Chapter Fifty Four Bagot na bagot na nga ako dito! Bakit ayaw niya akong palabasin? Hindi naman ako lalayo dito. Sa bayan lang naman ako pupunta para lang may makita din akong ibang bagay. Hindi iyong puro na lang bulaklak at bodyguards sa paligid ko. Nakabusangot na napaupo ako sa couch sa living room. I sighed. Nakakainis. Nakapagbihis na pa man din ako tapos hindi din pala ako makakalabas. Bakit kasi hindi niya ako pinayagang lumabas? Wala na talaga akong maisip na gawin. Nakakakairita ang Benjamin na 'yon! "Oh, Ma'am," Napatingin ako kay Mary na naglalakad papalapit sa akin. Kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ko. "May problema ka po ba?" tanong niya. Hindi nawawala ang busangot sa mukha ko nang sagutin ko siya. "Gusto ko kasi sanang lumabas. Gusto kong p

