Chapter 70 2 days later... ~~~Yvonne~~~ "Gino kumain ka muna. Ako munang bahala kay Winter. Dalawang araw ka ng hindi kumakain. Pinag-aalala mo ko,” sabiko kay Gino habang hawak ko tong tray ng pagkain niya pero sya, nakatingin lang sa nakahigang si Winter at hindi binibitawan ang kamay nito. Hindi siya umimik at tulala lang kay Winter. Nandito kame ngayon sa private room ni Winter at alaga siya sa asikaso ng doctor. Alam na alam ko kung gano kasakit para sa lahat ang nangyari sa kanya. Tinuring ko na rin siyang parang tunay na anak at nung malaman ko nung araw na ‘yon ang nangyaring pagkakabangga sa kanya ay hindi talaga ako makapaniwala. Nalaman ko rin na kaya nangyari ‘yon ay dahil nagtalo sila ni Maxine at niligtas niya ito sa umaandar na kotse kaya siya ang nabangga pero hindi

