Chapter Sixty Five “Can I try everything?” mahinang tanong ko kay Manong. “Ano po?” ulit naman niya. Napatingin ako kay Mary. Bumaling ako kay Manong at magsasalita n asana nang hawakan ni Mary ang kamay ko. “Lahat po, isang serve lahat ng klase,” ani Mary at ngumiti kay manong. Tumango naman si Manong at nagsimula nang kumuha sa harap niya. Sabay niya iyong niluto sa malaking kawali na may maraming mantika. We waited for him to finish cooking. Inilagay niya iyon sa isang maliit na paper plate. One paper plate for each kind of food. Huli niya inalis sa kawali ang French fries. Ipinasok niya muna iyon sa isang lalagyan. He put some cheese powder, cover the lid, and shook it. When he was done, he opened it, and poured the French fries on the paper plate. “Eto na,” ani

