Chapter Fifty Three “Hoy, konti nga lang!” reklamo ko nang mailagay na niya ang kanin. Sumandok ulit siya at ilalagay niya sana ulit iyon sa plato ko pero hinawakan ko agad ang kamay niya. “Stop, please!” sabi ko sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya bago ako tiningnan sa mukha ko. Mabilis ko ding binawi ang kamay ko. “Tama na,” sabi ko sa kaniya sa mahinang boses. “Hindi ko na mauubos ‘yan,” Tumango lang siya bago inilagay ang kanin sa plato niya. Natahimik na kami pagkatapos noon. Kumuha lang ako ng ulam at nag lagay sa plato ko. Ganoon din ang ginawa ni Benjamin. Tahimik kaming kumain habang ang tatlong kasama namin ay nag-uusap. Habang kumakain ay napaisip ako kung ano ang gagawin ko sa mga araw na nandito ako. Limang araw na ako dito

