito. Dahil kung iisipin ko ang lahat, ikinasal ako kay Amatteo, naging tagapagmana siya ng negosyo at isa pa, kahit na may asawa na siya ay nagagawa niyang magkaroon ng relasyon sa anak ng Senator. Nakakasiguro ako na hindi basta-basta ang pamilya ng babae. Maaaring gusto ng mother-in-law ko na maging manugang ito para mas lalong lumaki ang negosyo nila at yaman. Malayo ito sa bagay na gusto ko kaya nagpapanggap akong mahirap. “Ria?” Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. “Yes?” maang kong tugon. "I suppose you aren't thrilled to date me,” may lungkot na sabi niya. Umiling ako. “Hindi ah, ang sarap nga nitong lasagna.” puri ko sa pagkain na kinakain ko ngayon. Kumuha ako ng maliit na slice. “Uhm, napansin ko lang na wala tayong dessert.” puna ko na isinubo na ang lasagna. Sobrang sarap nito at cheesy na hindi nakakaumay. Sa dami ng pagkain na nakahain ay ito talaga ang una kong kinain. “Oh, I decided to change our dessert after what happened.” may pilyong ngiti na tugon niya. “Eh? Ano ang pinalit mo?” pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkaing nakahain. Nasa loob kami ngayon ng green house na napapaligiran ng magaganda bulaklak. Pinaka mas visible sa lahat ang mga pink roses sa paligid. For me, this is my first date with this kind of setting. Maraming food na hindi ka mag-aalala kung tataba ka. At isa pa, mahilig talaga akong kumain kaya super happy ako sa date na ito. Kung ikukumpara ko siya sa naging date namin ni Amatteo. “I decided to change our dessert to…our body. I am your dessert and you are my dessert. Sounds yummy?” He playfully smiled with a smirk. Napanganga ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala na tiningnan siya ng mariin. “Seriously?” wala sa sariling nasambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD