bc

Her Emotionless Eyes

book_age16+
4.0K
FOLLOW
29.6K
READ
love-triangle
arrogant
badboy
heir/heiress
drama
tragedy
comedy
twisted
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

He's a bully, egoistic, at lahat ng gusto niya, dapat nasusunod. Kinatatakutan siya ng lahat sa eskwelahang pagmamay-ari ng pamilya niya.

But there's a girl who caught his attention.

This girl has emotionless eyes.

Blank expression lang ang mayroon ito kaya naman gusto niyang mabago 'yon at magkaroon ito ng ekspresyon.

He will do everything for that.

He will do anything for him to witness it.

Will he have the smile of triumph?

Then we'll see.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Her Emotionless Eyes Written by BonVoyageTen Chapter 1 - The Bully's Bad Morning ~She~ Binuksan ko ang pinto para bumalik na sa bahay. Madilim. Sobrang dilim dahil patay lahat ng ilaw dito sa loob kaya wala akong makita. "Mom?... Dad?..." Kinapa ko kung nasaan ‘yung switch namin pero nadulas ako nang may maapakan akong basa. Hindi ko naramdaman ang sakit sa tagiliran ko dahil sa pagkakadulas ko pero naramdaman ko lang na basang basa ang buong katawan ko dahil doon sa likidong nasa sahig. Nagtaka ako dahil parang malagkit ‘yon kaya naman napagdesisyunan kong tumayo para muling kapain kung nasaan ang switch ng ilaw. Pagbukas ko n’on, nagliwanag ang loob ng bahay pero napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko dahil sa tumambad sa’kin. Nakita ko ang katawan ng dalawang taong napakahalaga sa buhay ko na wala ng buhay at nakahandusay sa sahig. Napatakip agad ako ng bibig ko dahil doon pero nang makita ko ang mga kamay ko  ay mas nanlaki ang mga mata ko dahil puno ‘yon ng likidong kulay pula. Tiningnan ko ang sarili ko nahilakbot ang buo kong katawan nang makita ko ang damit ko. Dugo... Puno ako ng dugo. Ang buong katawan ko ay basa ng dugo dahil hindi tubig ‘yung nabagsakan kong likido kanina kundi ang dugo na nagmula sa mga katawan nila. Napaatras ako habang nangangatog ang tuhod ko at nakatingin sa mga kamay ko. Naalis ang pansin ko roon nang ang dugong nasa sahig ay gumapang na tila sinusundan ako. Natumba na ako dahil sa sobrang pag-atras, maiwasan lang ‘yon pero umabot na sa’kin ang dugong 'yon… …hanggang sa binalot na ako n’on. Biglang hindi ako makahinga na para bang may nakasakal sa’kin. Pilit kong inaalis kung anuman ‘yung sumasakal sa’kin... "Ahhhhhhhhhhhh!" Napabalikwas ako ng gising na tumatagaktak ang pawis sa noo ko. Marahas akong napaupo at napatingin agad sa paligid ko habang habol na habol ko ang hininga ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil kumakabog ‘yon nang malakas. Nakalma ko lang ang sarili ko nang makitang nasa kwarto ko pa rin ako ngayon. Tiningnan ko ang mga kamay ko na nanginginig pa rin hanggang ngayon. Ramdam ko na pati mga labi ko, nanginginig din. Napatulala na lang ako roon. Ang panaginip na naman na ‘yon. Pero tama kung tawagin kong bangungot ‘yon. Napatakip ako sa mukha ko at napapikit nang mariin dahil indi pa rin ako tinitigilan ng bangungot na ‘yon. Ilang taon na ang lumipas pero minumulto pa rin ako ng pangyayaring ‘yon. Pero wala akong magagawa sa bagay na ‘yon. Ito ang karma ko kaya wala akong karapatang magreklamo ni umayaw. Dahil ito ang karmang hindi ko alam kung hanggang kailan ko titiisin at dadalhin. ~The