Chapter Sixty Six Nang matapos kaming kumain ay tumayo na kami para maglakad-lakad. Inaya ako nina Mary na pumunta sa gym kung saan ay parang may naririnig kaming mga naglalaro ng basketball. “May crush dito si Leng, ma’am,” sabi ni Dona nang bumaling siya sa amin ni Mary habang naglalakad kami. “Huy! Wala!” sigaw naman ni Leng kay Dona bago nahihiyang tumingin sa amin. Napangiti ako. “Talaga, sino?” tanong ko habang sumusunod sa kanila sa paglalakad. “Turo ko po mamaya,” sagot naman ni Dona. Hinampas ni Len gang braso niya. “Tumigil ka nga,” ani Leng sa kaibigan. Humarap siya sa amin. “Ma’am, hindi po totoo ‘yan,” aniya. Nangingiting tumango lang ako. Wala namang kaso sa akin iyon. Natural lang naman sa mga tao ang magkagusto. Ako nga eh, may gusto akong hindi

