Chapter Fifty One Hinintay kong matapos si Jasmine sa pagligo para may kasabay akong bumaba. Nang nasa hagdanan na kami ay nakita kong papasok sina Leng at Dona, sa likod nila ay si Kuya Jun at Kuya Arman na may dalang tatlong luggage. “Good morning po, Ma’am,” sabay na bati ng dalawa nang nasa harap na nila kami. “Good morning,” I greeted back. Jasmine greeted them, too. “Iaakyat lang po namin ‘to, Ma’am,” paalam ni Kuya Jun. Tumango ako sa kaniya. Naglakad na silang dalawa papunta sa hagdan nang magsalita si Jasmine. “Akin po ba ‘yang isa, Kuya?” tanong ni Jasmine na tinanguan naman ni Kuya Arman. “Opo, ito po,” ani Kuya Arman. Jasmine nodded back at him Nagpatuloy na ang dalawa sa pag-akyat. Nakita ko si Mary na papunta sa amin. “Hala! Nandito kayo!” masayan