Bully~ Kunot na kunot ang noo ko habang naglalakad ako sa hallway. Hindi kasi maganda ang mood ko ngayong araw kaya lahat ng taong nasasalubong ko, halatang umiiwas na agad kapag nakikita na ako pero may nakaharang na dalawang lalaki sa daanan ko na masayang nag-uusap kaya tumigil ako sa paglalakad at nakatingin lang sa kanila but they didn't seem to notice me. "Oo pre! Ganda n’ong chicks na ‘yon, ‘no?" "Oo nga eh. Pansin ko nga na laging nakatingin sa’kin. Siguro type ako non! Wahahaha!" "Tol! Wag ka nga dyang assuming! Eh nagconfess na sa’kin ‘yon na gusto niya ko pero ni-reject ko lang!" I tapped my foot impatiently while just looking at them then I crossed my arms while raising my eyebrow pero hindi pa rin nila ako napapansin. Anak ng! "Wew! Barbero ka! Sa itsura mong yan, magkakagusto ‘yon sa’yo? Baka sa’kin, pwede pa!" Halatang galak na galak sila sa pinag-uusapan nila kaya naman hindi na kinaya ng pasensya ko at tinulak ko na sila ng sabay. Napa-upo naman sila pareho. The word patience is not in my vocabulary. "What the f*ck! What's your f*****g problem h-?!" napatigil sa pagsigaw sa’kin ‘yung isa sa kanila n’ong mapatingin sila sa’kin. Napatameme agad silang dalawa at nagkaroon ng takot ‘yung mga mata nila. "Ang daanan, dinadaanan. Hindi hinaharangan. You'll never want know what are the consequences kapag hinarangan n’yo pa ulit ang dadaanan ko so piss off!" sigaw ko sa kanila. Takot na takot silang tumakbo paalis. Tsk! Dagdag badtrip! Maglalakad na sana ulit ako nang makaalis na ‘yung dalawang g*go pero nagulat ako nang may biglang bumangga sa’kin. Pagtingin ko, lalaki. Nalaglag pa ‘yung salamin niya sa pagkakabangga niya sa’kin kaya pinulot niya ‘yon. No’ng makita niya namang walang basag ‘yon eh isinuot niya ule at pagkatapos ay nagsorry siya sa’kin habang nakayuko. Nabwisit na ako sa nangyari kasi binadtrip na nga ko n’ong dalawang g*go kanina tapos isang g*go na naman ang nagpapa-init ng ulo ko pero nang matitigan ko ‘yung hairstyle niya, napangisi ako. Walanjo! KIMPEE ang p*ta! Uso pa pala ‘yon hanggang ngayon! Kung hindi lang ako badtrip ngayon baka humagalpak na ako sa tawa sa hitsurahin ng isang ‘to pero malas niya, badtrip ako ngayon. BADTRIP na BADTRIP! Inalis ko ang pagkakangisi ko at hinintay ko siya na tingnan ako. Pag-angat niya ng tingin. Tiningnan ko siya ng malamig. "G-Gi-Gino P-Primo?" pautal-utal n’yang sabi. Nanlake ang mga mata niya nang makilala niya kung sino AKO na nabangga niya. Aba! Dapat lang! Tinaasan ko siya ng isang kilay at siya naman eh halatang maiihi na sa takot. Hinawakan ko siya sa balikat niya kaya napatingin siya sa kamay ko na nakahawak doon. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "I think this is not your lucky day, KIMPEE!" I said coldly then I smirked. Napatulala naman siya habang nakatingin pa rin sa kamay ko sa balikat niya. Halatang hindi niya inaasahan ang magiging kapalaran n’yang ‘to pero sorry siya, he annoyed me when I'm already annoyed. Inalis ko na ‘yung pagkakahawak ko sa balikat niya. "From now on, you're name is listed down in the trash list. You're officially a TRASH of this school!" I said loudly at tumingin pa ko sa mga taong naglalakad sa hallway para marinig nila ‘yung sinabi ko. Tumigil naman sila sa paglalakad at nakiusyoso sa’min. Nakita ko ‘yung iba, nagbubulungan. `Yung