Chapter Ninety We had our breakfast together. Magkasama kami nina Benjamin at Jasmine. Sina Mary ay tapos na kaya naghuhugas na sila noong mga pinagkainan nila. Mabilis kaming natapos sa pagkain dahil hindi naman nagsasalita sina Benjamin at Jasmine. Ambilis pa namang kumain ni Benjmain. Napabilis din tuloy ang pagkain ko. Nang matapos ay pinakuha na ni Benjamin ang mga maleta namin sa kwarto. Kami naman ni Jasmine ay lumabas at hinanap sina Mang Tasyo. “Where is Mang Tasyo?” tanong ko kay Kael nang makita ko siya sa labas. Itinuro niya ang malayong bahagi ng flower farm. “Nandoon po,” ani Kael. “Tatawagin ko po ba?” Tumango ako sa kaniya. “Yes, please,” sagot ko naman. “Tell him Jasmine and I want to say good bye to him and the other workers,” Kael nodeed. “

