Chapter Fifty I can’t believe it. I saw him here. I saw HIM here! Why the hell is he here? I don’t want him here! Umalis nga ako dahil ayaw ko siyang makita pero magugulat na lang ako na nandito na siya? I already have a hint as to why he is here but I don’t want to entertain the thought. Ayoko! Daddy naman kasi. Sa dinami-dami ng bodyguards sa Pilipinas,si Benjamin patalaga? At hindi ba may binabantayan na siya? Samantha del Valle? Hello? Ilang minuto pa akong nakatulala sa dining table. Kung hindi lang ako nakarinig ng mga yapak ay hindi sana natapos ang pag-iisip ko. Wala na nga akong sapat na tulog, parang mas lalo pang sasakit ang ulo ko sa mga naiisip ko. Nakita kong si Mary ang naglalakad papasok ng kitchen. Ngumiti siya nang makita ako. “Good morning po, Ma’am Celie,” ani Mar