iba naman, halatang nae-excite. Meron ding mga naawa. Tiningnan ko ulit siya. Nakatulala lang siya at soulless. "Tsk! Tsk! Tsk!" palatak ko habang pailing-iling pa. Kinuha ko ‘yung panyo sa bulsa ko saka ko pinunas ‘yon sa kamay ko na pinanghawak ko sa balikat niya. Aalis na sana ako pero may naalala ako bigla kaya nilingon ko siya. "Oo nga pala, It's not Gino. It's Russell. We're not close." Hindi siya umimik at wala sa sariling napaupo na lang. Paiyak na nga eh. At doon eh umalis na ako. Swerte ‘yung dalawang gago kasi hindi pa full charged ‘yung pagkabadtrip ko kanina pero ‘yung KIMPEE na ‘yon ang pumuno sa’kin so he got what he deserved. Sigurado, hindi magtatagal at magtatransfer din ‘yun sa ibang school dahil siya na ang pag-iinitan dito... That's what I can do 'cause I'm the Bully Prince. *—***—* ~Tagapagsalaysay~ Nasa tapat ngayon ng isang elite school ang bagong transferee ng school na 'yon. Maaga pa para sa mga estudyante pero nandon na agad siya. Napatingin siya sa malaking gate at may malaking nakasulat sa taas n’on na "Primo High" Sa labas pa lang ay mahahalata mo ng mas mataas pa ito sa mga pangmayayamang school. Pumasok na siya sa mini gate at limang guards ang agad na bumati sa kaniya habang nakangiti. Tiningnan niya lang sila. Iniscan ang I.D niya bago siya pinapasok. "Ngayon ko lang nakita ‘yung estudyante na ‘yon ah?" "Baka transferee?" pag-uusap n’ong mga guards habang sinusundan siya ng tingin. Napakalawak ng loob ng school na ‘to. May natanaw siyang isang malaking building na sobrang laki kaysa doon sa building ng pinanggalingan n’yang school dati. Iilan pa lang ang mga estudyanteng palabas pasok sa mga daanan doon dahil maaga pa. May mga puno sa gilid n’ong dinadaanan niya na talaga namang napakaayos ng pagkakahilera at nagpaganda sa ambiance ng paligid. Napatingin siya sa kanan niya. May mga benches at mga lamesang gawa sa bato doon na may bubong at napakaganda ng disenyo at pagkakapintura. Iyon ang mga tambayan ng mga estudyante kapag wala pa silang klase. May mga murals rin sa mga pader na napakagaganda at kukulay. Sa kaliwa niya naman siya tumingin. Isang malaking maze ‘yon na gawa sa mga halamang maayos at pulido ang pagkakatrim. Nang makapasok na siya doon sa building mula sa medyo mahabang lakaran ay napansin niya agad ang isang malaking malaking chandelier na napakaganda. May ilang mga estudyante na ang masayang nag-uusap at nagtatawanan habang naglalakad rin kasabay niya pero napansin niya na kapag napapatingin sila sa kaniya ay nagsisitahimik ang mga ito. Napatingin naman siya sa 2nd floor kung nasaan ang terrace n’on. Nandoon ang mga nagkekwentuhang mga kababaihan habang nakasandal sila doon. May mga naghahabulan ding mga lalaki na bumangga pa sa kaniya kaya napaupo siya pero hindi nila siya pinansin at pinagpatuloy lang ang paghahabulan na parang walang nangyari. Nagtawanan pa ang mga ito. Meron ding mga babaeng malapit sa kaniya ang nagtawanan dahil sa nakita nilang nangyari sa kaniya. Siniringan lang siya ng mga ito nang tumingin siya sa kanila at doon ay umalis na habang pinagkukwentuhan siya. Tumayo na siya at naglakad ng muli na parang walang nangyari. Hindi niya na pinansin ang mga matang nakatingin sa kaniya. Umakyat siya sa may hagdan pero napapansin n’yang walang masyadong nagamit n’on dahil kaliwa't kanan