Chapter Seventy Two Mabuti na lang at ibinalik din naman agad ni Samantha ang phone kay Jasmine. “Anong oras ka bi-biyahe bukas?” tanong ko kay Jasmine. She shrugged. “Hindi ko pa alam, Celie,” aniya. “Baka after lunch. Sabay pa siguro kaming magla-lunch ng Kuya Rely mo,” Tumango ko at ngumiti. “I am so excited to see you again!” masayang sabi ko. “Me, too,” Jasmine said. Nag-usap pa kami ni Jasmine sandali bago kinuha ni Zane ang phone niya. “Celie, hello again!” sigaw niya nang sa wakas ay hawak na niya ang phone niya. Narinig ko din ang boses ng iba naming mga kaibigan. Inaantok na ako pero hindi ko naman pwedeng babaan na lang si Zane. “Sana nandito ka talaga!” ulit na naman niya. Natawa na lang ako. Sana nga. Sana nandoon ako. Kung nandoon lang ako, ba

