Chapter Eighty Nine Celeste’s POV Nanood kami ng basketball game. Nang matapos ay sobrang dami nang nagpapa-picture. Gusto din sana magpa-picture nina Leng, Dona, at Mary, pero parang ang hirap. Sa huli ay nagdesisyon na lang kami na umalis doon sa gym at pumunta na lang ng plaza dahil magsisimula na din naman daw ang beauty pageant nila. Nang bumaling ako kay Jasmine para ayain siya ay nakita kong ngiting-ngiti siya. Tinawag ko nga. “Huy!” Napatingin naman siya sa akin nang nakangiti. “Yes, Celie?” tanong niya habang malapad ang ngiti. Kunot ang noong nakatingin lang ako sa kaniya. “You look so creepy with your smile,” sabi ko habang hinihigit na siya patayo para makaalis na kami. Binalingan ko si Benjamin at nakita ang nakabusangot niyang mukha habang nakatingin sa am