ang elevator dito. Nagsimula na siyang hanapin kung saan ang faculty room ng magiging adviser niya. Kinuha niya pa ‘yung mapa sa bag niya na ibinigay sa kaniya n’ong naenroll siya dahil sa sobrang malawak tong school na ‘to kaya paniguradong maliligaw siya kung wala siya n’on. Natagalan siya sa paghahanap. Dumadami na ang mga estudyante ngayon na nagkalat na sa school. Ayaw n’yang magtanong sa kanila kung saan ba ‘yung lugar na hinahanap niya kasi ayaw n’yang kumausap ng kahit na sino sa mga ito. Alam rin naman n’yang ayaw rin naman nila siyang kausapin. Nasa 3rd floor na siya. Umakyat siya sa may hagdan at bumungad sa kaniya ang pader na salamin at kitang-kita niya doon ang sarili niya na papaakyat ng hagdan. Lumapit siya doon at tiningnang maigi ang repleksyon niya sa salamin. Tinitigan niya ang repleksyon ng walang emosyong mga mata niya pero napalingon siya sa may hagdan kung saan siya umakyat kanina at mayroong mga estudyanteng nagkakagulo doon. May pinagkakaguluhan sila doon sa may gitna ng daan sa baba n’ong hagdan at kitang-kita niya ang nangyayari sa baba. May sumigaw na isang lalaki. Napatingin siya doon sa lalaking nakasalamin na nasa harap n’ong lalaking sumigaw at kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito. Nang umalis na ‘yung lalaking sumigaw kanina ay pinagbabato ng kung anu-ano ‘yung lalaking nakasalamin na umiiyak na. May bumato pa nga sa lalaki na ‘yon ng trash can na bakal kaya nabubo sa kaniya ‘yung mga basura at tumama pa sa may ulo niya ‘yung basurahan dahil may dugo ng umagos sa noo niya. Kumalabog nang malakas ang basurahang ‘yon pagkalaglag na pagkalaglag sa sahig. Nagkalat din ang mga basura at mga bagay na binato sa kaniya sa sahig. Napaupo siya at hinawakan niya ang noo niya. Nang makita niya ang dugo sa kamay niya ay nagsisigaw siya. "Someone! Please help me! I'm bleeding! Please! Help me!" paghingi niya ng tulong pero imbis na tulong ang ibigay sa kaniya ay inisprayan siya ng insectiside ng isa sa mga estudyanteng babae. Napaubo siya dahil doon sa inispray sa kaniya. Isang napakagandang babae na may hawak ng insectiside ang humarap sa kaniya. Sopistikadang sopistikada itong gumalaw pero kitang-kita naman ang pandidiri sa mukha niya. Lumapit sa kaniya ang tatlo pang babae. Magaganda rin ang tatlong ‘yon at halatang galing talaga sa mga mayayamang pamilya. "Yan ang nababagay sa mga basurang katulad mo! This super expensive insectiside made from U.S. is not enough to get rid of a pest like you in this school. That's what you get in messing with Russell! Your so pathetic! Next time, be careful so you won't be troubled because of your stupidity but I don't think that there will be a next time for you." ngumiti ‘yung babaeng ‘yon o mas magandang sabihin na she smirked. `Yung isa sa kanila ay tutulungan sana ‘yung lalaki pero pinigilan siya n’ong mga kasama niya kaya wala siyang nagawa kundi ang maawa na lang. Nakapaikot lang doon sa lalaki ‘yung mga estudyante. Mga bakas sa mukha ang kasiyahan at amusement sa mga nangyayari. Parang nanonood lang sila ng isang nakakatawang palabas sa mga expression sa mga mukha nila. Nilapitan ‘yung lalaki n’ong mga limang iba pang studyanteng kalalakihan at walang-awa siyang pinagsusuntok at pinagsisipa. Nakahandusay na siya sa sahig at paubo-ubo. Hindi na rin siya makagalaw. Tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Nang makuntento na sila sa pagbugbog sa kaniya ay binuhusan naman siya ng tubig. Wala ng malay ang lalaking lalaking ‘yon at hindi na talaga siya nagalaw. Napatitig ‘yung transferee sa kaniya. Parang nakikita niya ang sarili niya sa lalaking ‘yon sa dati n’yang school. Nagsi-alisan na ‘yung mga estudyante nang may mga dumating na mga teachers. Hindi magkandaugaga ang ibang mga teachers pero ‘yung iba ay kalmadong kalmado lang na kahit na gan’on na ang nangyari. Sanay na kasi sila sa mga ganoong eksena sa school na ‘to. Binuhat nila ‘yung lalaki at lumabas na nitong building. Dinala nila siya sa ospital dahil sa mga sugat na tinamo nito. May mga dumating rin na mga janitors at nilinis nila ‘yung mga kalat doon sa pinangyarihan ng pambubully. Napatingin ulit sa repleksyon sa salamin ang transferee at tiningnan muli ang kaniyang sarili. Tiningnan niya ang mukha niya. Walang mabakas na kahit anong expression o emosyon doon. Lalo na sa mga mata niya. Inalis niya na ang tingin niya roon at naglakad na paalis. Sinimulan na ulit n’yang hanapin ‘yung faculty room n’ong magiging adviser niya. Dapat ay naawa man lang siya sa nangyari sa lalaking ‘yon pero hindi niya maramdaman. Hindi niya maramdaman at hindi niya gustong maramdaman. *—***—* ~Russell~ Naglalakad na ulit ako ngayon papunta doon sa classroom ko habang nakapamulsa nang maramdaman kong biglang parang may nanghubo ng pants ko kaya napatigil ako. Narinig ko 'yung maraming singhap sa paligid ko kaya dahan-dahang akong napatingin sa ibaba ko. Nanlaki 'yung mga mata ko nang makita kong hubo na talaga 'yung pants ko kasi wala akong suot na sinturon at boxers ko na lang na may malaking S ng superman ang natira sa’kin. Dahan-dahan akong napalingon at nakita ko ang isang babae nakaplakda sa likuran ko na nakahawak pa sa pants ko. Tiningnan ko 'yung isang lalaki na nanlalaki rin 'yung mga mata tapos nakastretch 'yung paa niya. Siguradong tinalapid niya 'tong babaeng 'to kaya takot na takot na tumakbo siya palayo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa’kin pero agad-agad ko nang isinuot ulit 'yung pants ko. Siguradong pulang-pula na 'yung tenga ko pero unti-unti na ring umiinit ang bunbunan ko sa nangyari sa’kin. Nang marinig ko 'yung mga mahinang bulungan saka pigil na pigil na pagtawa kaya tiningnan ko nang sobrang talim 'yung mga tao rito. Marami sila na mga senior ang nandito ngayon dahil ito ang floor ng mga fourth year. Inisa-isa ko silang tingnan. "Sige! Subukan n'yong tumawa! Subukan n'yo lang! Alam na alam n'yo na kung anong mangyayari sa inyo!" Napayuko sila ng sabay-sabay at mga napatikom ng bibig. Tumingin na ako sa babaeng nakapanghubo sa’kin. Tumayo na siya at tumingin na sa’kin. Napatitig ako sa kaniya ng wala sa oras. Ngayon lang ako napatitig ng ganito sa isang tao. Mukha siyang manikang buhay. Ang kinis at ang puti ng mukha niya. Ang tangos rin ng ilong niya. May bangs rin siya na buong noo. Pero napatitig ako sa mga mata niya. May pagkasingkit 'yon at wala akong makitang kahit anong emosyon do'n. Hindi siya natatakot, walang admiration at wala ring pagsosorry na talagang ikinainis ko nang sobra-sobra. Unti-unti nang umusok ang ilong at tenga ko sa galit. "Do you know what you've d—” Bigla siyang naglakad at nilagpasan ako. Natulala ako sa ginawa niya. Huh? Someone ignored me?... Someone ignored Gino Russell Primo? Nang unti-unti ko nang marealize ang pagpapahiya n’yang 'yon sa’kin, napakuyom ako ng kamao ko at nagtagis ang mga bagang ko sa galit. Marahas akong lumingon at tiningnan 'yung babaeng 'yon. Ang haba ng buhok no'n. "Hoy!" malakas at galit na tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumilingon. Ang lumingon sa’kin eh 'yung ibang nandito. Akala siguro nila eh sila 'yung tinatawag ko. '`Yung Bwisit meter ko, konti na lang mapupuna na. "Hoy! Babaeng mahaba ang buhok!" tawag ko do'n sa babaeng 'yon para malaman n’yang siya 'yung tinatawag ko. Napalingon naman sa’kin ‘yung mga babae dito na may mahabang buhok. Lumingon din sa’kin 'yung babaeng tinawag ko. "Hindi ka man lang ba magsosorry sa ginawa mo sa’kin?! Nakaatraso ka pero nilayasan mo lang ako! Hindi ka ba tinuruan ng manners no'ng elementary ka?!" Nagpipigil lang ako ng galit ko kasi kung hindi, baka kung anong magawa ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa’kin katulad kanina. Wala pa ring expression ‘yung mukha niya lalo na 'yung mga mata niya. "Hindi mo ba narinig ‘yung sinabi k—” Tumalikod na siya sa’kin kaya napatigil ako sa pagsasalita. Naglakad na siya paalis kaya napanganga ako. What bigsh*t was that?! Hindi ba siya magsosorry?! Pagkatapos ng ginawa niya sa’king malaking kahihiyan, hindi siya magsosorry?! Hindi niya ba alam kung sino ako?! "Hoy! I'm the heir of this school so never ignore my words!" sigaw ko pa rin sa kaniya pero parang wala pa rin siyang naririnig. "Hala! Dinedma deadma niya lang talaga si Russell pagkatapos ng ginawa niya." "Ang weird naman ng isang 'yon. Hindi man lang natakot kay Russell." "Kaya nga eh. Nilayasan niya lang." Tiningnan ko ng masama kung sino 'yung mga nagbubulungang 'yon na ang lalakas naman ng mga bibig kaya narinig ko. Nagtakbuhan naman 'yung mga babaeng 'yon na malapit sa’kin. Bullsh*ts! Nakita kong nakatingin ‘yung mga tao ngayon dito sa’kin. "Stare more and all of you will die now!" asik ko sa kanila kaya naman nagmadali na silang maglakad palayo. Naalala ko 'yung babaeng nanghubo sa’kin kaya hinanap siya ng mga mata ko at nakita kong lumiko na siya do'n sa may isang daanan. Papunta 'yung daan na 'yon sa faculty room ng mga teachers ng fourth year. Pero bago siya lumiko ay napatingin siya sa’kin. '`Yung tingin niya, 'yung parang katulad lang kanina... Expressionless. Null. Nang tuluyan na siyang naglakad paliko do'n at nawala na sa paningin ko, nagsimula nang mag-init ulit nang sobra ang ulo ko. Pumutok na 'yung lahat lahat ng fuse ko na ngayon ko lang naranasan. "This is bullsh*t!" Nilayasan niya lang ang isang Gino Russell Primo?! Anong karapatan niya para gawin 'yon?! Pagkatapos niya akong hubuan, hindi niya rin ako pinatapos sa pagsasalita ko at hindi pinansin ‘yung mga sinabi ko! Nagmukha tuloy akong tanga dahil sa kaniya! Nakakabwisit talaga! That girl! She'll pay for this! Pag nagkataong nakita ko ulit ang isang yon, I'll think of what punishment I will give her for this humiliation! Mainis, magalit o isumpa man nila ako, wala akong pakialam pero 'pag ako ang ininis at ginalit nila... They can never imagine the things that I can do.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
122.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook